CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)

2.5K 288 691
                                    

FABIENNE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

FABIENNE

NAGUGULUHAN NA ako sa nararamdaman ko. Akala ko'y alam ko na ang sagot. Pero 'di pa pala. Akala ko'y sigurado na ako, pero may agam-agam pa pala. Ang gulo, 'no?

Hay! Dapat ngayong Christmas break ay nagre-relax ang isip ko at nag-e-enjoy ako sa maiksing bakasyon. Pero bakit ayaw akong tantanan ng mga tanong? Bakit parang ayaw akong pagpahingahin?

Mula no'ng bisperas ng Pasko, nahirapan na akong matulog nang maayos. Laging sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Priam. I want to give it a try. I want us to make it real. Parang isang kanta na gusto kong i-skip, pero laging sumisingit sa playlist at tumutugtog pa rin.

Don't get me wrong. I appreciated his feelings as well as the courage that it took him to let it all out. But something didn't feel quite so right. For me, he was likeable enough. Since I got to know him better, open akong i-entertain siya kung sakaling manligaw siya sa 'kin at kung bukas na ang puso ko para sa manliligaw. He'd probably make a good boyfriend.

Pero pakiramdam ko kasi'y nadadala siya sa sitwasyon. Nagpapadala siya sa agos. 'Yong panaginip niya. 'Yong effort namin na magpakilala sa family ng isa't isa. 'Yong care ko sa kaniya magmula no'ng naging close kami hanggang sa na-coma siya. Baka nao-overwhelm siya sa mga bagay-bagay kaya na-convince niya ang kaniyang sarili na gusto niyang totohanin na ang pagpapanggap namin.

I could be wrong, of course. Baka talagang naka-develop na siya ng feelings para sa 'kin. Which wouldn't surprise me at all. No'ng tinanong ko siya way back sa team building, 'di niya dineny ang possibility na baka ma-fall siya sa 'kin. 'Di ko rin 'yon dineny sa kaniya. Anything's possible lalo na't madalas kaming nagkasama at marami na kaming pinagdaanang pagsubok. We were there for each other in times of need. Mas nakilala namin ang isa't isa.

Bakit ko ba siya pinapangunahan? Feeling niya 'yon. Wala akong karapatan para diktahan siya. But my concern was coming from a good place. 'Di ko nire-reject ang idea niya. Ang tanging gusto ko ay maging one hundred percent sure siya sa balak niyang pasukin. Sakaling nadala lang siya sa sitwasyon 'tapos sineryoso na namin, baka bigla niyang ma-realize na ayaw pala niya. Paniguradong kawawa ang isa sa 'min.

How about me? I couldn't tell what I truly felt toward him. At least, more than friend ang tingin ko sa kaniya. Posible bang higit pa ro'n ang nararamdaman ko? Oo. Dahil sa mga nangyari nitong nakaraan, napa-reflect tuloy ako sa mga desisyon ko. Gusto kong malaman kung saan nag-ugat ang mga 'yon.

Bakit halos araw-araw ko siyang dinalaw sa ospital no'ng na-coma siya? Once or twice a week was enough. But four to five times? Sobra yata. I didn't have to act dahil wala naman ang audience namin sa private room niya. Wala ring mala-paparazzi reporters na nagtse-check sa 'min.

Bakit nagawa kong isakripisyo ang opening show namin para mapuntahan siya sa ospital nang ibinalita sa 'kin na nasaksak siya? Theater is my life. Parang oxygen 'yon sa 'kin. Parang mamamatay ako kapag wala 'yon. 'Tapos sa isang iglap, tinalikuran ko ang teatro at ang pagmamahal ko sa pag-arte dahil may nangyaring masama sa kaniya? I was lucky that things went well in the end, pero paano kung hindi? Paano kung ang matandang direktor pa rin ang director ng repertory theater? Goodbye theater na ba forever?

Play The King: Act TwoWhere stories live. Discover now