Thump 05

2 0 0
                                    

Boyet's Point of View:

"Yet!" ang nadinig kong sigaw ng isang boses na alam kong sa tinis at energetic nito ay ang isa sa matalik kong kaibigan na si Allysa. Agad ko naman siyang nilingon at nakita ko siyang nagmamadaling pumasok sa gate ng unibersidad na pinapasukan namin at mabilis din itong naglakad papunta sa akin.

"Grabe ang taas ng energy mo ha, dinaig pa ang first day of class." ang sabi ko agad sa kanya nang malapitan niya ako.

"OMG! Don't tell me na hindi mo alam?" ang agad niyang naging tugon na para bang isang pasabog na balita ang daladala niya.

"Ayan Ally ha, ang agang tsismis niyan." ang agad kong naging tugon sa kanya. "Tara na nga baka mahuli pa tayo sa klase natin." ang dagdag kong pag-aya sa kanya na magpatuloy na kaming lumakad.

"Hindi 'to tsismis friend, one hundred percent na legit 'to at galing sa mapagkakatiwalaang source ko." ang sabi naman ni Allysa para makumbinse ako na pakinggan ang nais niyang ikwento sa akin.

"Sige nga pakinggan natin 'yang wento mo." ang pagpayag ko na pakinggan siya habang naglalakad kami.

"Ito nga kasi friend ang nakarating sa akin, alam mo bang..." ang hindi na niya naituloy na sabihin nang madinig namin ang boses na tinatawag kami kaya agad kaming napahinto sa paglalakad at agad naming nilingon ang direksiyon na pinanggalingan ng boses niya. At agad naman namin siyang nakita na nakatayo at masayang kumakawaykaway sa isang waiting shed ng unibersidad. Agad niya kaming sinenyasang hintayin namin siya, at nang tumango ako ay dali-dali naman niyang kinuha ang kanyang mga gamit na nakalagay noon sa bench ng waiting shed na 'yon at nagmamadali na din siyang pumunta sa amin.

"Good thing nakita ko kayo, I thought na nakapasok na kayo sa klase niyo." ang sabi ni Simon na halatang masaya dahil sa hindi mapigilan nitong ngiti na mas nagpapakisig sa kanya.

"Asus, ayaw pa diretsahin na hinintay mo lang talaga si Boyet." ang walang prenong sabi ni Ally bilang pang-aalaska sa amin ni Simon, agad ko naman siyang ng mahina para pigilan sa maagang pang-aasar.

"May pagkabaliw din talaga 'tong kaibigan natin 'tong minsan." ang sabi ko bilang depensa at tanging ngiti at tango lang ang naging unang reaksiyon at tugon ni Simon.

"Given naman na kapag si Ally ang nagsabi." ang tugon ni Simon at hindi ko napigilan na hindi matawa dahil bihira lang ito magsabi ng mga ganoong klaseng tugon.

"Ay wow, talagang sumang-ayon ka pa sa kanya Simon. Sabagay sino ba naman ako? Si Allysa lang ako, si Boyet siya, your one and only Boyet." ang pabirong tugon naman ni Allysa na may pagdrama pa na akala mo nasa isang theater show dahil may pahawak pa siya sa dibdib niya na para bang tagos sa puso lahat ng sinabi sa kanya.

"Aga talaga nating nabaliw friend." ang sabi ko at sumenyas na lang kay Simon na hayaan na lang si Allysa sa mga ilusyon at delusyon niya patungkol sa amin dahil alam naming hinding hindi namin siya mapipigilan.

"Anyway bago pa kung saan mapunta ang usapan na 'to, I just want to give you this Yet." ang sabi ni Simon sabay abot sa akin ng hawak niyang paper bag, puno man ng pagtataka ay kinuha ko naman iyon.

"Teka ano 'to? At para saan?" ang tanong ko sa kanya.

"Friend try mo muna kayang i-check 'yung laman para malaman mo kung ano at para saan." ang pambabasag sa akin ni Allysa na tila kinikilig na noon sa mga nangyayari.

"Ito na, titignan na nga po." ang pabiro kong tugon at natulala na lang ako nang makita ko ang laman ng paper bag.

"Simon..." ang sabi ko na tila hindi pa din makapaniwala nang sandaling 'yon sa nakita ko na laman ng paper bag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Nuisance HeartWhere stories live. Discover now