S01E09: coffee or alcohol

252 32 21
                                    


BLACK.

Nakatayo si Adri. 

Hawak ni Lee ang isang kamay at ang isa namang kamay ay hawak ni Chan.


MJ (V.O.)
If all else fail, just tell your truth, beh!


CUT TO:


INT. BAHAY NI ADRI - MORNING

TEXT: 8 mornings before b-day.

Magigising si Adri nang masakit ang ulo. Nakahiga siya sa kama niya. May calendar sa isang parte ng kwarto niya, nakabilog ang date ng birthday ni Adri. 8 days before today.

Halos nakapikit pa si Adri when her phone vibrates.

Tumawag si MJ, video call. 

Adri answers the call.


MJ
BEH, OMG.

ADRI
Ang dami mong energy sa umaga, MJ.

MJ
May hangover pa ako pero nagising yata ako dahil sa nakita ko sa phone ko! Sobrang dami kong nainom sa party, I haz news sa 'yo!

ADRI
Ano ba nangyari? Good news ba yan?

MJ
Hindi ko sure! Basta ang key dito, lasing ako nito?
(laughs)
Good news and bad news yata ito pero ang alam ko lang, ang haba ng buhok mo, te! Gusto makita?

ADRI
Tini-tease mo na ako e. Ano ba yan?

MJ
Ganito muna, mamsh. Ano estado ng puso mo ngayon? Si Chan pa rin ba o may sumisilip nang Lee?

ADRI
Bakit mo natanong yan?

MJ
Hmm, okay. Wrong question. Siguro describe mo na lang anmeron sa kanilang dalawa.


CUT TO:

Ipapakita mukha ni Chan sa screen habang sinasabi ang:


ADRI (V.O.)
Si Chan. . .


Scene sequence while may voice over:


ADRI (V.O.)
Matagal na kaming magkasama. Comfortable na kami sa isa't isa. Safe. Warmth. Tulungan din kami, tried and tested. Panatag ang puso ko sa kanya.
(Beat)
Ang problema lang, tropa siya ng ex ko at paikot-ikot na lang yata kami sa gano'n. Sumasagi rin sa isip ko na baka masyado akong nag-focus sa kanya. Na kung nag explore pa ako tulad ng ginagawa ko now,I won't get stuck nang ganito katagal. Wala ba talagang usad? Pwedeng same pala kami ng feelings pero . . .


SCENE 1: INT. OFFICE - MORNING - PAST

Tulog si Adri sa may desk niya, nakapatong ang ulo sa naka-cross niyang kamay. Walang masyadong tao, mukhang maaga pa.

May hawak na baso ng kape si Chan. Umupo siya sa tabi ni Adri, upuan ni MJ. Nilapag ni Chan ang baso sa gitna nila, pero imbis na umalis, pinatong din ni Chan ang ulo sa braso para halos magka-eye to eye na sila ni Adri pero nakapikit si Adri.

every after office hours (choose your ending po)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon