Chapter 6

3 0 0
                                    

After a few days na hindi ko nakikita at nakakasama si Antoneth ay nababahala ako. Hindi ako mapakali, pero nakakausap ko naman siya through text or chats lang. She assures me that she's okay, kaya nabawasan ang pangamba ko.

Maraming activities sa school, kaya pati ang aking kaarawan ay nakalimutan ko na. My debut was coming, may isang buwan pa akong paghahanda simula ngayon. Naalala ko lamang iyon dahil tinanong ako ni manang.

"Uuwi raw ang iyong magulang, isang linggo bago ang kaarawan mo"

"Hala oo nga po pala."

"Anong plano mo? Debut mo 'yon, hindi ba dapat ngayon ay naghahanda ka na."

"Manang nawala po sa isip ko, sa sobrang busy sa school."

"Pwede naman tayong magluto ng magiging pagkain mo sa kaarawan mo, kung gusto mo."

"Huwag na po, magpacatter na lang po tayo. Dahil nagbabalak po akong isali kayo sa 18th candles ko."

"Ako? Bakit? Hindi ba dapat nariyan sa 18th candles mo ang magulang mo tsaka mga tita mo."

"Nandoon naman po sila, pero special po kayo para sa akin. Pumayag na po kayo..."

Ngumiti si manang sa akin. "Oh siya sige, ano bang susuutin ko? Gown din ba? Wala akong ganoon."

"Hindi po! Bibili po tayo ng dress na susuutin niyo."

"Dress? Ay nako ayoko ng ganiyan!"

"Manang! May theme po iyong birthday party ko! Ako naman po bahala sa susuutin niyo e."

"Hindi na ba talaga pwedeng umayaw?"

"No, nakalista na po kayo."

Isa lang 'yan sa naging interaction namin ni manang sa bahay. Hindi pa kumpleto ang mga 18th roses ko kaya naman inaayos ko na iyon. My idea is Sean became my last dance, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

"Plea Aguinaldo!"

"Antoneth! Kamusta ka? Hindi kita nakikita dito sa campus ah!Kahit kaklase kita hindi ko nakikita anino mo, buntis ka na ba?"

"Hoy, hindi! Busy lang, tsaka niyakag ako ni Harold mag out of town nung weekend!" kinikilig na kwento ni Antoneth.

"Ano 'yang ginagawa mo?"

"Kinukumpleto kung sino ang mga kasali sa 18th ko."

"Oh kulang ka pa sa 18th roses ng dalawa."

"Oo nga e."

"Alam ko ang nangyari dito sa campus, about sa inyo ni Sean hm. Oh bakit hindi si Sean ang gawin mong last sa 18th roses mo."

"Iyon nga din ang balak ko, pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya."

"Ano ka ba? Ayan na siya oh, palapit na dito. Hi Sean!"

"Hello, your boyfriend is on the way here too."

"Plea, sabihin mo na." tulak sa akin ni Antoneth.

Humarap sa akin si Sean ng nakangiti. I really don't know how to say it! Ang tanging alam ko lang ngayon ay namumula ang aking mukha.

"What is it? Do you have a problem?"

"Ah wala, I was about to ask you if it's okay that you are the one who will be my last dance in my debut."

"Of course! Iyon nga sana ang itatanong ko sa'yo, yesterday I was thinking about it. Akala ko ay hindi mo ako tatanungin."

"Nakakahiya kasi..."

"Don't be!"

He sat beside me, watching me finished what am I doing not until Antoneth's voice interupt us.

The Film I LovedWhere stories live. Discover now