Chapter 7-The Test

368 26 0
                                    

Maaga akong nagising saka pumunta sa Driknsv Guild para mag-apply bilang adventurer,kanina habang nakain ako sa inn ay napansin ko na ibang iba ang sinaryo dito sa gabi kesa sa umaga,kung sa gabi ay magulo,siksikan at maingay,sa umaga naman ay payapa at iilan lang ang laman.

Habang naglalakad patungo sa naturang guild ay may mga nagbubukas ng tindahan at mga mamimili na naglalakad,kakaunti palang ang nasa labas dahil siguro maaga pa,pero hindi ko maiwasang mapansin na may iilan palang building na sira at wala ng laman o nakatira,parang inabandona na ito dahil ang iba ay giba na,what a waste of land!.

"Driknsv Guild" basa ko sa karatula,what a wierd name.

Pumasok ako sa loob at napansin na may iilan ng mga tao,malawak ang guild,may tatlo itong palapag at malinis din.Sa pagpasok ay bubungad sayo ang reservation area o lobby kung saan may nakatayo na apat na babae na parang tanungan at pwedeng pag-applyan ng mga adventurer,sa gilid naman nito ay malaking hagdan patungo sa second floor,may mga upuan at lamesa ding gawa sa kahoy .Sa kaliwang side ay isang malaking pinto na isang office ata.Sa kabilang gilid naman ay isang malaking board kung nasaan ang mga request quest na pwedeng gawin ng mga adventurer para magkapera.Madami na ang mga tao na naandon siguro ay naghahanap ng pwede nilang gawin.

Naglakad ako patungo sa reservation area para mag-apply bilang adventurer pero hindi maiiwasan na makakuha ako ng atensyon sa iba dahil napapatigil sila sa pag-uusap at pinagtitinginan ako,ang iba ay nagtataka kung ba't may babaeng parang anak ng mayaman ang pumasok sa loob ng guild,ang iba ay humahanga sa kagandahan taglay ko,at ang iba naman ay parang hinuhusgahan na kaagad at ang tingin saakin ay mahina.

Pinagsawalang bahala ko nalang ang mga ito at pinagpatuloy ang paglalakad.

"Ohh,Goodmorning,Young lady.Ako si Anne, ano ang pwede kong maitulong sayo"malambing na sabi ni Anne.

"Goodmorning din,ahm,gusto ko sana mag-apply bilang adventurer"usal ko na ikinangiti niya.

"Okay,pero bago ka maging certified adventurer ay kailangan mo munang makapasa sa 4 na pagsubok na ibibigay sayo,ayos lang ba?"nakangiti nyang sabi na ikinangiti ko din.

"Ayos lang po,pero ano yung mga pagsubok na kailangan kong maipasa?"

"Una ay ang pangungulekta ng 15 medicine herb,ito ay mga halaman na may shape na oblong,kulay emerald at may bulaklak na kulay puti na mabalahibo"anito,

"Pangalawa ay panghuhuli ng mga horn rabbit at pagkuha ng mga horn nito,kailangan lang ay 5 horn,pero kailangan mong magingat dahil level 3 ang mga ito at matulis din ang mga sungay na ginagamit nila pamprotekta sa sarili"

"Pangatlo ay ang paglilinis sa isa sa mga dungeon upang panatilihin ang kaayusan at kaligtasan ng naturang dungeon.Kung may makikita ka mang mga monster ay kailangan mo itong patayin"

"At ang pang-apat ay ang pag meassure ng iyong kapangyarihan,kapag level 1 ka pa lang ay hindi ka pwedeng maging adventurer dahil lubhang mapanganib ito para sayo"pagpapatuloy nya.

"Yun lang po ba?"tanong ko,kita ko kung pano sya natigilan dahil siguro diko pinansin ang kanyang babala.Pero agad din syang ngumiti at tumango,

"Oo yan lang,at kailangan mong matapos yan lahat sa isang araw lang"anito na ikinangiti ko,buti nalang at may libro na binigay saakin ang dyosa kaya madali lang mahanap amg medicine herb,at makuha ang mga horn ng horn rabbit,sa dungeon lang ako walang clue pero,laban lang!

"Pwede ka ng magsimula bukas kung gusto mo"napangiti nalang ako saka tumango.

"Sige,pero may alam kaba ditong nag bu-butcher ng mga monsters?"tanong ko,napakunot naman ang noo nya pero bago pa sya makasagot ay may malaking boses na ang nagsalita sa likudan ko.

"Ano ang kailangan mo,munting binibini?"napalingon ako at nakita ang malaking  lalaki na may malaking katawan,wala din syang buhok pero may balbas at bigote na hindi kahabaan na bagay sa kanya,may hiwa sa kaliwang mata na parang naging peklat na at naka-apron din to na may mantsya pa ng dugo,woww so cool.

"Ahh,gusto ko lang sanang ipa-katay at kunin ang mga karne nitong monsters na napatay ko nung nakaraan"sabi ko habang nilalabas ang isang orc pero napatigil din ng magsalita sya.

"Teka,teka,dun tayo sa likod kung saan malawak"ani nito at sinundan sya sa paglalakad.

                    ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Inilabas ko ang lahat ng mga monster na nasa box storage ko maliban sa mga evil slimes dahil alam ko naman kung pano ito katayin.Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Tomas sa gulat habang nakatingin sa mga ito.

Inosente ko itong tiningnan ng tumingin ito saakin habang naka-awang pa ang mga labi.

"Ikaw ba ang pumatay sa mga ito?"di makapaniwalang tanong niya.Inosente akong kumurap kurap saka tumango habang nakangiti.Kita ko kung pano sya mas lalong nagulat.

Ng mahimasmasan ay napatawa nalang sya ng malakas at napailing iling.

"This generation,really"naiiling iling nyang sabi na ikinataka ko.

"So ano ang gusto mong gawin ko sa kanila?"

"Gusto ko lang makuha yung mga karne nila"nakangiting sabi ko sa kanya

"So may balak kang ibenta ang ibang parte ng katawan ng mga to?"tanong nya

"Yes"tatango tangong sabi ko

"Kung ganun at saamin mo nalang ibenta ng di kana mahirapan"nakangiting sabi nya na ikina-ngiti ko din at napatango tango nalang

"Pwede kang bumalik sa isang araw at nasisigurado kong tapos ko na ang lahat ng ito"sabi nya na ikinasang-ayon ko.Nagpaalam na ako dito at umalis na.

                   ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

Naglilibot libot ako dito ngayon sa bayan pagkatapos kong maggaling sa guild,madami na akong na-try na pagkain at masasabi kong masasarap ang mga ito,may napuntahan nadin ang ibang shop na nagbebenta ng iba't ibang klase ng damit,sandata at sapatos.Ng makontento na ay bumalik na ako sa Inn para kumain at magpahinga para ready ako bukas.

"Goddess Lishia,tomorrow is an exciting day,please guide and protect me again as you always do." panalangin ko at dahan dahan ng nagpatangay sa agos ng gabi.

I was reincarnated with an absorb skills!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon