Kabanata tatlo

7 1 0
                                    

WARNING ⚠️: This story contains explicit sexual content, strong language, and themes not suitable for young readers. Reader discretion is strongly advised.

"Ihanda mo sarili mo sa magiging alaga mo." Agad na bungad saakin ni Nina kinaumagahan.

Maaga kaming umalis para pumasok. Yung tatlo ay iniwan ko muna sa apartment. Mga tulog pa ang mga ito kaya hindi na ako nagpaalam pa. Ito ang kauna-unahan ko sa trabaho at syempre hindi ko na naman maiwasan ang hindi kabahan at the same time ay ma-exite. Mahilig ako sa mga bata pero kailanman hindi ko gustong magkaroon ng bata sa bahay. Weird 'no? Wala lang sadyang ayaw ko lang haha. Ayaw ko kase sa maingay at iyaking bata dahil naiirita ako sa maingay. Pero itong aalagaan ko mismo ay bata.

'Ay, oonga pala! Hindi ko pa pala naitatanong kung ilang taon ang aalagaan ko!.

"Huy! Nakikinig kaba?!" Napakurap ako sa sigaw ni Nina.

"Ah.. hehe! Ano yun?"

Iiling-iling naman si Nina sa tanong kong 'yun tila napatunayan sa sariling hindi ako nakikinig.

"Sabi ko, ihanda mona kako sarili mo sa magiging alaga mo." Inis na sabi niya.

"Syempre naman 'no! Nga pala, ilang taon yung aalagaan ko?"

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang mansyon. Ang sabi ni Nina ay 'wag daw 'yon ang itawag ko dahil masyado raw kaming pinag mumukhang mahirap kung sakali. Okay lang naman saakin 'yon dahil totoo naman pero ayaw niya. Dapat daw CCM para syosyal at nung tinanong ko kung ano naman ang ibig sabihin ay Cruz Corpuz Masyon. Literal na pinasyosyal lang amp.

"8 years old na 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya.

Ang tanda na pala tapos kailangan pa ng yaya? Wow huh!

"Oh, bat gulat na gulat ka?" Nagtatakang tanong ni Nina.

Napaiwas ako ng tingin. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. 8 years old? E nung 8 years old ako nakakapunta na akong palengke ng mag isa ah!.

"Alam mo ba kung bakit?."

Nasa tapat na kami ng CCM nang bigla niyang itanong 'yon. Kahit naguguluhan sa tanong niya dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya ay nagpanggap nalang ako na alam ko.

Umiling ako sa tanong niya. Lumapit siya sa tenga ko at kinilabutan sa sinabi niya. "Kasi laging may gustong kumidnap sa kanya pati yaya niya sinasama kaya ayun, walang nagtatagal na yaya sa kanya."

Anak ng! Hindi pa nga ako tapos isipin kung sino yung lalake kagabi tapos heto nanaman? Ngayon palang parang gusto ko ng umuwi nalang sa sta.maria at magpatuloy mag-aral e!. Bahala na taragis! Palakasan nalang ng guardian angel!.

Busy ang lahat sa hapag kainan kasisilbi sa mga amo namin. Inilibot ko ang paningin sa kabuoan ng hapag na 'yon. Meron limang lalake at kasama na si sir Zack don na agad naagaw ang paningin ko. Meron siyang kasamang babae na nakadantay sa kanya. Agad naman nangasim ang mukha ko dahil hindi ko maiwasang hindi mandiri sa panglalakbay ng galamay nung babae kay sir. Zack. Hindi dahil sa bitter ako kundi naasiwa ako sa view. Langhiya nasaan naba yung aalagaan ko? Ang sabi tulog pa daw ito at hindi ko pwedeng gisingin hanggat hindi pa ang aala-siyete ng umaga. Alas sais palang at mahabang oras pa ang aantayin ko para puntahan ito sa kanyang kwarto. So, ang role ko muna ngayon ay maging audience kasama ang ibang mga kasambahay. Naka hilera kami sa harap ng mga kaibigan kuno ng boss namin.

Iniwas ko ang paningin sa dalawa. Meron naman anim na babae pero hindi naman ganoon kalandi kung umasta psh!. Pairap-irap ako sa kawalan at nung binalik ko ang paningin ay nasalubong ko ang madilim na paningin ni Zack na agad kong muling iniwasan. Tinignan ko ang malaking orasan na nakasabit sa kanyang itaas para maisip niyang don ako nakatingin. At nang makita sa wakas ang orasan ay agad akong napangiti. Sa wakas! Makakaalis narin sa nakakadiring view na ito! Bwahahah!

The poison of love Where stories live. Discover now