Thump 03

8 0 0
                                    

Ephrain's Point of View:

Matapos ang hindi ko inaasahan na pangyayari na makita ko sa Milk Tea Shop na pagmamay-ari ng tita ko 'yung lalaking nakabangga sa akin na nanampal at nanikmura't nanipa sa binti ko ay tahimik kong sinunda ang tita ko papunta sa opisina niya.

"Pakisara na lang ng pinto." ang pakiusap ng tita ko habang inalalagay niya ang gamit niya sa ibabaw ng isang side drawer malapit sa mesa niya. Agad ko namang isinara ang pinto tulad ng sabi niya at naupo ako sa isa sa mga couch na naroon.

"Eppy, I hope naman na..."

"Oh teka lang before mo pa tulay tita 'yang sasabihin mo, I just want to let you know na wala akong ginagawang masama okay? And I do not even know that staff of yours." ang agad kong depensa.

"Kung wala talaga, why are you so defensive agad? Also, pwede ba I am not that old para tawaging tita, just call me ate since I am just on my twenties pa lang 'no." ang sabi sabay hawi sa mahaba niyang buhok na damang dama mo na gandang ganda siya sa sarili niya, totoo naman na maganda si tita Shawna pero umaapaw din kasi siya sa confidence na minsan nakaka-off na din.

"I am not being defensive, I just know lang ang sasabihin mo, so I have to cut it na agad bago mo pa sabihin." ang tugon ko. "Tsaka I just came here yesterday, I barely know someone here in Manila bukod sa'yo." ang dagdag kong sabi at ibinaling ko ang tingin ko sa glass wall ng opisina ni tita at natatanaw kong nagtatawanan ang dalawa niyang staff habang kausap ang lalaking customer niya na halatang kilala na din ni tita.

"Okay fine, I will believe na lang sa unbelievable niyong dahilan sa naabutan kong eksena niyo kanina." ang sabi ni tita Shawna, at narinig ko siyang magbuntong hininga dahilan para mabaling ang atensiyon ko sa kanya.

"Look Eppy, as the sister of your mom, mahalaga ka din sa akin, and I know how much your mom loves you and values you. And sana lang Eppy sa pagpunta mo dito will help you out sa ano mang pinagdadaanan mo ngayon." ang sabi ni tita at dahil din do'n ay bahagyang naging seryoso din ang hangin sa opisina niyang 'yon. "Look I do not want to ruin your morning or your mood at all, but I just really want you know na me and your mom, ate Naya, are here to help and support you." ang dagdag niya at isang matipid na ngiti naman ang agad kong tinugon.

"Hindi niyo naman kailangan na mag-alala sa akin ni mom. I am really okay ate Shawna, I really am." ang sabi ko na nakatingin sa mga mata ni tita.

"I know Eppy, I know you are okay, but we all know na you are yet fine." ang walang pagdadalawang isip na diretsahang tugon ni tita. Tumayo si tita at mula sa kanyang mesa ay tinungo niya ang isa sa mga kahoy na cabinet sa opisina niya, bunksan niya ang isa sa mga drawer at kinuha niya mula doon ang isang maliit na kahon.

Pinagmasdan kong mabuti ang maliit na kahon na hawak niyang iyon, ang laki nito ay sapat na para maglaman ng ilang mas maliliit na gamit, kulay lila 'to at may ilang disenyo na tila ginuhit mula sa kulay ginto, isa sa mga nakaguhit na disenyo nito ay isang puso na may bituin sa gitna. Inilapag ni tita ang kahon sa mesa ngunit hindi niya ito binubuksan, nang ibaling ko kay tita ang atensiyon ko ay nakitaan ko siya ng lungkot sa mga mata niya ngunit nakangiti siya.

"You see Eppy, we always can say to everyone that we are always okay, we can always smile at them as if nothing happened at all, but deep inside of us, we know na may parte natin na hindi pa din buo, na we are still not fine." ang malaman na sabi ni tita. "Just like this little box, it contained so much memories na sa kabila ng lahat will never be erased by time, na despite of a long time ay hindi ko pa din magawang mapakawalan." ang dagdag niya.

"Ate Shawna..." ang tangi kong nasabi at sandali kaming binalot ng katahimikan.

"Pero kailangan ba talaga na i-let go natin ang mga alaala na alam nating minsang nagpasaya sa atin?" ang sabi ko upang basagin ang katahimikan namin. At nakangiti siyang umiling sa akin.

My Nuisance HeartWhere stories live. Discover now