Thump 01

15 1 0
                                    

Boyet's Point of View:

"Boyet!" ang nadinig kong pagtawag ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko. Nasa isang malaking coffee shop ako noon, magarbo ang lugar na'yon halatang hindi lang basta basta ang mga taong naroon. "Boyet dito!" ang pagtawag ulit ng boses sa pangalan ko kaya naman patuloy ako sa paglingalinga ko upang hanapin sa lugar na 'yon ang tumatawag sa akin, hanggang sa naramdaman ko na may humila sa kamay ko, dahilan para bigla akong mapaikot at sa hindi inaasahan ay isang lalaki na may dala nang order niya ang aking nabangga. Walang nagawa ang lalaki kundi panoorin ang mga inorder niya na matapon, habang ako naman ay nawalan ng balanse at napaupo sa sahig ng coffee shop na 'yon. Nadinig ko ang pagtawa ng lahat ng naroon sa akin, ramdam ko na sa akin sila nakatingin, hanggang sa naramdaman ko na may biglang kumarga sa akin.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong niya sa akin.

"Ang boses na 'to, pamilyar sa akin 'to..." ang sabi ko sa isip ko habang pilit na inaninag ang mukha ng lalaking kumarga sa akin na akala mo ay isa akong babae na ikinasal.

"Ayos ka lang ba?" ang tanong nitong muli sa akin hanggang sa tuluyan akong nagising nang marinig ko ang malakas na tunog ng alarm clock ko. Dali-dali akong bumangon at pinatay ang alarm clock ko.

"Panaginip lang..." ang pabulong kong sabi at napabuntong hininga ako dahil muli na namang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Pakiramdam ko noon ay tamad na tamad akong kumilos, pero sinabi ko na lang sa sarili ko na hindi ako mayaman at kailangan ko ng pera para sa pag-aaral ko kaya salungat man ang katawan ko ay pilit akong umalis sa higaan ko at gumayak para pumasok sa part-time job ko.

"Good morning Yet!" ang buong sigla at sayang pagbati sa akin ni Allysa, isa sa mga college friend ko at katrabaho sa Milk Tea Shop na pinapasukan ko. Kasalukuyan siya noong nagpupunas ngestante na katabi lang ng cash register ng shop.

"Good morning din Ally..." ang kung anong siglang bati ni Allysa sa akin ay siya namang tamlay ng tugon ko.

"Binabawi ko na ang good sa good morning ko. Morning na lang." ang pabiro niyang sabi sabay pamaywang at tingin sa akin na papasok na noon sa working area namin. "Ano at mukhang nalugi ka kaagad nang ganitong kaaga?" ang tanong niya sa akin.

"Wala 'to 'wag mo na lang pansinin, medyo wala lang sa mood ngayong umaga." ang tugon ko bilang pag-iwas na sagutin ang tanong niya.

"Hoy Yet!" ang malakas niyang sabi at dali-dali ding pumasok sa working area namin. 'Sa tagal na nating magkaibigan." sabay bilang sa daliri niya. "Three years na din, three years na tayong magkaibigan kaya alam ko na hindi gaganyan ang pagkakasimbakol ng mukha mo kung wala ka lang talaga sa mood." ang sabi niya sa akin sabay lagay ng mga cleaning materials sa cleaning cabinet sa ilalim ng kaha, habang ako naman ay ini-lock na ang locker nang mailagay ko ang bag kong dala at napasandal na lang dito.

"Ano magsasalita ka ba o gusto mo hilahin ko pa yang dila mo?" ang pabiro niyang banta.

"Kasi naman friend, 'yung cellphone ko..." ang medyo nangingiyak ko panimula.

"O ano nangyari sa cellphone mo? Hindi ba kabibili mo lang no'n kahapon?"

"Ayun na nga, kakabili ko lang kahapon tapos ngayon nawala na sa akin." ang pilit ko pa ding pagpipigil na hindi tumulo ang luha ko.

"Hoy gag* ka, ano nangyari? Huwag mong sabihin na naiwala mo?" ang medyo maemosyon niya pang tugon.

"Parang ganon pero hindi naman dahil sa burara ako." ang tugon ko naman na mabilis na pinahid ang pakawala na noong luha ko.

"Na-snatch sa'yo? Naholdap ka?" ang sunod niyang tanong.

"Hindi friend, okay pa nga sana kung gano'n nangyari at least alam ko mapapakinabangan pa siya ng iba, kaso friend hindi gano'n eh." ang sabi ko. "Nag-dive siya friend, nag-dive siya sa drainage noong pauwi na 'ko kahapon." ang dagdag ko.

My Nuisance HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon