CHAPTER 11

193 11 0
                                    

Albert Pov:

Kumakain na kami ngayon ng dinner at kwento lang ng kwento si mama, may naalala nga ako. Nawala na pala ang mama ni Alvares kaya baka natutuwa siya kay mama dahil doon. Namatay kasi ang mama niya sa isang car accident at balita talaga yon sa buong mundo kilala kasi ang pamilya nila sa larangan ng business at politics na rin.

''Ito favorite ito ni Albert ang bicol express gustong gusto niya yan kahit na spicy yan favorite niya.'' Kwento naman ni mama.

Tinikman naman iyon ni Alvares at inaabangan ko ang magiging reaksyon niya, sa una seryoso lang ang mukha niya pero ngumiti siya bigla at kinuha ang tubig natawa ako sakanya dahil namumula ang mukha niya at panay inom ng tubig si mama naman ay nataranta at binigyan siya ng gatas.

''Bakit hindi mo sinabi na hindi ka pala mahilig sa ma anghang iho, ayos kalang ba?'' Nag aalalang tanong ni mama.

''Well, your dish looked good and tasty, so I gave it a try... I thought this food would be not that spicy... but I'm wrong.'' Putol putol na sabi ni dahil umiinom din siya ng tubig kada salita niya.

Tawa lang ako ng tawa sa itsura niya hanggang sa batukan ako ni mama.

''Ikaw na bata ka nakita mo ng ganyan ang sitwasyon ng boss mo tumatawa ka pa diyan.'' Galit na sabi sakin ni mama, napahawak naman ulo ko na binatukan ni mama.

(~Ding~ Dong~ )

Tumunog ang doorbell ng gate namin kaya napatingin kaming tatlo doon.

''Ako na ang bahala dito na muna kayo, ikaw sikasuhin mo ang boss mo kundi tatamaan ka talaga sakin.'' Banta sakin ni mama sabay kurot sa tagiliran ko. Masakit talaga yon.

''Are you okay na doc.?'' Tanong ko sakanya habang kumakain ng kanin at bicol express.

'' Is this really your favorite? It's too spicy.'' Sabi niya saakin habang umiinom pa rin ng gatas.

''Hay nako, this is my favorite, and also we don't have the same taste buds, and I can endure the spiciness.'' Sagot ko sakanya.

''BABY BOY!'' Malakas na sigaw na umalingaw ngaw sa buong bahay. Napatayo ako bigla at tumakbo papunta sa sala.

Nakita ko doon ang dalawa kong ate, si ate Anne at ate Annie. Niyakap ko naman silang dalawa at pinaghahalikan naman nila ako na parang bata.

''Ano ba mga ate hindi na ako baby bakit naman ganyan pa rin pag bati niyo sakin.'' Nandidiring sabi ko sakanila.

''Anong hindi kana baby? Baby boy kapa rin namin na miss ka namin panay ka nalang kasi trabaho hindi mo man lang kami maka musta.'' Nag tatampong sabi saakin ni ate Anne.

'' Ate nag papadala naman ako ng text sainyo ang OA ah tsaka bakit pala kayo umuwi? Hindi niyo kasama mga pamangkin ko?'' Tanong ko sakanila.

''Well malapit na kasi death anniversary ni Lola Lina kaya umuwi kami alam mo naman mahal na mahal namin ang lola.'' Sagot sakin ni ate Annie.

''Oh tama na yang batian at kamustahan sumabay na kayong dalawang kumain saamin oo nga pala nandito rin ang boss ni Albert at ang gwapo niya.'' Sabi ni mama. Bigla namang nag titili ang mga kapatid ko at pumunta sa dining room kung nasaan si Alvares at lalong lumakas ang tili nila ng makita nila siya.

''Oh my ghad! Ang pogi niya pala sa persol Albert bakit hindi mo naman sinabing siya pala ang boss mo, hi I'm Annie Paylon.'' Kinikilig na sabi ni ate Annie at nag pakilala kay Alvares.

''Hi, I'm Anne Paylon. Nice meeting you, Mr. Guerrero, we hear a lot from you, laging kang laman ng mag magazines and articles lalo na ang father mong business tycoon.'' Sabi naman ni ate Anne.

I'm Not The Doctor [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon