Simula

22 2 2
                                    

WARNING ⚠️: This story contains explicit sexual content, strong language, and themes not suitable for young readers. Reader discretion is strongly advised.

"Congrats, D!" Mula sa likod nagmula ang boses ng pinakamatalik kong kaibigan na si Zyphiria.

Simula high school, siya lang ang kaibigan ko na hindi ako kayang husgahan, at kahit palagi ko siyang hinuhusgahan ng harap harapan ay nandyan parin siya para saakin. At ngayon ang graduation namin mula sa pagiging Senior high school.

"Congrats sa'tin, Z!" Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nakipag beso.

Ngayon palang alam kong mamimiss kona siya, siya kase yung tipong hindi ka pababayaan, and she's almost perfect for me. Matalino si Zyphiria at maputi, may kaya rin sa buhay at sobrang bait.

Kapag nga wala akong maibabaon na pagkain ay siya ang nagdadala para saakin, isang salita ko lang na 'be, ikaw muna bahala sa baon ko bukas ah' tatango lang siya saakin at sasagot ng 'sige be, basta 'wag ka umabsent bukas ah' at kapag kulang naman ang pamasahe ko, iaabot ko lang sakanya yung pera at siya na bahala kaagad sa kulang. Napaka ideal girl ni Zyphiria at siya yung tipong pinapangarap nang lahat, at ako? Nangangarap lang sa buhay. Pangarap na gustong gusto kong matupad at ako yung tipong kapag gusto ko, ay gusto ko.

Agad kong iniangat ang noo ko ng maramdaman ang nagbabadyang luha na nangilid mula sa mata ko. Nilingon ko si Zyphiria na naka lingkis na ang braso sa kamay ng bf niya. Naalala ko na naman yung mga araw na saakin humihingi ng tulong ang mga lalakeng gusto siyang ligawan at sa tuwing bina-busted niya ay saakin lumalapit para umiyak. Mabuti nalang hindi ako into boys hehehe. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko si Zyphiria palang ang may alam ng secret ko at siya lang talaga ang nakakaintindi at tumanggap saakin ng buong buo. At lahat kaming magkakaibigan ay platonic sa isa't isa mapa lalake man 'yan o babae.

"Uy, D congrats!" Sigaw ni shan ng makita ako.

"Congrats din sa'yo! Ingatan mo kapatid ko, ah!" Dahil hindi na kaibigan ang tingin ko riyan kundi kapatid na.

"Hahaha ito talagang si Dayana" natatawang iling sakin ni Zyphiria.

"Oh, bakit? Kahit hindi tayo magkadugo e, kapatid na turing ko sa'yo no!"

"Oo na be."

Lumapit din kami sa mga kaibigan namin at nakipag batian. Alas singko na ng hapon at kailangan na namin mag paalam sa bawat isa.

"Dapat siguro kada buwan may reunion tayong magkakaibigan eh." Natatawang biro ni RM.

Tumango naman si Melisa bilang tugon. "Oonga noh! Para naman may bonding tayo kahit papaano at saka, ang dinig ko eh.... Ang hirap daw sa college? Feeling ko ngayon palang naiistress na ako" natatawang aniya.

"Eh....kung ganon naman pala edi sobrang busy na natin niyan?" si RM

"Depende siguro sa schedule natin?"

Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng dalawa. Apat nalang kami ang nandito sa tapat ng main gate. Ako, si Zyphiria at silang dalawa habang inaantay si shan na kunin ang kotse sa parking lot likod ng School. Simula na maging sila ni Zyphiria ay hindi na kami nag co-commute at nakikisabay naman kami sa kanila since nadadaanan naman ang amin bago ang kanila.

"Ikaw be, anong plano mo?" Baling saakin ni Zyphiria habang nakikinig din sa dalawa.

"Alam mo naman diba?" Malungkot ko siyang tinapunan ng tingin at agad binaling sa dalawang mukhang nilantakan na ng lamok.

"Grabe, ang lamok naman dito!" Si melisa ng hindi na makatiis.

"Mabuti pa nga yung lamok handang mamatay matikman lang tayo eh." Natatawang sagot ni Rm.

The poison of love Where stories live. Discover now