S01E10: chan, the comfort.

357 29 33
                                    



kung si chan ang pinili,
here's his chapter.

if you're curious,
previous part is lee's.





BLACK.

May susulpot na text bubble. It's from Chan.

CHAN: Adri, pwede ka ngayon?

Magkakaroon ng mahabang typing bago mag-reply si Adri.

ADRI: Yup, pwede ako. Anmeron?

CHAN is typing . . .

FADE TO BLACK.



CHAN, THE COMFORT.



Cue music.

FADE IN:


INT. BAHAY NI ADRI - NOON

TEXT: 8 days before b-day (when you choose chan)

Adri, nagpe-prepare ng sarili para sa pag-alis. Ligo, toothbrush. Magma-mask din siya at nail polish, then makeup. Mamimili siya ng damit para sa pag-alis nila ni Chan. Ang daming damit sa kung saan-saan dahil panay siya check ng sarili sa salamin.

Habang nagpe-prep si Adri, nagpa-pop ang messages nina Chan at Adri sa screen.

CHAN: Sunduin kita dyan sa inyo.

ADRI: Huy wag na. Kita na lang tayo?

Hindi nag-reply si Chan.

Medyo matagal bago nag-typing si Adri at nagtanong.

ADRI: Tuloy pa rin tayo? Saan tayo magkita?

CHAN: Tuloy tayo.

ADRI: Sagutin mo tanong ko haha saan tayo magkita?

CHAN: Secret

ADRI: luh???

Mapapangiti si Adri. She likes this playful side of Chan.

ADRI: Malapit na ako matapos dito. Anuna? Bahala ka jan, magpapalit na ako pambahay

Nag-typing si Chan, pero nawala yong typing. Napakunot ang noo ni Adri nang may kumatok sa pinto niya.


ADRI
Weh, seryoso ba? Pumunta siya dito?


BAHAY NI ADRI - SALA - NOON

Ready na sana mag-nag si Adri na bakit pumunta pa rito si Chan kung pwede naman sila magkita sa kung saan kaso ibang tao pala ang nasa may pinto. Delivery guy.

Binigay nito ang delivery ng kape.

Paborito niya.

Ang weird lang ay dalawang kape ito. Bakit?

Tinanggap niya yon. Binayaran na raw ng bumili. When Adri asks kung sino, hindi sinabi ng delivery guy. Nagpaalam na ito.

Pagkasara ng pinto, nag-text si Adri kay Chan.

ADRI: Ikaw bumili nito?

CHAN: Ang alin?

Kinuhanan ni Adri ng litrato ang kape. Sinend kay Chan. Nag-reply ito.

every after office hours (choose your ending po)Where stories live. Discover now