Chapter 3; Family

59 2 0
                                    

"Sky!" Sigaw ni Manang Sally dahilan para magising ako.

"A-ano po yun?" Paos na tanong ko.

"Bilis darating na sila Madam!" Sigaw ni Manang Sally at agad naman akong nag-ayos.

Ilang lingo na rin pala ang nakalipas simula ng mamasukan ako rito, first day ko lang nakita sila ma'am tapos ngayon uuwi na raw sila.

"Ate Wendy paabot po" sambit ko at inabot naman ni Ate Wendy ang toyo. Nagluto kami ng pangaagaha, pagkatapos naming ipre-pare ang pagkain pumunta naman ako sa taas para gisingin si Sir Ace.

*Knock knock knock*

Tatlong katok ko pero walang sumagot, kumatok ulit ako pero wala talaga kaya pumasok ako ng tahimik.

"Sir Ace gising na po" sambit ko. Pero hindi nagising si Sir. "Sir Ace gising na po" Saad ko ulit at tinalikuran lamang ako nito. "Sir Ace gising na po" ulit ko.

"Get out" paos na sambit nito at linagyan ng unan ang kanyang ulo.

"Sir your parents will be home po" sambit ko.

"What?" He asked.

"Your parents will be home po" ulit ko. Agad siyang tumayo at tinitigan ako bago siya pumunta sa Cr.

"You may now leave" sambit niya at lumabas na ako ng kwarto niya.

Di ba siya masaya na pupunta na ang parents niya dito?.

"Good morning Madam Shalie and Sir Alfonso!" Bati namin ng lumabas sila sa kotseng itim.

"Good morning" bati nila pabalik. Naglakad sila papunta sa Veranda habang kami naman nakasunod sakanila.

"Where's our son?" Tanong ni Ma'am Shalie at agad akong siniko ni Ate Wendy sa tagiliran.

"Saan na si Ace?" Bulong niya.

"A-ate Wendy naliligo pa po ata" sagot ko at ngumiti kami ng tumingin saamin si Ma'am Shalie.

"I'm here mom" sambit ni Sir Ace at naglakad papunta sa upuan. Magbebeso pa sana si Ma'am Shalie kay Sir Ace pero dinaanan lang ni Sir Ace si Ma'am.

"Bye the way, I heard you throw a pool party?" Sambit ni Madam Shalie at tumingin kay Sir Ace.

"Yes" tipid na sagot ni Sir Ace at kumain ng steak.

"I am not letting you do that again!!" galit na sambit ni Madam Shalie at nagkibit-balikat lamang si Sir Ace.

"Come down Honey" sambit naman ni Sir Alfonso.

"Why? Your son is being a bastard! Making our mansion trash!" Sigaw ni Madam. Napansin ko ang pagtigil ni Sir Ace.

"Hon" sambit ni Sir Alfonso habang pinapakalma si Madam Shalie.

"You! Huh? You think you can just do everything cause we're not here?!!!"

"Why? Why not?! All you do is work! I never had fun being with you! Don't you forget your place here! Your just a step-mother not my mom so you don't have any permission to shout on me!!!" Sigaw ni Sir Ace at padabog na umalis. Halos tumilapon na ang mga pagkain sa sahig ng itulak niya ang lamesa.

"You get back here!!" Galit na sigaw ni ma'am. "What are you standing there? Mga bulag ba kayo? Ligpitin niyo na yan!!!!" Galit na sigaw ni ma'am dahilan para mapayuko kami at pumunta na sa lamesa para ayusin ang mga kalat.

"Wow grabe naman" sambit ni Ate Wendy.

"Wendy hayaan niyo na sila away pamilya yan" Sambit naman ni Manang Sally.

"Eh Manang Sally si Madam Shalie kanina Galit na Galit kay Sir Ace" sambit ng isang kasambahay. Hindi ko alam kung sino ba ang kakampihan ko, pero ang alam ko lang ngayon na ang sakit ng nararamdaman ni Sir Ace. Sino ba namang anak ang gustong masigawan ng masasakit na mga salita? Kahit ako di ko yun kakayanin.

"Sky hatiran mo si Ace ng tubig sa kwarto" bilin ni Manang Sally at tumango naman ako bago tumayo. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at tumaas sa kwarto ni Sir Ace.

*Knock knock knock*

Tatlong beses kong katok ng hindi siya sumagot pumasok nalang ako ng tahimik.

Tumungo ako sa lamesa at nakita siyang nakaupo sa kama.

"S-sir Ace tubig po" sambit ko.

"Put it there" sambit niya at tinuro ang table na nasa harapan niya. Agad naman akong pumunta roon at nakita siyang lumuluha.

"Sir kukuha po ako ng tissue" sambit ko pero nagulat ako ng bigla niya akong hatakin.

"Why did it have to be like this?" Tanong niya habang yakap yakap ako sa bewang.

"S-sir" utal utal na sambit ko. Tumingin muna siya sakin bago niya ako bitawan.

"S-sorry" sambit niya at umupo ako sa tabi niya.

"Sir alam niyo po ba, napansin ko rin ang pagmamahal ni Madam Shalie sainyo" sambit ko at bahagyang tumingin siya saakin.

"How can you tell?" Tanong niya.

"Because po, she wants the best for you at tsaka po sir parang nakukulitan na rin po si Ma'am sa pool party niyo po, no offense po ako nga po mag iimbita lang ng mga kaibigan para sa project magagalit na si mama, kasi wala raw po kaming pang-pakain sa kanila. Pano pa po kung may pera po? Iniisip po kasi ni ma'am Shalie na winawaldas niyo lang po ang pera para sa sariling kasiyahan" sambit ko.

"But i hope she understands, that this is the only way i feel belonged. I mean they are not here everyday, I don't fell loved" sambit niya at tumingin saakin.

"Nandito naman po kami, ako sila Ate Wendy. Lagi naman po kaming nandito sa bahay" sambit ko at ngumiti siya. "Sir if you need us were here" dagdag ko pa.

"I like your smile" sambit niya at ngumiti.

"Salamat po" sambit ko at ngumiti. "Sige po una na po ako baka hinahanap na po ako nina Manang Sally" paalam ko at lumabas ng kwarto niya. Napatigil ako sa may pinto at napatahob ng mukha.

Just a minute ago yinakap niya ako! Ano to? Wait wag kang assuming sky! Imagination mo lang ata yun eh. Boss mo yan no! Don't fall para di fall ang sweldo mo!.

Huminga ako ng malalim at bumaba na sa kusina para tumulong kila Ate Wendy.

"Sky kumusta? Hinagisan ka ba ng unan?" Tanong ni Ate Wendy.

"Hindi po" sagot ko.

"Buti nalang" Sambit niya at binigay saakin ang mga plato para ilagay sa aparador.

𝐇𝐞 𝐟𝐞𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝓜𝓻. 𝑩𝒐𝒔𝒔 ✍︎ᴏɴɢᴏɪɴɢWhere stories live. Discover now