Any Day 5

1.8K 3 0
                                    


"Tita Ganda?" may duda kong tanong dahil hindi talaga ako sigurado pero tama nga ako matapos syang tumawa at yakapin ako ng mas mahigpit. Bihira na may tumatawag sa akin ng Berting liit, kung meron man, yung mga matatanda na lang na mas naalala na anak ako ni papa kaysa sa kung ano ang tunay kong pangalan.

Si tita ganda o tita Maria ang nakababatang kapatid ni papa na kaedad ni mama. Dahil nga bata ay madaling bilugin ang isip at tuwang tuwa sya noon sa aking alaala sa tuwing tinatawag ko syang tita ganda. Maganda naman talaga sya. Yung ganda nya ay yung parang nanunukso, mapanglaro pero hindi sya kasing ganda ngayon matapos ko syang hindi makita sa mahabang panahon. Ate ang tawag nya kay mama kahit pa mas matanda sya ng buwan sa kanya bilang respeto na rin kay papa.

Naalala ko lang noon eh inalok sya ng kapitbahay naming Japayuki na magJapan tapos ayun na nga, natuloy sya at hindi naman sya pinigilan ni papa. Sabagay, ng sabihin ko ngang hindi na ako mag-aaral ay hindi nya rin naman pinagpilitan na ituloy ko pa rin.

Nang umalis kasi si tita ay medyo morena pa ito gaya namin ni papa, pero pumuti sya marahil ay sa klima doon. Hindi man kasing puti ni mama, pero hindi na gaya dati. Matangos din namang masasabi ang ilong namin pero may kalakihan at bilugan ang dulo pero ang ilong ni tita ay patulis na ang dulo. Makurba na noon ang katawan nya kinaiba lang ngayon ay may pasilip na sya ng pisngi ng dibdib at maiksi ang suot na short na kahit sinong lalaki ay mahihirapang hindi tingnan.

"Ikaw nga tita kong maganda! Hahahaha, hindi kita namukhaan. Lalong gumanda ang tita ko ah! Pero tita, si papa…" masaya kong bati at sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napayakap sa kanya bago lumayo para ihatid ang masamang balita tungkol sa kapatid nya.

"Alam ko, kaya ako napauwi dito sa Pinas. Naiparating na rin naman sa akin ni ate Inday kaya nga lang ay hindi pa agad ako makauwi para sana maihatid man lang si kuya sa kanyang huling hantungan. Hindi na rin ako nagmadaling makauwi dahil may kasabihan rin ang matatanda na hindi dapat hinahabol ang patay dahil sya daw ang susunod." paliwanag nya kung bakit wala sya sa lamay hanggang sa mailibing si papa. Tinanong din daw sya ni mama kung gusto daw ba nyang hintayin sya bago ilibing si papa pero humindi na raw sya dahil takot din sa kung ano anong pamahiyiin kaya sa puntod nya na lang pupuntahan ang kapatid.

Dahil sa nakalunch break lang ako ay mabilis na kamustahan lang ang naganap tyaka ako bumalik sa trabaho. Pakiramdam ko ay pinagtataksilan ako ng mga mata ko habang kausap ko si tita dahil hindi ko maiwasang hindi sulyapan ng tingin ang dibdib nya, ang ngipin nyang pantay, ang patulis na nyang ilong, mahabang pilik-mata at mapulang labi. Paminsan minsan nga ay bigla na lang syang tatawa kapag parang nahuli nya akong napapatitig sa kanya.

Nagpaalam din ako sa boss ko kung pwede ako kahit maghalfday lang kinabukasan para masamahan ko ang balik-bayan kong tita sa puntod ni papa ngunit tambak daw ang order maliban pa sa repair. Napagbigyan din naman akong maghalf day sa kasunod pang araw na tinanggap ko na rin para tuloy na ng weekends. Pag-uwi sa bahay ay may pasalubong akong walang kasawaang pansit. Nakapambahay na rin si tita ganda pero maiksi pa rin ang short na halos makita na ang kuyukot ng puwet.

"Pinayagan ako ng boss kong maghalfday kaya lang sa susunod pang araw. Pahinga ka na lang muna siguro bukas dito sa bahay 'ta tas sa Biernes ng hapon na lang tayo bumisita kay papa." suhestyon ko na sinang-ayunan naman nilang dalawa ni mama.

Medyo ginabi kami sa kwentuhan sa maraming bagay. Mula sa pag-aaral ko, sa aking trabaho, kung gaano kaganda sa Japan, gaano kasarap ang pagkain doon, pero hindi nabanggit ni tita ang trabaho nya kaya hindi ko na rin kinumusta dahil hindi na rin naman ako bata para hindi malaman iyon. Kinumusta rin nya si aling Ani na ipinagtaka ko dahil hindi ko alam na close pala sila at kay mama nya pa tinanong. Nakinig din ako sa kung ano at paano sasagot si mama pero wala din naman syang masyadong nabanggit.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now