Tattoo finalé

1.9K 2 0
                                    


"Love, hindi na ba kita mapipigil. Baka pwedeng, huwag ka ng tumuloy.", drama ni Vernon sa kasintahan.

"Para sa atin din naman ang gagawin ko, Vernon. Kung talagang mahal mo ako, gasino na ang dalawang taon.", si Julia.

"Yun nga ang problema, hindi ko nga kaya ang hindi ka makita ng dalawang oras, dalawang taon pa kaya!"

Narinig nilang tinatawag na sa P.A. ng airport ang flight number ng sasakyang eroplano ni Julia.

Nag-apply ang kasintahan sa abroad. Natanggap naman daw agad ito sa isang firm sa Canada, ayon sa pagkakasabi sa kanya ni Julia.

Nagkatampuhan pa nga sila dahil doon pero mahal niya ang dalaga kaya pilit nalang niya itong inintindi.

"Paano, pupunta na ko sa departure area.", sabi ni Julia sa kanila, kasama ni Vernon ang mga magulang ng nobya sa paghatid sa airport.

"Mag-iingat ka roon. Huwag mong kalimutang magdasal.", bilin ng ina ni Julia habang lumuluha.

Maging ang mga magulang ni Julia ay nagulat sa desisyon ng dalaga. Hinala nila ay hindi pa nito tuluyang nakalilimutan ang pagkamatay ng matalik na kaibigan na doon mismo sa sariling kwarto nalagutan ng hininga.

Muling hinarap ni Julia ang kasintahan sa huling pagkakataon, bago ito tumulak papasok ng departure area.

Nagpalitan sila ng "I love you's", bago naglapat ang mga labi para sa isang mahabang halik.

…….
Kinaladkad ng dalawang lalaki ang nanghihinang kaeskwela sa isang bodega sa likod ng main building ng unibersidad.

Nakahiga na siya sa isang lamesa, nang balikan ng ulirat ang babae.

"Maawa kayo sa kin! Huhuhu!", pagmamakaawa ng babae.

"Sabi ko naman sayo, pagsisisihan mo ang pag basted mo sakin! Hehehe!!", ngisi ng isang lalaki sabay hablot sa uniporme ng babae.

Natanggal ang butones ng uniporme, lumantad ang dibdib na natatabingan na lang ng bra.

"Ang puti, brod!!!", hiyaw ng isa pang lalaki.

Dinaklot nito ang dibdib ng dalaga. Tinapik naman iyon ng unang lalaki.

"Hindi ba sabi ko, ako dapat ang mauna!", galit at tiningnan ng masama ang kabarkada.

…….
Inihatid ni Vernon ang mga magulang ni Julia.

Papaalis na siya ng muli siyang tawagin ang ina ng kasintahan.

"May ipinabibigay nga pala sayo si Julia.", iniabot sa kanya ng ina ng dalaga ang isang maliit na kahon.

Kilala ni Vernon ang kahon, iyon ang kahon ng engagement ring na ibinigay niya sa kasintahan. Nagtataka siya kung bakit nasa ina ni Julia ang bigay niyang singsing. At ibinabalik sa kanya.

"Anong pong ibig sabihin nito! Baki po nasa inyo yan?"

"Mahal na mahal ka ni Julia. Pero hindi raw niya maaatim na itali ka sa isang relasyon na wala pang kasiguruhan. Ayaw daw niyang maging dahilan ang singsing na iyan para pigilan ka, sakaling makakita ka ng higit sa kanya. Isa pa baka ma-homesick lang daw sya habang suot yan.", paliwanag ng nanay ni Julia.

Hindi siya kumbinsido sa sinabi ng ina ng kasintahan, subalit wala siyang magagawa kundi tanggapin ang desisyon ni Julia.

"Kukunin ko po uli ang singsing na ito, pero makakaasa po kayo na itatago ko lang ito hanggang sa pagbalik nya. Mahal ko po si Julia, kaya handa po akong maghintay sa kanya.", nasabi na lang ni Vernon. Nangangamba siya na may malalim na dahilan si Julia sa pagsauli ng singsing, kung ano iyon, dalawang taon pa ang kailangan niyang hintayin para sa nais niyang kasagutan.

Shush Series (Book 2) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu