Kabanata isa

16 1 0
                                    


"Pag pasensyahan n'yo na kung hindi ko kaagad nasabi ah" sabi ng owner ng apartment.

Kanina napag pasyahan na namin mag hanap nalang ng ibang mauupahan nang biglang tumawag itong owner at sinabing may daan sa likod. Kung alam lang namin ng maaga edi sana hindi namin naranasan yung nangyare kanina.

Masyado pang bata yung owner kung titignan nasa mid 30's palang, may isang anak na babae at nabanggit niyang ka-edaran lang din namin. Maaga nabuntis si ate Lara base sa kwento niya ay sobrang hirap ang dinanas niya bago mapundar ang bahay na ito. Malaki ang bahay meron kwarto sa itaas at meron din sa ibaba. Heto ang kinuha ko dahil ang mura ng paupahan.

Dumeretcho kaagad si zyphiria sa itaas ng dumating kami. Alam kong sobra siyang dismayado saakin at laking pasasalamat ko kay shan dahil hindi siya sumuko kanina pa kasusuyo kay zyphiria. Alam ko ring sinsisi ni shan ang sarili niya dahil wala manlang siyang nagawa kanina kahit gusto na niyang upakan yung matanda. Naiintindin naman namin 'yon at isa pa delikado kami sa lugar na yun at baka mamaya e may patalim na sa gilid namin.

"Ilan ba kayo ang maninirahan dito?, Tatlo lang kase ang kwarto na meron dito." pinasadahan kami ng tingin ni ate Lara ganun din ako sa kanya.

Maganda at morena si ate lara, ang bilugan niyang mukha ay bumagay sa katawan niyang hindi gaanong mataba. Sakto lang kung titignan mong mabuti dahil nagmumukha lang siyang mataba sa suot na malaking duster.

"Ako lang po ang mangungupahan." Naka upo kaming tatlo sa sofa set na meron dito sa sala at kahit luma na hindi parin halata dahil sa cover nitong mga tela.

Nangunot ang noo ng owner sa sinabi ko. "Hindi ba't katatapos n'yo lang sa grade 12?" Nagtatakang tanong niya.

"Opo, pero legal age naman na po ako." Kinakabahan kong sabi. Sana hindi magbago isip niyang ipaupahan saakin itong apartment niya dahil kapag nagkataon ay, maghahanap kami ulit nang bago. Ayoko naman gabihin itong mga kasamahan ko dito.

"Bakit, naglayas kaba sa inyo?" At kahit pinayagan naman ako ay hindi ko maiwasang hindi mailang sa titig ng owner saakin, na para bang pinagbibintangan ako sa kasalang hindi ko naman ginawa.

"Hindi po siya naglayas, sadyang mataas lang po ang pride niya't gustong magtrabaho." Mula sa hagdan ay bumaba si zyphiria kasama si shan. Naka lingkis na ang braso sa boylet. Mukhang nagkaayos na sila. Sabi ni shan magpapasama siya sa gf niyang bumili ng pagkain once na magkaayos sila kaya dumeretcho si zyphiria sa labas kasama si shan.

"Ha?, Mabuti pinayagan ka." Baling sakin ni ate lara.

"Op-"

"Hindi po 'yan pinayagan ng mama niya ate, yung papa lang niya." Sabat naman ni RM habang tinitignan ng mabuti ang daliri.

"Bakit nga ba gusto mong magtrabaho e, hindi naman pala payag ang mama mo?." Salubong saakin ni ate lara.

"Mahaba po kasing kwento." Alanganin ko ng sagot.

"Mahaba o ayaw mo lang sabihin?" Si Melisa. Sinundan ko siya ng tingin at papasok siya sa kwartong nasa ibaba tapat lang ng sala.

"Susundan ko lang si Melisa" sabi ni RM at agarang sumunod.

"Siguro hindi pa siya handang sabihin pero kung ano man'yan nandito lang ako, pwede mo akong maging ina dito habang nandirito ka." Habol ni ate. Hinagod ni ate lara ang likod ko, mukha nararamdaman ang digusto kong mag sabi ng totoo.

"Salamat po ate." Tiningala ko siya at binigyan ng matamis na ngiti.

"Anong trabaho kukunin mo?" Tanong niya.

"Kahit ano po ate, kung saan ako mailalagay. Flexible naman po ako."

"Panong....kahit ano ba?" Litong niyang tanong.

The poison of love Where stories live. Discover now