41

47 2 0
                                    

PARA akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Para akong nabingi sa sinabi ni Dad. Hindi ko namalayan ang pag-landas ng mga luha ko. Naninikip na naman ang dibdib ko, at hindi makapaniwala sa sinabi ni Dad.

Paanong wala na kanina ko lang naman siya kasama . Nakausap ko pa nga tapos ito ngayon sasabihin ni Dad na wala na ang asawa ko?

“No! He was here kanina kangy, Dad. Kausap ko pa siya. What are you talking about?" Natatawa kong salita. But dad didn't even bat an eye on me.

“Dad? What's with that expression?" Na-bo-bother kung salita.

“He is dead. And everyone suspected you as the killer." Bumagsak ang mga balikat konsa narinig.

“Anong suspitya dad? Paano? I didn't kill him, he was here earlier." I said. Pinaglalaban ko talaga ang sarili ko dahil nakausap ko naman talaga asawa ko kanina eh.

“Anak! Caroline listen to me, and tell me what you did. Hindi ako magagalit sayo! Sabihin mo lang ang totoo," hindi ko maintindihan ang sinabi ni Dad.

“Dad, ano ba pinagsasabi niyo? Anong kill? Sinong may pinatay?" Nagtataka n tanong ko sa kanya.

“Wag ka ng mag maang-maangan pa, Caroline!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni mommy Andrea.

Akala ko ay kumustahin niya ako pero isang malakas na sampal pala ang sumalubong sa akin.

I was surprised. Hindi agad ako nakapag salita ngunit nakuha ang atensyon ko sa isang bagay.

"Bakit nasa sayo yan? Gamit yan ng asawa ko," babawiin ko sana ang isang maliit na bagay na. hawak ni tita Andrea.

Yun ang keychain na binili ko nung nasa japan kami. He liked it because it's cute, so I bought it for him. Na gustuhan niya iyon kaya nilagay niya sa susi niya na lagi niyang dala-dala. Bakit na kay mommy yun?

"You killed my son!" na bingi ako sa sinabi ni mommy. Mabigat ang bawat salita niya at parang galit na galit siya sa akin.

"No! I didn't kill him, kasama ko siya kanina eh. He is here earlier, he even kissed me. Ano ba pinagsasabi niyo?" Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Ano nga ba talaga ang nangyari? Why are they suspecting me of the things I haven't done?

“Stop pretending, Caroline. You killed my brother!" Hindi agad ako nakaimik dahil pakiramdam ko ay totoo ang sinabi nila.

But why? Bakit kasama ko pa si Diego kung patay na nga siya? Or am I just hallucinating kasi wala na nga talaga siya?

Biglang tumulo ang mga luha ko.

“See? You killed him. Bakit ka iiyak iyak diyan ha! Nakokonsensya ka ba na pinatay mo ang kapatid ko!” Galit na sigaw ni Stiffany.

Bigla niya akong nilapitan at hinila ang aking buhok. Hindi ako agad naka depensa sa sarili ko, at hinayaan laman siya na saktan ako. Dad didn't even stopped her na para bang deserve kong masaktan.

“YOU CRIMINAL!" Sigaw niya habang hinila ang buhok ko. "YOU KILLED MY BROTHER! I HATE YOU BEING MY KUYA'S WIFE. I DON'T LIKE YOU AND YOUR EXISTENCE." sigaw nito habang patuloy pa rin sa pag hila ng kanyang buhok.

Bigla akong nakaramdam ng hilo, hindi ko siya kaya. Stiffany is too strong for me to handle.

“Hindi ko pinatay ang asawa ko. Wala akong ginawa. Why are you suspecting me!" Humahagulgol na wika ko.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit sa puso ko. Naalala ko na. Wala na nga talaga ang asawa ko. Ako ang nakakita sa kanyang katawan. Duguan at halos wala ng buhay.

I did not kill him.

But why are they suspecting me!

Nasasaktan rin ako, at nawalan ng asawa.

“Ikaw lang ang tao sa bahay kahapon. At my brother told me na nag-away kayo at hindi pa kayo nagkaka-usap simula nung mawala ang baby niyo. Hindi ko lubos akalain na isa ka pa lang criminal.” Galit na wika ni Stiffany ng makalayo na ito sa akin

"Hindi! He was cheating on our marriage, yes, I
we fought but that doesn't mean ay kaya ko siyang patayin. Mahal ko ang asawa ko at hindi ko yun magagawa." umiiyak na saad ko.

"Who would believe you. May CCTV naman sa bahay kaya malalaman namin kung sino nga." She said. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.Kahit wala naman akong kasalanan.

"The police is coming here already, so better prepare your story to tell. Hindi kami susuko hangga't sa makulong ka." May pagbabanta na wika ni Stiffany.

"Hindi ko siya pinatay. Please! Wala akong pinatay, mahal ko asawa ko. Hindi ko magagawa kung ano man ang pinag bibintang niyo sa akin. Wala akong ginawang masama," depensa ko sa sarili ko.

I was actually waiting for someone to defend me, pero parang wala naman dedepensa sa akin.Sino ba dedepensa sa akin,e wala naman akong ibang kilala na kaya akong ipaglaban.

"Mga police po kami Mrs. Solise, and we are here today para imbitahan po kayo sa presinto."

SHE'S A PRETENTIOUS BITCH Where stories live. Discover now