Chapter 1

4 0 0
                                    

"Plea ano sasali ka ba? May opening ng short film making." bungad sa akin ng kaibigan kong si Antoneth pagdating ko sa classroom.

"Baka hindi muna, marami akong pendings na activities dahil sa pagsali ko nung nakaraan sa short film." pagtanggi ko sa kanya habang abala ako sa mga sandamakmak na activities.

Totoo iyon, noong nakaraang taon ay sumali ako sa short film making sa aming school. Akala ko naiintindihan ng ibang subject teacher namin ang ganoong bagay pero isang balita ang nakarating sa akin dahilan para hindi muna ako sumali sa short film making.

Ang dahilan lang naman na iyon ay hindi tinatanggap ng isang subject teacher ko ang pagiging excuse ko sa klase niya. Hindi lang naman ako ang nasa section namin na kasali sa short film, halos kalahati na nga yata ng section namin ang kasali para may entry ang section namin.

Maayos naman talaga ako sa lahat ng subject teachers namin pero noong napalitan si Miss Sy doon na nagsimula. I'm not saying na hindi ko kasalanan iyon, may parte akong may kasalanan ako kasi as a student alam ko ang resposibilidad ko. Pero kasi pirmado ng principal namin ang excuse letter na iyon, meaning to say hindi niya nirerespeto ang desisyon ng principal namin.

"May dagdag points yun!" pagpupumilit niya, at talagang umupo pa siya sa upuang bakante malapit sa tabi ko.

"Ano naman gagawin ako sa points na 'yon, hindi naman mahihila noon ang mga grades ko." sambit ko sa kanya.

"Dahil ba ito doon sa pinagpalitan ni Miss Sy?" maingat na tanong ng aking kaibigan. Marahan akong tumango sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

Umayos siya ng upo at saka bumuntong hininga. "Panira talaga 'yang teacher na 'yan e. Noong si Miss Sy naman ang nagtuturo sa atin ayos lang sa kanya. Oo binibigyan niya tayo ng activities pero hindi niya tayo binabagsak kasi si Miss Sy may konsiderasyon, siya wala!" gigil na sabi ni Antoneth na kaagad ko naman sinaway.

"Tumigil ka na nga, mamaya may makarinig sa'yo."

"Ano naman, totoo naman lahat ng sinabi ko." napapikit na lang ako dahil hindi talaga magpapaawat ang isang Antoneth pagdating sa ganito.

Hanggang sa dumating ang lunch at napagpasiyahan ko na pumunta sa library at doon tapusin ang natitirang activities. Simula pa noong isang araw ay sumasakit na ang aking balikat dahil nakatungo ako habang nag gagawa. Kulang na nga lang ay tapalan ko ng salonpas ang buong katawan ko.

"Paano ko sasagutan itong Pythagorean, wala naman ako doon noong nag discuss si Ma'am." bulong ko sa aking sarili habang pilit na iniintindi ang lesson.

Hindi naman kasi magiging ganito ka-complicated ang mga activities ko kung hindi dahil sa short film making. Pero ginusto ko iyon, tsaka isa iyon sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin.

"Plea! Omg nandito ka lang pala!" nagulat ako sa sigaw ni Antoneth sa loob ng library.

"Shhh!" saway sa kanya ng librarian.

"Bakit ba ang ingay mo?" tanong ko sa kanya.

Marahan niyang hinila ang upuan sa aking tabi at saka naupo doon.

"You know Sean, right?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Sean? Sa Neo building?" tanong ko sa kanya, marami kasi ang Sean sa campus na ito.

"Oo sino pa ba, balita ko sasali siya sa Short film making! Kaya ikaw sumali ka na din!" pagpupumilit niya sa akin.

Ever since hindi ko pa nasusungkit ang first place or champion sa short film making, halos year by year akong sumasali at walang pagbabago sa place na nakukuha ko kung hindi second place. Si Sean palagi ang first place.

"Oo na, sige na sasali na ako!" sambit ko sa kanya, dahilan para matigil siya sa pangungulit.

"Walang bawian, ipapalista ko na name mo. Sige na tapusin mo na 'yan ako na bahala sa list ng name mo!" tuwang tuwa na paalam ni Antoneth.

Natapos ko ang dalawang activities at isa na lang ang gagawin ko nang mapag pasiyahan kong itigil muna ang ginagawa. Ang mga highlighters na nakakalat sa lamesa kung saan ako nag gawa ng activities ay aking itinabi, mga libro na aking ginamit as reference para maintindihan ang lessons ay pinatas ko ng maayos.

Napatingin ako sa relo na nasa aking palapulsuhan at nanlaki ang mata ko ng makitang one pm na. Hindi naman ako nataranta dahil vacant ang aming one pm to two. Inayos ko ang aking mga gamit bago lumabas ng library. Makulimlim kaya hindi na muna ako umalis sa gilid ng library kung saan may waiting shed na pwedeng masilungan.

Wala pang isang minuto ay bumuhos ang malakas na ulan. I was wearing a fitted jeans and a fitted croptop shirt on top. Sobrang lakas ng hangin na pati ang aking nakalugay na buhok ay tinatangay ng hangin.

"You don't have umbrella?" tanong ng isang lalaki sa aking tabi.

"As if naman mag stay ako dito at panoodin ang pagbuhos ng ulan kung meron man akong payong 'di ba?" masungit kong tanong.

I heard him chuckled, tila isang kulog sa buong sistema ko ang tawa ng isang Sean Cuidoz. Isang kilalang lalaki na chinito at matangkad na may talento sa pag gawa ng short film. Wala pa akong nababalitaan na nakakuha siya ng second place or what dahil palagi niyang nakukuha ang first place o champion.

"Let's go I'll escort you to your classroom." nanlaki ang mata ko sa biglaang alok nito. Hindi naman kami super close para yayain niya ako.

"Teka lang ha, hindi naman tayo super close para ihatid mo pa ako sa classroom namin." sagot ko sa kanya, muli na naman siyang tumawa.

"You know, just accept my offer. Come on, don't be so hard headed. Ikaw na nga yung ihahatid." pabirong sambit ni Sean. Nagulat ako ng bigla itong tumalikod sa akin at akmang aalis na.

"Wait! Sige na nga, ihatid mo na ako baka mamaya hindi tumigil iyong ulan." nakanguso kong sambit sa kanya habang hawak ang tatlong libro na sobrang kapal.

Marahan niyang kinuha sa akin ang mga libro at pinanood ko siya na maghawak nito. Iisang payong ang aming pinagsasaluhan, hindi na iba kung mabasa man ang isa sa amin. Para kay Sean ay simpleng ulan lang ang aming sinusuong, tila ba masaya siya kapag ganito ang panahon.

Nasa loob pa din naman kami ng campus pero pakiramdam ko isa itong date matapos ang nakakapagod na klase.

'Masyado naman yatang sobra ang naiisip ko'

The Film I LovedWhere stories live. Discover now