Chapter 4: Facebook

4.1M 81.9K 29.7K
                                    



FB notification.
Jeydon Lopez added you as a friend.
Troy Mendoza added you as a friend.
Marky Lim added you as a friend.

Anong kalokohan 'to? Bakit nila ako in-add sa FB? 'Yong tatlong sikat sa school namin, ia-add ang isang nobody na katulad ko? Ia-accept ko ba sila?

Ang tagal ko nang gustong maging friend sa FB si Marky pero ayokong maging friends sina Troy ay Jeydon. Teka nga, kay Jeydon lang naman ako inis, e. At kapag in-accept ko 'yong request ng dalawa except kay Jeydon, sigurado akong maaasar 'yon! That way, friend ko pa si Marky.

Candice Gonzales is now friends with Troy Mendoza and Marky Lim.

Gusto ko sanang i-stalk 'yong profile ni Marky, kaso huwag na lang. Baka may hindi pa ako makitang maganda.

Naligo ulit ako, sobrang init, e. Paano kasi nasa bahay si Marky, 'yong six-pack abs niya, 'yong brown eyes niya, 'yong ngiti niya at 'yong messy hair niya. Ang hot, e.

Nagmadali akong maligo kasi naramdaman kong nagugutom na ako.

Paglabas ko ng bathroom sa kwarto ko, si Cholo, kagat-kagat 'yong pink undies ko!

"Baby! Ibaba mo 'yan!"

"Roooo!" ungol ni Cholo.

"Bad dog! Akin na 'yan!" Lumapit ako sa kanya pero tumakbo siya palabas. Naalala kong nasa sala pala sina Kuya, baka makita nila 'yong undies ko. Kinuha ko agad 'yong towel ko tapos pinulupot sa katawan ko. Sa pagmamadali, hindi na ako nagsuot ng damit.  

"Cholo!"

"Wit-wew," sabi ni Troy.

Nakita nila akong nakatapis lang!

"Hoy, Manang! Anong scandal 'yang ginagawa mo? Magsuot ka nga ng damit!"

Lahat sila, nakatingin sa 'kin. Tumingin ako kay Marky. Umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Ingat kayo—" sabi ni Mama mula sa likod ko.

"Candice! Bakit nakaganyan ka sa harap nila?"

"Inaakit kasi ako, e," pabulong lang na sinabi 'yon ni Jeydon pero rinig na rinig ko pa rin.

"Hoy, anong inaakit kita? Kapal mo, Jeydon!"

"Ano?" Lahat sila, nagtanong.

"Sabi kasi ni Jeydon inaakit ko raw siya! Hindi naman, e!"

"Hoy, Manang! Huwag ka ngang magpahalatang may gusto ka kay Jeydon!"

Hindi ba nila narinig? Sigurado akong narinig ko 'yon. At ako, may gusto sa nilalang na 'yon? Yuck!

"Sige na, umuwi na kayo, ako nang bahala kay Candice. Ingat kayo!"

"Thank you po, Tita Candy."

Hinarap ko si Mama, ang sama ng tingin sa 'kin.

"Ikaw, babae ka. Bakit ganyan 'yang hitsura mo?"

"Mama, kasi kinuha ni Cholo 'yong undies ko. Natakot akong makita nina Kuya kaya tumakbo agad ako pababa, hindi na ako nakapagbihis."

"Hay, naku! Umakyat ka na roon at magbihis. Buti na lang, best friends ng kuya mo 'yong mga 'yon. For sure, hindi ka aasarin ng mga 'yon."

Kung alam mo lang, Mama, 'yong tahimik kong buhay sa school, gulong-gulo na dahil sa mga 'yon!
Umakyat ulit ako sa kwarto ko. Nag-beep 'yong phone ko.

New notification.
Troy Mendoza tagged a photo of you.

Ano kaya ito?

Wit-wew! Ang li'l sis ni Charles, all grown up! LOL

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon