Forbidden love ch 4-6

1.7K 3 0
                                    

Enzo: Sino kaya itong tumatawag?

-Enzo, huhu.

Enzo: Joy??

-Pwede mo ba akong puntahan dito??

Enzo: Nasaan ka??

-Nandito kami ng anak ko sa may malaking simbahan.

Enzo: Oh, sige, hintayin mo na ako jan.

FORBIDDEN EP. 4
Part 5: My First Love

Si Joy ay umiiyak ng tumawag kay Enzo. Hindi alam ni Enzo kung anong dahilan. Nag-aalala si Enzo kay Joy. Kaya nagmadaling umalis si Enzo upang puntahan si Joy. Pagdating ni Enzo sa simbahan na tinutukoy ni Joy. Nakita niya si Joy na nakayuko sa upuan, nilapitan ito at tinapik sa balikat. Pagkalingon ni Joy kay Enzo, agad nitong niyakap si Enzo. Hinagod ni Enzo ang ulo ni Joy habang tinatanong.

Enzo: Anong nangyari?

Joy: Pwede bang sa ibang lugar ko na lang ikwento?

Enzo: O, sige, halika.

Binuhat ni Enzo ang anak ni Joy na natutulog. Sumakay sila sa sasakyang hiniram ni Enzo sa kaibigan niyang si Jobert at pumunta sa bahay nila April.

Nakarating na sila sa bahay nila April. Pinapasok sila ni Marie at pinaupo sa sala.

Enzo: Tita, nasaan po si April?

Marie: Nasa kwarto niya, natutulog.

Marie: Anong nangyari, hija?

Hindi makasagot si Joy dahil sa pag-iyak nito.

Marie: Enzo, ikuha mo muna siya ng tubig para makahinga at makausap ng maayos.

Pagtungo ni Enzo sa kusina, di niya namalayan na nakasunod ang tita niya sa kanya. Niyakap siya nito mula sa likod at hinalikan bago nagpaalam.

Marie: Enzo, ikaw muna ang bahala dito. May pupuntahan lang ako.

Enzo: Saan po kayo pupunta? Gabi na eh.

Marie: May lakad kami ni Tintin, long lost friend ko.

Enzo: Sige po, tita, ingat po kayo.

Pag-alis ni Marie, nag-usap na si Enzo at Joy.

Enzo: Anong nangyari?? Bakit ka umiiyak?

Joy: Sisisi Greg…

Napansin ni Enzo na panay ang hawak ni Joy sa kanyang tagiliran. Kaya pinisil niya ito upang makumpirma niya kung sinaktan siya ni Greg.

Joy: Aray!

Enzo: Anong nangyari riyan? Sinaktan ka niya??

Tumango lang si Joy sa pagsagot niya sa tanong ni Enzo.

Enzo: Walang hiya talaga yang si Greg. Matagal ka na ba niyang sinasaktan??

Tumango lang siya uli.

Nang malaman ni Enzo ang ginagawa sa kanya ni Greg, nag-init ang ulo nito. Gusto ni Enzo na puntahan si Greg at alagaan sa suntok.

Enzo: Dito ka muna kayo mag stay ng anak mo. Siguradong hahanapin kayo nun sa bahay ng tatay mo o kaya sa bahay namin. Hindi rin nun iisipin na nandito kayo. Ipapaalam ko na lang kina April.

Joy: Salamat, Enzo.

Niyakap ni Joy si Enzo at hinalikan.

Mga ilang segundo pa ang lumipas…

"Ma??"

Agad kumalas si Joy sa pagkakahalik at bumalik sa pagkakaupo nang marinig nila ang boses ni April.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now