Chapter 4

4 0 0
                                    

"Ang tanga tanga mo Plea! Bakit mo sinabi 'yon. Paano kung balewalain niya yung sinabi mo?"

Nang matapos kong sabihin iyon kay Sean ay nauna akong maglakad palayo sa kanya. Nahihiya ako, paano ako haharap sa kanya bukas. Ayoko siyang makita, gusto ko ng magpalamon sa lupa!

Pagkarating ko sa bahay ay naamoy ko kaagad ang niluluto ni Manang. Ang paborito kong ulam! Patakbo akong pumunta sa kusina para makita si manang.

"Manang, nandito na po ako!"

Pero kaagad nawala ang ngiti ko ng hindi si manang ang nakita kong nagluluto.

"Anak nakauwi ka na pala, halika na kumain na tayo. Tamang tama at nagluto ako ng paborito mo."

"Busog pa po ako."

"Pero nagluto ako ng paborito mo."

"Wala po akong gana."

"Anak, let's make this dinner a family dinner. Ngayon na lang ulit tayo nakumpleto."

"Family dinner? Hindi po magiging maayos ang dinner na 'yan."

Nakikita ko na sa mga mata ni mommy ang galit, pero totoo naman. Sa tuwing magkakasama kaming naghahapunan ay hindi iyon nagiging masaya. Puro pamimilit na sumama ako sa ibang bansa. Ano bang meron doon na wala dito? Mas magandang oportunidad? Nasa kamay naman natin ang kapalaran at tayo din mismo ang gagawa ng sarili nating tadhana, hindi ba?

"Bakit ba ayaw mong sumama sa amin?"

"Hindi niyo po kasi naiintindihan ang rason ko, gusto kong manatili dito dahil nandito yung mga taong naiintindihan ako, wala doon."

"Then what about us? We are your family."

"The one who makes me feel pressured every seconds."

Walang imik akong umakyat patungo sa aking silid. Naligo muna ako bago naupo sa area kung nasaan ang study table. Naroon ang laptop, cellphone at notebooks ko. May mga kailangan akong tapusin na activities, pero bago iyon ay nanood muna ako ng kdrama na aking sinusubaybayan.

May sadyang snack storage dito sa aking silid kaya mung sakaling nandito o dito natutulog si Antoneth ay may nakakain kami. Bigla ko ulit naalala yung nangyari kanina, kinuha ko ang cellphone ko at nagpunta sa instagram para isearch ang account ni Sean, pero ni isa sa mga account doon ay wala siya.

"Wala siyang ig account? Or any social media account?"

I turned off my cellphone at nanood muli, pero my phone vibrate kaya mabilis ko iyon tiningnan.

'Sean Cuidoz follow you.'

"Ehhh? Katitingin ko lang kung may account siya kanina tapos ngayon meron na?"

Hindi ko pa siya naaaccept ay nag message na agad ito.

'Follow me back, this is my one and only account. I made this to have a conversation with you, this account is in a private.'

Bakit ang pogi ng typings niya! Pero teka, to have a conversation with me? Anong pag uusapan namin?

In the middle of fighting me and my inner self, i decided to follow him back, but hindi ko siya nireply-an. He message me again!

'You seems like not into social, pero hindi ako naniniwala. Your account is on public, you post pictures and memories.'

Dahil sa pag message niya ay hindi ko napigilan na reply-an siya.

'Hello, maling account yata ang nakakausap mo.'

'I confirm your account to Antoneth, na 'yan ang account na gamit mo.'

'So? Anong purpose ng ig mo?'

'Make a good conversation with you.'

'Para saan? Nag uusap naman tayo sa school.'

Sandali kong tiningnan ang message na sinend ko sa kanya, hindi ako makapaniwala na may ganitong mga kilos si Sean. Wala pang tatlong minuto ay muling tumunog ang aking cellphone. I paused my laptop para hindi ko makaligtaan ang mga susunod na eksena sa Kdrama.

'I feel like hindi pa din nawawala sa isip mo iyong kwento ni Harold.'

'Lol, bakit naman ako maaapektuhan doon? Kilala ka sa school bilang isang lalaking may magandang ehemplo.'

'Can we talk tomorrow?'

'Para saan na naman, okay naman tayo.'

'No excuses.'

Napabuntong hininga ako, hindi ko na naituloy ang panonood dahil inaantok na din ako. Sa library na lang ako magno-notes.

Kinabukasan, pagdating ko sa room ay wala pa si Antoneth. Hindi ko alam pero bakit nasa akin ang kanilang tingin?

"Plea, nagpunta dito si Sean kanina lang. Hinahanap ka." bungad ng isa kong kaklase.

"Eh? Bakit raw?"

"Hindi ko alam, sumilip lang dito at ng hindi ka makita ay nagtanong siya."

"Kaya ba ganyan ang tingin nila sa akin?" i was reffering to our classmates.

"Oo? Siguro, dahil si Sean pa ang mismong lumalapit sa'yo."

Napabuntong hininga na lang ako, mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya noong gabi sa chat. I picked up my phone and text him

'Don't go to our classroom, please.'

Sa hindi inaasahan ay mabilis siyang nag reply.

'Why? I told you, I want us to talk.'

'If this is about yesterday morning, Its okay.'

'Then why don't you want me to go there?'

Napapikit ako sa kakulitan niya. How can i handle this!

'Basta, my classmates thinks you like me!'

'Hindi ba? Yeah, I like you.'

'Joke time ka? Babye na narito na si ma'am.'

Bago ko i-off ang aking cellphone ay nagtext ulit siya.

'Susunduin kita riyan mamaya, don't ever think to run away. Good morning!'

Hindi ko alam pero ramdam kong namumula ang aking pisngi, hindi ko alam kung saan ako lilingon, sa halip ay yumuko na lang ako. Sean is popular here in school, also me. Kilala kaming pareho dahil kami ang naglalaban sa top 1.

Dumating nga ang oras ng uwian at hindi nga ako nagkamali, dahil nasa labas na ng room ko si Sean. Sinadya ko pang bagalan ang kilos ko sa pag aayos ng gamit para lang hindi makita ng mga kaklase ko na ako ang hinihintay ni Sean na kahit obvious na.

"Plea, let's go."

"Ha? Oh teka nag aayos pa ako ng gamit."

I heard him chuckled. "Nag aayos o hinihintay ang mga kaklase na lumabas? Wala na sila, tayo na lang dalawa ang nandito."

"Ah oo nga, sige lalabas na ako."

Mabilis kong kinuha ang aking bag at lumabas ng classroom, iniwan ko siya roon. Pero alam ko na nakasunod na pa rin siya sa akin. Halos maestatwa ang ng sabayan niya ako sa paglalakad at umakbay sa akin!

Ang mga mata ng taga hanga ni Sean ay hindi naalis sa amin, parang walang pakealam si Sean sa kanyang ginagawa.

Now the students expecting that the two of us are together.

"Are you shy?"

"No, kinakabahan lang ako sa mga magiging reaksyon ng mga students. Tanggalin mo na nga 'yang kamay mo."

"No, let us think what they want to think between us."








The Film I LovedWhere stories live. Discover now