Kabanata dalawa

21 2 0
                                    

"Ayon naba yung interview na tinutukoy n'yo ni ate Lara? Sobrang dali naman ng mga tanong"

Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng mansyon. Ihahatid ako sa gate ni Nina. Bukas na ng umaga ang simula ko. May mga kasambahay na ngumingiti saakin kaya nginingitian ko rin sila pabalik.

"Hindi ko alam kung bakit ganon kabilis ka niyang tinanggap." Nalilitong sinabi ni Nina. Naka hinto na ito at biglang natulala sa isang bagay.

"Bakit anong meron?." Tinitigan ko siya. Maging ako ay napahinto narin sa paglalakad.

Naka ngiti na siya ng ibaling niya saakin ang paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang may napagtato"Teka, 'wag mong sasabihin saakin na si sir Zack ang aalagaan ko ah?!"

"Ano?! Hahaha! hindi 'no loko!" Halos mamatay katatawa si Nina. Nakahawak na siya sa tiyan dahil sa katatawa.

Hindi ko alam kung ano bang nakakatawa sa sinabi ko. Naiinis narin ako dahil instead na sabihin nalang niya ang totoo ay tumawa muna siya.

"Tingin ko, bet ka ni sir Zack." Maya maya lang ay tumigil narin siya sa katatawa.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata 'yon. "Pano mo naman nasabi?" Umiwas ako ng tingin. Ayaw kong makita niya ang pagkadismaya na sumilay sa aking mukha.

"Yie. Gusto mo naman!" Kinikilig na aniya.

"Anak ng! iww" hindi ko na napigilan ipakita sa kanya ang pandidiri ko. Hindi dahil sa nakakadiri ang lalakeng 'yon, kundi dahil hindi ko gusto ang mga lalake! Kinakaibigan ko lang sila pero ang magkaroon ng relasyon sa isang lalake? Hell, no!.

Umirap siya saakin. Kung makairap kala mo matagal na kaming magkakilala. Magaan naman siyang kausap kahit papaano.

"Joke lang ito naman!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Mukha ba akong nakikipag biruan? "Pero heto ah. Isa lang ang maipapayo ko sa'yo." Lumapit siya saakin tila may ibubulong. "Ang umiwas pag nasa malapit siya."

Pumintig ng malakas ang dibdib ko sa kaba. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ba ang meron sa lalake na 'yon na kahit si Nina ay gustong paiwasin ako. Kahit hindi sabihin ni Nina 'yon ay talaga namang gagawin ko.

"Ano ibig mong sabihin?."

"Malalaman mo rin."

Iniwan niya akong maraming tanong sa isip. Haynako! Saka ko nalang iisipin yan basta sa ngayon ay kailangan kong ihanda ang sarili ko.

Alas dose na ng makauwi akong apartment. Nadatnan ko pa silang kompleto sa sofa na animong may inaantay. Akala ko umuwi na sila ngunit hindi pa pala. Agad naman akong lumapit at nakipag beso sa kanila isa-isa.

"Saan ka galing be?." Tanong ni Zyphiria. Naka dikwatrong pambabae at suot parin ang damit niyang pinantulog kagabi. White terno sleepwear with a flower design.

"May work na ako guys!" Instead na siya ang sagutin ay tila sinagot ko yun sa lahat na nadon.

"Ay taray. Anong work mo?!" Si RM. Katulad ni Zyphiria ay nakasuot din ito ng pantulog na kulay asul

"A nanny!" Masaya kong sinabi. Kahit naman papaano e malaki sahod 'no! Saan ka makakakita na ganon kalaking sahod aber?!.

"Ano?!"

"What!"

Gulat na sabay nilang sabing apat. Napahawak sa sintido si Zyphiria. Si Melisa naman ay dismayadong napapailing samantalang si RM ay tulala sa gulat.

Ilang sandali natahimik ang lahat. Si Shan ay hindi malaman kung kakausapin ba si Zyphiria o mananahimik nalang din. Nang hindi na kinaya ni Shan ang pananahimik ay agad na niyang binasag ang katahimikan.

The poison of love Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα