S01E06: the flirting newb

285 33 21
                                    


INT. ENTRANCE NG OFFICE - EVENING

TEXT: 12 nights before d-day. Babaligtad ang d, magiging b, para maging b-day.

Naglalakad sina MJ at Adri papasok ng office. May sinasabi si MJ pero matitigil siya. Patitigilin din niya sa paglalakad si Adri. Nakadantay sila as may counter. Ngingitian nila si Manong Guard. May hawak ng kape ang dalawa. 

Pararaanin nila ang group of girls. Susundan ni MJ ang mga ito. Nang makalayo na ang mga babae, dumiretso sila sa paglalakad. MJ, talking.


MJ
Okay, ayan. So, ano raw next na gagawin?

ADRI
He's saying na I should start to initiate flirting between us, kaso how?!

MJ
Hindi mo na ba kaya?
(Beat)
Tagal na mo na ring hindi nakikipag-flirt, no?

ADRI
Ang hirap talaga kapag pinipili career.
(Beat)
Dapat nagpaka-baby girl na lang ako.


Tatawa si MJ. She pushes the elevator button. Naghintay sila sa pagbaba ng elevator.


MJ
Di ka ba niya binigyan ng tips how to flirt?

ADRI
Binigyan.

MJ
Oh? Anong nangyari?

ADRI
Kahapon . . .

MJ
OMG?! Kahapon? Anyare?
(Beat)
Nasaan ako n'yan?!


Matitigil sa pagtili si MJ nang mag-ting ang elevator. Nagbukas ito at nagsilakaran palabas ang mga nasa loob.

Nanlalaki naman ang mata ni MJ kay Adri.

Nang wala nang tao, sila na ang pumasok sa elevator. 


OFFICE - ELEVATOR - EVENING

Pinindot ni Adri ang elevator number. Natahimik sila saglit hanggang sa mahinang tinulak ni MJ si Adri.


MJ
Girl, anuna?
(Beat)
Share the deets! 

ADRI
Baka marinig nila.
(Looks at the CCTV)
Nakakahiya.

MJ
Gaga. Wala silang paki sa lovelife mo.
(Stares at the CCTV)
Di ba?


Focus sa CCTV na normal lang naman.


MJ
O, see? Ako ang may paki kaya spill na!

ADRI
Fine.


START OF FLASHBACK:

Black.

every after office hours (choose your ending po)Where stories live. Discover now