40

38 2 0
                                    

Pag-pasok ni Caroline sa kanilang bahay ay tahimik ito at parang walang bakas na may tao na pumasok. Dumeretso siya sa sala at nakita ang ibang gamit na nagkalat sa paligid. Nagulat si Caroline bakit nagkalat ang ibang mga gamit. Dali-dali niyang hinanap ang asawa at tinawag ito, ngunit walang sumagot. Hanggang sa mapansin niya ang pamilyar na amoy.

“It smells like blood!" Saad niya sa kanyang sarili.
Nang sumalubong sa kanya ang matapang na amoy.

Mabilis niyang sinundan ang amoy ng dugo, and to her surprised ay agad siyang napasigaw ng makita ang nakahandusay na katawan ng isang lalaki.

“B-babe?" lumuluha niyang salita habang niyuyugyug ito. “Please, wake up. Diego, please! Sino ang gumawa nito sayo," humahagulgol nitong salita.

“Please. Please. Please. Gumising ka! Ahhhh, gisinggggg.." sigaw niya sa asawa. Hindi n nito napigilan pa ang umiyak ng malakas.

“No, please. Wag mo akong iiwan, hindi! Mag-usap pa tayo, aayusin pa natin ito. Mahal naman kita, please. Gising ka na!" Patuloy niya pa rin ito sa pag yugyug. Hindi na niya naisipan pa na tumawag ng ambulansya or police dahil sa sobrang gulat niya.

“B-babe?" ( Coughing! )

“B-babe, you're awake! Please, don't close your eyes. Tatawag ako ng ambulansya, please." Natataranta siyang kinuha ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mabilis niyang nae-dial ang numero ng ambulansya sa lugar.

“B-babe, s-sorry!" Walang buhay na salita ni Diego. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Caroline, sinisinok na ito at nahihirapan na naman na huminga.

"Wag ipikit ang mga mata mo, pupunta tayong hospital. Please, don't leave me! Mahal kita, mahal na mahal kita. Hindi na ako galit sayo, please, lumaban ka para sa akin.” Pabulong na wika nito.

"H-hindi k-ko na k-kaya, patawad!” Nanghihina nitong salita, pabigat na rin ng pabigat ang hininga nito.

"S-sino ang may g-gawa niyan sayo? Sabihin mo sa akin, please.” Bulong niya rito.

"S-si.. S-si D-din—" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng tuluyan na itong malagutan ng hininga.

“HINDIIIIIIIII! NO! PLEASE, WAKE UP! DIEGO, PLEASE WAKE UP! WAG MO AKONG IIWAN!" Sigaw niya rito.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang ambulansya, kasunod nito ang mga police. Hindi gumalaw si Caroline sa pagkakaluhod habang hawak-hawak ang asawa sa kanyang mga bisig.
Humahagulgol ito at walang pakialam kung marami man ang makakakita sa kanya.

Nang lapitan siya ng police ay hindi niya ito pinakinggan. Ayaw niyang gumalaw mula sa pagkakaluhod, habang hawak-hawak pa rin ang asawa niya.

"Mag-usap pa tayo eh. Bakit naman ganun! Agad akong bumalik kasi sabi mo masama pakiramdam mo, gusto kitang alagaan at para magka-ayos tayo. P-pero bakit g-ganito? S-sino a-ang g-gum-aahhhhhhhhh.." sigaw na lang niya na maramdaman ang sikip ng kanyang dibdib.

"Ma'am, kailangan na po natin dalhin sa hospital ang asawa niyo?" saad ng police.

Sinubukan pa itong e CPR ng doctor, at cheneck ang pulso. "Time death is 5:55 minutes, it means limang minuta na ang nakalipas ng mamatay ang biktima." saad ng doctor.

"5:55 minutes?No! Hindi pa siya patay!" tulala na salita nito habang patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha. " Pag-dating ko nakahandusay na siya rito. Nakapag-salita pa siya kanina, nakapag-usap pa kami kanina sandali. Nag-sorry pa siya sa akin." humihikbi na halos pabulong na ang kanyang pananalita.

Halata sa boses nito ang sakit at sikip ng kanyang dibdib. Dahil nahihirapan na siyang huminga ay agad siyang tinulungan ng isa pang doctor. Sumakay na sila sa ambulansya at agad ng umalis. Habang nasa sasakyan ay hindi maiwasan na hawakan ni Caroline ang walang buhay na asawa.

"Ma'am, huminga po kayo ng malalim." saad ng nurse sa kanya nang mapansin na kinakapos na talaga siya ng hininga.

"Save him! S-subukan n-niyo na iligtas asa--" hindi na nita natuloy ang sasabihin ng mahimatay na ito.

.......
CAROLINE'S POV

"Good morning, babe!" napangiti ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Hinalikan niya ako sa labi at niyakap ako ng sobrang higpit.

After all, I forgive him. And I am willing to accept him again Mahal ko siya, at siya lang mamahalin ko wala ng iba. Marupok ako, Oo! Alam ko naman yun, pero masisisi ba nila ako kung ganito ako kabaliw sa asawa ko?

“B-babe, saan ka ba galing? Late ka na naman ng uwi!" Nakangiting wika ko at niyakap siya pabalik.

“Sorry, babe. Pinaghintay ba kita?”malambing niyang tanong sa akin.

"Oo, I was waiting for you last night. Kaso nakatulog ako,” tugon ko naman sa kanya.

"Hmm..Tulog ka na ulit. Na puyat na naman kita eh, sorry babe ha. Mahal na mahal kita!” Aniya.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at natatakot. Agad kong hinawakan ang kamay ng asawa ko, at hinalikan ang likurang bahagi ng kanyang palad.

“Mahal na mahal rin kita, babe." Malambing kong tugon sa kanya.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. Napapikit naman ako sa haplos na iyun.

Na-idlip na naman ako dahil sa masarap na pakiramdam na iyun. Bumalik na kaya yun sa sa kanyang trabaho? Miss ko na naman siya!

“Caroline! Anak?" Boses yun ni daddy ah, bakit siya nandito sa bahay?

Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang natatakot na mukha ni dad. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nito. Takot at kaba ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

“Dad, what happened?" Mamaos kong salita. Nararamdaman ko naman ang sakit sa aking lalamunan. “Water, dad.. please!" Saad ko. Agad naman na kumuha ng tubig si dad.

Umupo ako at dun ko napagtanto na wala ako sa bahay, kundi nasa hospital. Anong nangyari? Bakit nasa hospital ako? Hindi ba kasama ko si Diego, kanina lang?

“Bakit ako nasa hospital, Dad?" Nagtataka na tanong ko. "Si Diego po na rito rin ba siya? Hindi ba nandito siya? Kasama ko siya kanina lang, dad eh!" sunod-sunod kong salita.

Hinawakan ni Dad ang kamay ko at marahan na hinaplos ito. Bigla akong kinabahan sa naging ekspresyon ni Dad.

" Dad! Bakit po?” Kinakabahan na tanong ko, dahil wala talaga akong ideya sa mga nangyari. Parang na blangko ang utak ko at hindi mag proseso sa utak ko kung ano nga ba ang nangyari.

"Anak, wala na si Diego?”

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now