CHAPTER XLVI: Fallout (Fabienne)

2.1K 163 32
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

CASTIEL WASN'T the enemy. 'Yon ang alam at paniniwala ko. But for some reason, parang sinasadya niyang magmukhang masama at maging kontrabida. Ayaw ko sanang kuwestiyonin ang desisyon niya lalo na't 'di ako involved sa politics ng university. But I couldn't just watch him go on a downward spiral. Kung iniisip niyang para 'to sa ikabubuti ng USC o ng kaniyang plano, nagkakamali siya. Kailangan niyang ma-realize na mali ang landas na tinatahak niya.

Kung binabangungot siya, dapat na may gumising sa kaniya.

One Tuesday morning, maaga akong umalis ng dorm at dumeretso sa campus quadrangle. Mamaya pang ten o'clock ang class namin sa Dramaturgy kaya may time pa ako para sa ibang activities. I found the suspended USC officers gathered around a steel bench. Sanay akong makita sila sa kanilang air-conditioned office kaya nakapaninibagong makita sila sa ganitong lugar. Nakapaninibago ring makitang 'di nila suot-suot ang maroon blazer at student council brooch nila.

"Good morning!" nakangiti kong bati. Napaangat ang mga balikat ng ilan sa biglaang pagsulpot ko. Ipinatong ko muna sa mesa ang aking shoulder bag bago ko sila isa-isang binalingan ng tingin. "Did I miss anything?"

"You're just in time, Fab!" Sinagot ni Rowan ng malawak na pagkurba ng labi ang ngiti ko. Despite his indefinite suspension and the crazy stuff that Castiel had been doing, nagagawa pa rin niyang magmukhang positive. "We've just arrived as well. Take a seat!"

"Thanks!" Umupo ako sa tabi ng ex-vice president. Umusod siya nang kaunti para may enough space sa 'kin. I leaned closer to them and lowered my voice. Baka may palihim na nakikitsismis sa 'min, eh. "Ano'ng battle plan natin today?"

"Despite Avrille's threat, Castiel remains unbothered," may buntonghiningang sagot ni Valeria. "Hindi pa rin niya nili-lift ang temporary suspension ng tatlong kasama natin. Mukhang gusto niyang sagarin ang pasensiya natin."

Thanks to recent events, tuluyan nang nawala ang awkwardness sa pagitan namin. Parang groupmates kami na may problema sa isa't isa—pero siya lang talaga ang may beef sa 'kin—'tapos nagkasundong magtulungan dahil gusto naming parehong pumasa sa isang minor subject na feeling major. Iba talaga ang nagagawa kapag may common goal.

"He's leaving us with no other choice. We're going to hold a press conference out here in the open." Ngumuso sa steps patungo sa Allied Medical Professions building. Patuloy ang paglabas at pagpasok ng mga estudyante ro'n. "If we want to make some noise, this is the best spot on campus."

"Hindi ko alam kung may plug sa mga tainga niya o talagang nabibingi-bingihan siya. But it's time to speak up and call him out," dagdag ni Lavinia na nakaupo sa kanan niya. "Kapag nakita ng mga estudyanteng nakatayo tayo riyan 'tapos pinalilibutan pa ng mga campus reporter, mas makaaagaw tayo ng atensiyon. Castiel can't ignore us anymore."

"Can we just do a presscon here?" Nagawi ang tingin ko sa mga estudyanteng nilalagpasan ang bench namin. May ilang napalilingon at napatuturo sa 'kin na parang may dumi ako sa mukha. I smiled at them. "May pupunta bang reporters? This isn't an official USC press briefing, 'di ba? So why would they come?"

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now