Chapter 3

2 0 0
                                    

"Hoy teh!" sigaw ni Antoneth umagang umaga pa lang.

"Ano ba yun? Agang aga ang ingay mo, pwede bang mamaya ka na lang mag ingay?"

"Ganito kasi, nag library date kami!" impit na tili niya.

"Tapos doon kayo nag make out?"

Kaagad niya akong hinampas sabay lingon sa paligid. "Gaga ka baka mamaya may makarinig sa'yo akalain pa nila na totoo yun."

"Ay bakit hindi ba? Ginawa niyo nga yun noong isang araw lang." kulang na lang ay lagyan niya ng tape ang bibig ko.

"Shhh! Ang ingay mo naman bes!" tumatawa tawa lang ako habang siya ay natataranta kung may nakarinig ba sa pinag sasasabi namin.

"So ayon nga, nag library date kami tapos alam mo ba noong nagbasa kami ng mga libro, habang nag babasa ako siya nakatitig lang sa akin!" kinikilig na sambit ni Antoneth.

"Ang jejemon niyo naman, mag improve naman kayo ng date things niyo."

"Hoy 'wag kang judger, porke wala kang boyfriend. Reto kaya kita kay Sean, kaso nakikita ko siya may kasamang girl." naging seryoso ang tingin ko sa kanya ng marinig iyon.

Nabuhayan ako ng interest matapos marinig iyon. "Totoo?"

Tumang tango siya na parang bata. "Nakita namin siya ni Harold kahapon ba yun? I'm not sure, akala ko nga ikaw yun tatawagin pa sana kita."

3 days ago na ang nakalipas matapos niya akong turuan ng lessons sa coffee shop. Bakit nga ba hindi ko naisip na baka may girlfriend na nga siya?

"Teka nga bakit ba natin pinag uusapan si Sean?" tanong ko.

Nagkibit balikat naman ni Antoneth. "Nabanggit ko lang."

Dumating ang lunch time, usually sa canteen kami kumakain ni Antoneth ng lunch pero i decided na huwag na muna lumabas. Hindi ko alam pero nawala ako sa mood noong maikwento ni Antoneth si Sean na may kasamang babae.

Hindi naman siguro ako nag seselos. Mabilis akong natapos sa pagkain at may natitira pang oras kaya lumabas ako sa may veranda lang ng aming classroom. Naroon din si Antoneth kausap si Harold.

"Oh akala ko hindi ka lalabas ng classroom?" tanong ni Antoneth.

"May time pa naman, tsaka nakakainip din. Hi Harold." ngumiti sa akin ang kanyang kasintahan. Panay lingon ako kaliwa't kanan nagbabakasakali na makikita o mapapadaan si Sean.

"Hinihintay mo si Sean?" tanong ni Harold

"Huh? Hindi ah!" patay malisya kong sagot sa kanya.

"Babe, 'di ba nakita natin si Sean kahapon may kasamang babae" sambit ni Antoneth.

Talagang sinabi pa ulit.

"Oo, i was about to call him pero hinatid niya yung babae sa sakayan diyan."

"Hindi ko tinatanong, Harold." mataray kong sambit.

"Chill, parang bad mood ka. Oh heto na pala si Sean." tila nanindig ang balahibo ko matapos marinig ang sinabi ni Harold.

"Kumain ka na?" biglaang tanong niya, ako ba tinatanong niya?

Naghihintay ako kung may sasagot ba sa tanong niya pero wala, nakatungo ako noong nagtanong siya kaya naman tumunghay ako para makita kung kanino siya nakatingin.

"Hey, I'm asking you." sambit niya sa aking harapan habang nakatingin sa akin.

"Ah oo. Antoneth pasok na ako sa room may gagawin pa nga pala ako." sambit ko.

"Teka, wala naman pinapagawa prof natin sa next subject."

"Hey, can we talk?" masuyo niyang tanong.

The Film I LovedWhere stories live. Discover now