Prologue ☕︎

187 2 0
                                    

I'm Sky Dela Vega, 15 and a working student. Bata palang nga ako nagtratrabaho na akong tagahugas ng mga pinggan sa kerenderya malapit saamin, madalas summer ako nakaka-ipon. But now? Soon to be a college student na kaya naman naisipan kong maghanap ulit ng trabaho. Buti nalang may kumuha saakin para maging kasambahay.

"Good morning po" matamis na bati ko sa mga bago kong boss.

"Good morning hija" sambit nila at ngumiti.

"Good morning" sambit naman ng di katandaan na babae, nakasuot siya ng uniform ng maid, siya ata ang magiging head namin.

"Good morning po" bati ko.

"Manang Sally ikaw na ang bahala sakanya" sambit ng boss kong babae at ngumiti naman ako bago siya umalis.

"Opo madam" sambit ni Manang Sally. "Sky ba ang pangalan?" Tanong ni Manang Sally.

"Opo" sagot ko.

"Hali ka" Sambit niya at agad naman akong sumunod. "Masipag na bata ka hija, hindi gaya ng mga batang ka edad mo na puro cellphone kapag bakasyon" sambit niya at tumango ako. "Tatlo ang boss natin dito, lagi mong tatandaan ang mga mukha nila, ito si Sir Alfonso, ito naman si Madam Shalie, at yang binata si Ace alaga ko. Bawal na bawal magkagusto sa alaga ko" sambit niya at tumingin sakin.

"Copy" sambit ko at napalunok. Understand ko naman kung bakit ganyan si Manang Sally eh ang gwapo kaya ng alaga niya.

"Tsa halika na punta na tayo sa kabila" sambit niya at sinundan ko siya papunta sa taas. "Kwarto ni Sir Alfonso, Kwarto ni Madam Shalie at ni Ace" sambit ni Manang Sally at tinuro ang mga pinto. Wala akong natandaan pero malalaman ko nalang yan kapag napunta ulit ako rito.

Pagkatapos ay bumaba kami papunta sa sala, kusina, garden, at marami pa. At ang last destination ay ang kwarto naming mga Yaya.

"Sky ito ang uniform mo, dalawa lang yan wag mong susunugin, wag mong gugusutin, copy?"

"Copy po Manang Sally" sambit ko at tumango siya.

"Call time bukas 5 wag mag papalate, at magpahinga kana bye" sambit niya at rinig ko ang kalabog ng pinto ko ng isara niya ito. Napakagat ako saaking labi, at humiga sa kama.

"Yehey!!!" Sigaw ko ng malakas at nagpagulong-gulong sa malaking kama. Akala ko makikishare ako ng double deck. Napahinga ako ng malalim at umupo. "Tomorrow is day 1 sky, good luck" sambit ko at inayos ang mga gamit ko, lininisan ko rin ang mga alikabok sa drawer, and opened my curtains but i guess ill do it tomorrow. Gabi na pala.

. . .

"Day 1" pakanta kong sambit at lumabas sa kwarto na nakasuot ng uniporme habang naka braid naman buhok ko.

"Kumain kana Sky" pang-aalok ng kapwa ko Yaya.

"Ate pwede pong malaman pangalan niyo?" Tanong ko at umupo sa upuan.

"Wendy" sambit niya.

"Ate Wendy ilang taon na po kayo rito?" Tanong ko ulit at sumubo ng kanin na may tortang talong.

"3 years na yata?" Sambit niya.

"Mm" sambit ko at tumango, pagkatapos naming kumain hinugasan namin ang mga pinggan na aming ginamit at agad naman akong pumunta sa garden para mag dilig nang halaman.

"Hi plants, sosyal niyo ah gaganda ng mga paso niyo" sambit ko habang dinidiligan ang mga halaman.

"Hey!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki, agad naman akong lumingon kung saan nanggaling ang boses.

"P-po?" Tanong ko.

"Your killing my plants!" Galit na sigaw niya. Agad akong napatingin sa dinidiligan ko.

"H-hindi naman po, plants need water po" sambit ko.

"Just stop running the water to my plants!" Sigaw niya at binato ako ng tinapay. Hindi naman ako nakailag at natamaan nito sa kaliwang balikat.

"Aray sungit ah" daing ko. Tinigilan ko ang pagdidilig sa pwesto roon ngunit pinagpatuloy sa iba. Kainis! Mambabato pa talaga ng tinapay, ano kala niya sakin? Ibon? Aso?.

"Sky!" Narinig kong sigaw ni Ate Wendy.

"Po?" Tanong ko at agad na lumapit sakanya.

"Oh ikaw na niyan magbigay kay Sir Ace" sambit niya at inabot saakin ang basket na may laman na breakfast.

"Sige po" pilit na sambit ko. Baguhan palang naman ako, di pa ako pwedeng tumanggi.

Agad naman akong naglakad papunta sa taas at napatigil.

Saan nga dito yung kwarto ni Sir Ace?. Dahil sa wala na akong choice nag 'mini mini may ni mo' na ako. And tumigil sa pinto na nasa gitna. Sana ito yun.

*Knock knock knock*

Katok kong tatlong beses.

"Sir Ace breakfast niyo po" sambit ko bago bumukas ang pinto.

"Wait? Are you the girl who's watering my plants?" Inis na sambit nito at gusto ko nalang maglahong parang bula habang tinititigan niya ako.

"O-opo" utal-utal na sambit ko.

"Are you kidding me? Your the new maid right? Wanna be sued?" Sambit niya at muntikan na akong umiyak.

"N-no sir please don't" pag mamakaawa ko.

"Don't show your face again" sambit niya at tumango-tango ako bago niya kunin ang basket na daladala ko. Agad akong umalis roon at tumakbo papalayo.

Ano ba yan! Day 1 palang nga galit na sayo boss mo! Sky! Baliw ka talaga!.

Walang ni isang patak ng luha ang dumaloy sa pisngi ko, marahil ay tinigilan ko ito, Hindi ako duwag, hindi ako palpak.

Matapos ang umagahan pinatulong ako ni Manang Sally magluto ng pananghalian, may nga bisita raw kaya marami ang lulutuin namin.

"Ano Sky, nangyari kanina?" Tanong ni Ate Wendy.

"Safely delivered po" sagot ko habang naghihiwa ng sibuyas.

"Talaga? Grabe pag sakin parang lion na yan si Sir Ace" sambit ni Ate Wendy.

Totoo naman pero boss ko parin siya.

"Hindi naman po" pagsisinungaling ko.

"Ay may gusto ata si Sir Ace sayo" biro ni Ate Wendy.

"Impossible po" sagot ko at tiningnan ako nito na parang hindi na niniwala, wala talaga at impossible sa nakita ko kanina mga mayayaman na katulad lang nila ang maaring magustuhan noon. Tsaka isa pa short tempered mukhang siya ang sisira ng trabaho ko rito, isang daing niya lang sa mga magulang niya talsik ako palabas ng mansyon nila. Kaya dapat mag-doble-ingat ako sa future.

𝐇𝐞 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝓜𝓻. 𝑩𝒐𝒔𝒔 ✍︎ᴏɴɢᴏɪɴɢWhere stories live. Discover now