Lihim ng pamilya 5

1.6K 5 0
                                    

Ang kasal kasalan

Isang araw ang lumipas ay nakalabas na ng ospital si Alec. At hindi muna pinapasok ni Seniora Pacifica si Trisha sa clinic ni Caleb para alagaan pa si Alec kahit isang umaga lang. Wala naman magawa si Caleb dahil sa utos ng mama niya. Kaya magtatrabaho siya na wala na naman nurse na kasama.

Sa bahay naman nina Gloria ay abala si Trisha sa pagaalaga kay Alec. Kitang kita naman ni Gabriel na sobrang maalaga sa anak niya. Kaya masaya siya dahil nakahanap ng mapagarugang biyenan si Alec.

pero Habang tumatagal na minamasdan ni Gabriel si Trisha ay napagtanto nga niya na sobrang ganda ni Trisha. Kaya may namumuong pagnanasa siya sa dalaga.

Kahit kase nakasuot lang ng simpleng damit si Trisha ay mahahalata mo pa rin ang taglay nitong ganda.

"Kaya pala nagkagusto si Caleb sa kanya." Ang nasa isip niya.

Habang tumatagal ay tumataas ang pagnanasa ni Gabriel sa dalaga. Iniisip niya na kailangan niyang unahan si Caleb sa dalaga. At nang nakahanap na siya ng magandang pagkakataon ay nagpasiya siyang angkinin ang dilag. Tamang tama hapon na nun at umalis si Gloria at tulog na tulog naman si Alec.

Nakita niya si Trisha na nakaupo lang sa kusina habang nagpapahinga at kumakain ng grapes. Kaya agad niyang Nilapitan at tinabihan ang dalaga at kinausap. Mas nahuhumaling sa ganda na si Gabriel habang nag uusap sila.

Sa simula ay sinusibukan ni Gabriel na kunin muna ang loob ni Trisha para hindi mailang ang dalaga sa kanya at mas mapabilis niya ang planong pagangkin sa dalaga. Nasa isip din niya na kung hindi niya makukuha sa santong dasalan ang dalaga ay kukunin niya eto sa santong paspasan, gagahasahin niya ang dalaga at ibablackmail.

Maganda ang naging takbo ng usapan nilang dalawa ngunit habang tumatagal ay may sinisingit si Gabriel na hindi kanais nais para kay Trisha. Napansin naman ni Trisha eto at nagsimula na siyang magduda na may ibang gustong gawin sa kanya ng tatay ni Alec.

Kaya medyo dumidistansya siya sa kanya. Isa pa kakaiba ang hawak sa kanya kaya magalang niyang tinanggap ang kamay ni Gabriel. Habang nag uusap sila kase ay palapit ng palapit sa kanya si Gabriel pero hindi naman niya pinapansin.

Nang mapansin naman ni Gabriel si Trisha na dumidistansya na sa kanya ay alam na niya na may balak siyang iba sa kanya. Kaya naisip nalang niya na gahasahin ang dalaga. Ngunit ng sisimulan na niya ang plano niya ay biglang dumating naman ang asawa niya at ibang anak niya kaya nabulilyaso ang kanyang planong gahasahin si Trisha.

Halos magmura sa isip niya si Gabriel sa naputol na plano sa dalaga. Kaya inisip niya na mamaya nalang niya gagawin ang pinaplano niya pagkatapos niya ihatid sa bahay niya si Trisha. Dun na niya gagawin ang panggagahasa sa kanya.

---

Dumaan ang oras ay nagpaalam na si Trisha na umuwe sa kanila. Pagkarinig niya nun ay agaran siyang bumaba para magpresintang ihatid si Trisha sa kanila ngunit laking gulat niya ng makitang pasakay na siya sa sasakyan ni Caleb.

"Shit, bwisit. Hindi ko na naman magawa ang plano ko. Bwisit ka sa buhay Caleb." Ang nasa isip ni Gabriel at nanlilisik ang tingin niya sa kapatid.

Hindi niya kase inaasahan na maagang uuwe si Caleb.

Bago tuluyang ihatid ni Caleb si Trisha sa apartment niya ay dumaan na muna sila sa bahay ni SEniora Pacifica.

"La, pinapatawag niyo daw po ako?" Ang tanong ni Trisha.

"Ay oo iha. Halika muna sa kusina. Andyan si sophia. Hinihintay lang kita para minsanan ko sabihin." Ang saad ni Seniora.

Pumasok na si Trisha sa loob ng bahay ni Seniora at dumeretso siya sa loob ng living area. Tulad ng inaasahan ni Trisha sobrang laki eto at ang daming mga naggagandahan at nagmamahalang mga dekorasyon. Pagpasok niya ay nadatnan niya si Sophia.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now