S01E07: flirty surprise message

298 37 36
                                    



FADE IN

INT. OFFICE - WORKSTATION - EVENING

TEXT: Still 12 nights before b-day. 

Parehas na nakatingin sa kanya-kanyang laptop sina MJ at Adri. Parehas silang busy. Their coffee on their table. Gabi pa rin at nagwo-work pa rin sila. Konti na lang ang mga tao sa paligid. Halos pawala na nga.

Sound of typing.

Sumisilip-silip si Adri sa parte ng mga meeting room.

Sa isa sa mga meeting room, may isang lalaki roon. Walang ibang kasama, halos patay rin ang ilang mga ilaw sa meeting area. Kung aaninagin nang sobra, mapapansin na si Chan 'yon, naka-jacket, may kausap sa laptop. Nagsasalita. Tumatango. Busy.

Balik kina Adri.

Nagtatrabaho ang dalawa.

Ngingiti si MJ biglaan na parang may naalala. May kaunti pa siyang paghagikgik.

Napansin ito ni Adri, pero hindi siya magsasalita.

ADRI CHAT BUBBLE: Meeting pa rin?

Adri looks at Chan na nasa meeting area. Mukhang hindi pa nare-receive 'yong chat.

Titigil sa pagtatrabaho si MJ, haharap kay Adri. Pero si Adri na mismo ang magsasalita habang naghihintay sa chat. Wala pa ring seen ito.


ADRI
Ba't kaya hindi ko siya kayang i-compliment, 'no? 
(Beat)
Nagmumukha akong sarcastic.

MJ
The who?
(Beat)
Lee?

ADRI
Waht. No. Si Chan.


Napangiti si Adri nang mag-seen si Chan. He's typing.

CHAN CHAT BUBBLE: Tingin ka dito.

Susunod naman ng tingin si Adri. Nakatingin na sa kanya si Chan. Inaaya siya nito, parang sinasabing punta siya roon. Samahan siya.

Inusog pa ni Chan ang empty seat na katabi. Pine-"prepare" para kay Adri.

Natawa si si Adri.


MJ (V.O.)
Baka flirting is not for you two.
(Beat)
Mag-confess ka na kaya. Lapit na birthday mo.


Adri is pointing at her laptop, signaling na may work pa siya. Chan couldn't get it. Umirap na natatawa si Adri.

ADRI CHAT BUBBLE: Busy din kaya ako. Ba't di ikaw pumunta dito?

Agad nag-seen si Chan.

Adri looks at Chan na tumatawa na ngayon sa harap ng laptop. She's already assuming na sa chat niya ito tumawa.

Ngumuso si Chan at nagtatampong nagta-type for a reply.


MJ
Hoy, Adri. Nakikinig ka?


every after office hours (choose your ending po)Where stories live. Discover now