Chapter 24-First day building

298 29 4
                                    

"Here's your card and the ownership of the lot", inabot saakin ni madam Clarita ang card at titulo ng lupa na kaagad kong kinuha.

Tiningnan ko ang mga ito,kulay gold na may white yung merchant card kung saan nakasulat ang aking pangalan at iba pang impormasyon tungkol saakin,gayon din sa titulo ng lupa.

"Maraming salamat madam Clarita" sobrang saya kong sabi saka inabot dito ang bayad sa lupa at sa pagreregister bilang merchant.
Nagusap pa kami ng mahaba bago napagdesisyunang umalis na.

Papunta ako ngayon sa lote na pagtatayuan ko ng candy store at habang naglalakad ay madaming bumabati saakin na sinusuklian ko din ng bati at ngiti.7 am pa lang naman ng umaga kaya madami na kaagad ang nasa labas para gumawa ng kani-kanilang gawain dahil hindi pa ganung kainit.Pero kahit na nasa countryside itong village ay hindi gaano kasakit sa balat ang init at malamig din ang simoy ng hangin hindi katulad sa pinanggalingan kong bansa na 8 am palang ay parang tinutusta kana sa init.

I've been here for 4 months at sa pananatili ko ay kilala na ako ng mga tao dito at ang masasabi ko lang ay napakabait at mabuting tao ang mga nakatira dito.Nagtutulungan sila at itinuturing ang isa't isa bilang magkakapamilya.Naalala ko tuloy yung probinsya namin na hindi gaano kaunlad pero napakabubuti ng mga tao doon at napaka matulungin.

Napangiti ako ng malawak ng makita ko ang bakanteng lote,wala na itong bahay dahil pinagiba na kaagad ng may ari bago nila ibenta sa merchant company kaya 'di na ako mahihirapan maglinis.Tiningnan ko yung inn na kaharap lang nitong lote pero nasa may bandang kaliwa ito at nakita ko ang bising mga empleyado at mga taong kumakain sa restaurant,at mga lumalabas at pumapasok na mga costumer.

"Whoa" nasabi ko nalang kase araw araw ay ganyan lagi ang senaryo sa inn kaya nakakamangha dahil patuloy pa ding tinatangkilik ang bussiness ko.

"Hindi na din masama na naadik ako dati sa anime" natatawang sabi ko ng maalala na dito ko kinuha ang ideya na magtayo ng negosyo na ganto at ang mga negosyo na itatayo ko pa in future.'Wala kase akong originality,hayst'.

Napailing iling ako sa iniisip at humarap sa bakanteng lupa, lumakad ako sa pinaka-gitna nito at nag-cast ng spell para magkaroon na ng hukay na susundan ko sa pagtatayo ng store.Sisimulan ko na kaagad ang paggagawa para matapos na kaagad.
Nakagawa na din ako kahapon ng design para sa building at nakabili na din ako ng mga materyales na gagamitin at mamayang tanghali ito ide-deliver.

Pagkatapos kong lagyang ng hukay ang lupa ay nagyan ko na ito ng concrete at buhangin gamit lang ang earth magic ko.Hindi gaano kadaming materyales ang binili ko dahil kaya ko namang magproduce nito gamit ang magic na meron ako,katulad ng ginawa ko sa Inn nung tinatayo ko palang ito pero hindi pa masyadong malakas ang magic na meron ako at saka mabilis na nadi-drain ang mana ko kaya bumili nalang ako ng ibang materyales.

Mabilis kong natapos ang paglalagay ng semento at saktong dumating na din ang mga materyales na gagamitin ko.Inumpisahan ko nang itayo ang store gamit ang magic ko katulong ang mga slimes. Hindi na ako nag-hire sa guild dahil kaya ko namang tapusin ito mag-isa.

Nasa 1 pm na ng matapos ko ang first floor ng candy shop,balak ko kaseng magtayo ng store na may dalawang palapag. Ang first floor ay ang tindahan at ang second floor ay ang office nito at 2 room na pwedeng tuluyan, balak ko ding lagyan ng kitchen at banyo ito kaya magi-itsura ang second floor na bahay.

"Owner kain ka muna" napalingon ako ng may magsalita sa may likudan ko at nakita ko si Jack at Rose na may dalang basket at towel.

'Hindi pa pala ako kumakain' ani ko sa isip at kasabay nun ay ang pagkulo ng tyan ko na ikinapula ng mukha ko.

"Salamat" hiyang hiya kong sabi saka inabot ang basket at towel na inilahad nila.Napangiti nalang silang dalawa saka tiningnan ang building na ininatayo ko.

"Wow owner,ikaw lang ba mag-isa ang nagtayo nito?" gulat na sabi ni Rose kaya tinanguan ko ito habang ngumunguya ng tinapay.

"Dapat ay nagsabi ka saamin owner ng natulungan ka namin" ani ni Jack saka tiningnan ako.Napatigil ako sa pagkain at ngumiti dito.

"Alam ko namang busy kayo sa inn" nakangiting sabi ko dito saka binalik ang atensyon sa pagkain.

"Saka madaming may kailangan ng tulong nyo doon at pag pinatulong ko pa kayo sa pagtatayo nitong store ay baka sabihin naman ng iba na masyado ko kayong pinapagod" natatawang sabi ko saka sumubo ulit ng tinapay.'This bread iz the bezts',isa ito sa mga tinapay ng earth na tinuro ko kina ate Linda na paboritong paborito ng mga taong kumakain sa restaurant.

"Pero owner, kaya naman naming hatiin sa dalawang grupo ang mga empleyado para makatulong sa iyo ehh" nakangusong sabi ni Rose na tinawanan ko lang.

"Don't worry about me guys, kaya at ayos naman ako saka katulong ko naman ang mga slimes sa paggawa kaya 'di gaano kadami ang gawain ko." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Nagkwentuhan pa kami at balak pa sana nila akong tulungan ng paalisin ko na sila para bumalik sa inn ng mapansin kong madami ng customer ang pumupunta dito dahil malapit na ding dumilim.

Saktong 6 pm ay natapos ko ng lagyan ng iba't ibang design at gamit ang first floor, meron na din itong hagdan papuntang second floor, may mga ilaw na din at tiles saka glass window na ginawa ko gamit ang sticky slimes;nakita ko nalang ito kanina habang nagpapahinga ako at nalamang isa itong garbage slime na nag-evolve matapos makakain ng malagkit na pagkain.

Mahirap sirain yung glass kahit gumamit ako ng magic, kaya hindi na ako magaalala na baka manakawan ang store dahil hindi ito basta-basta masisira.Meron na ding pinto ang store at napinturahan ko na din ito ng kulay pink and sky blue.Ito ang napili kong kulay dahil paborito ng aking kapatid ang kulay pink at akin naman ay sky blue.

Nang masigurado kong maayos na ang store ay nagteleport ako papuntang room kung saan ako nakatira at mabilis naglinis ng katawan at umupo sa kama saka umorder ng pagkain sa earth store ko dahil tinatamad na akong pumunta ng restaurant at saka alam ko namang puno pa din ito ng mga customer dahil hindi pa namang gaano kalalim ang gabi.

Umorder lang ako ng curry with fried pork meat,macaronni salad,pizza at juice, inihulog ko yung 8 copper coin sa hulugan ng pera at maya maya lang ay umilaw sa may bandang kanan ng kama ko at nakita ang isang malaking box na naglalaman ng mga pagkain na inorder ko.

Nakangiti ko itong inayos sa may study table ko na malapit sa may bintana saka masayang nagdasal at sumubo,gusto kong umiyak dahil sa sarap ng lasa ng mga ito.

Ng matapos ako sa pagkain ay napatingin ako sa labas ng bintana,madilim na pero maliwanag ang paligid dahil sa ilaw ng mga bahay na nagpapaliwanag sa kalaliman ng gabi.Tumayo ako at lumabas sa may terrace nitong kwarto saka lumapit sa may railing at tinanaw ang mga bahay na may mga buhay na ilaw. This world don't have electricity pero merong device na nagcocontain ng fire magic na pwedeng magpagana sa mga gamit halimbawa nalang ng ilaw.

"This world is amazing" I whisper and look up to the sky and saw billion of stars above pati na din ang mga planeta na vissible sa mata.Nangunot ang noo ko ng titigan ko yung isang planeta at nakitang parang may hawig ito sa Planet Saturn dahil sa kulay at ring na nakapalibot dito,pero ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil impossibleng maging ito 'yun lalo na't nasa ibang mundo ako.

"Salamat Goddess Lisha and to the God who let me reincarnate in this world" masayang bulong ko saka itinaas ang kamay na para bang inaabot ng mga tala na nasa taas.

'I'm so greatful',nakangiting ani ko sa utak and that's how my day ended.

I was reincarnated with an absorb skills!Where stories live. Discover now