Thump 02

7 1 0
                                    

Boyet's Point of View:

"Ikaw!" ang pasigaw kong sabi dahilan para gulat na mapahinto ang lalaking pumasok sa store namin at mapatingin si Simon at Allysa sa kanya na bahagyang nalilito na noon sa nangyayari. "Diyan ka lang, huwag kang aalis diyan sa kinatatayuan mo." ang utos ko sa lalaki na naguguluhan pa din sa nangyayari at tila hindi ako namumukhaan.

"At sa'n ka pupunta Yet?" ang nagtatakang tanong sa akin ni Allysa habang dalidali akong pumunta sa loob ng kitchen area.

Pagpasok ko sa kitchen area ay dali-dali akong dumiretso sa cabinet kung saan nakalagay ang malalaking cleaning tools namin, halos umuusok ang ilong ko sa inis na binuksan ito at mabilis ko na kinuha ang isang floor mop. "Humanda ka sa akin." ang pagbabanta kong sabi nang mahawakan ko ng dalawa kong kamay ang floor mop sa kahoy na handle nito. Mabilis akong lumabas ng kitchen area at nabigla si Allysa nang makita niya ang hawak kong floor map dahilan para mapatayo siya.

"Hoy Yet ano ang gagawin mo diyan sa floor mop?" ang nag-aalala at nagtatakang tanong niya.

Mula sa cashier area ay mabilis akong lumabas. "Yaaaaaaahhhhhh!" ang sigaw na kinabigla nila Allysa at Simon nang makita nila na hahampasin ko na gamit ang floor mop ang lalaking pumasok sa store, pero bago ko pa mahataw ng floor mop ang lalaki ay agad na akong napigilan ng dalawa.

"Yet kumalma ka." ang sabi ni Allysa habang yakap ako para pigilan habang patuloy pa din akong nagpupuyos sa inis.

"Kumalma ka Yet, bitawan mo na 'tong mop." ang sabi naman ni Simon na pinipigilan naman ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa handle ng floor mop. "Ano ba kasing nangyari dito Ally? Bakit nag-aamok ngayon 'to?" ang baling na tanong niya kay Allysa.

"Ha? Teka bakit ako ang tinatanong mo, nabigla na lang din ako na nag-amok 'tong kaibigan natin." ang sabi tugon naman ni Allysa na naguguluhan din sa nangyayari.

"Ah sir, pasensiya na ho, pero makikiusap sana ako na baka pwede na umalis na po muna kayo at sa ibang araw na lang po bumisita?" ang pakiusap ni Allysa sa lalaki habang patuloy niya akong inaawat at patuloy din naman ako sa pagpalag ko sa kanila ni Simon parang lang mahataw ko nang floor mop ang lalaki.

"Ha? Teka nga bakit naman ako aalis?" ang para bang nanadya na pabalang na sagot ng lalaki.

"Sir sige na po, nakikiusap po ako, hindi maganda ang mood ng kaibigan namin at tsaka nang dumating lang po kasi kayo biglang nagkaganito ang kaibigan namin." ang patuloy na pakiusap ni Allysa, ngunit parang walang nadinig ang lalaki at sa halip ay tinitigan niya ako.

"Ah... Natatandaan na kita. Ikaw 'yung kahapon." ang sabi ng lalaki na para bang nang-aasar sa tono niyang na tila ang laking bagay ang natuklasan o naalala niya. "Ikaw 'yung iyaking lalaki na nahulog 'yung cellphone sa drainage at pilit na hinabol kaso hindi nasalo, at ikaw din 'yung sumampal sa akin ng kaliwa't kanan, tapos sinikmuraan ako at sinipa pa sa binti." ang detalyado niyang pagkakasabi.

"Bayolente ka pala talaga 'no?" ang sabi niya na parang nang-aasar pa. "Tingin ko sa pinapakita mo ngayon deserve mo talaga na mawala 'yung cellphone mo na 'yon." ang dagdag niya na tila nagpapantig sa tainga ko.

"Anong sabi mo?!" ang bulalas ko. "Ally, Mon, bitawan niyo ko, hindi ako makakapayag na hindi ko nahahataw nitong mop 'yang lalaking 'yan." ang inis na inis kong sabi habang patuloy na nagpupumiglas sa dalawa kong kaibigan.

"Yet..." ang biglang naging seryoso na sabi ni Simon. At nang madinig ko 'yon ay bahagya akong napatingin sa kanya at nakita ko na naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya, at naramdaman ko ang pagluwag ng yakap sa akin ni Allysa.

"Gusto mo siyang hatawin nitong mop hindi ba?" ang tanong sa akin ni Simon at isang tango ang agad kong tinugon. At agad kong naramdaman na inalis na ni Allysa ang pagkakayakap niya sa akin.

My Nuisance HeartTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang