Chapter 34: Birthday Gift.

4.1M 78.6K 64.3K
                                    



Ang aga kong nagising, siguro excited kasi akong pumasok. Umalis agad ako ng bahay. Papunta na ako ng school kaso pagliko sa isang kalsada, may nakita akong mga lalaki. Nakakatakot sila tapos may mga tattoo silang dragon sa likod. Sila kaya 'yong mga bumugbog kay Jeydon?

Noong nakita nila ako, lumapit sila sa 'kin. Sa takot ko, tumakbo agad ako. Sobrang bilis ng takbo ko, akala mo, wala nang bukas. Kaso bigla akong nadapa. Pag-angat ko ng ulo ko, may nakita akong dalawang kamay na gustong tumulong sa 'kin.

"Okay ka lang, Candice?" sabay pang sabi nila sa 'kin.

Si Marky tsaka si Jeydon.

Nakatingin lang silang dalawa sa 'kin habang inaabot 'yong isang kamay nila sa 'kin. Kaninong kamay ba ang pipiliin ko? Bakit nandito silang dalawa? At bakit sabay pa silang nag-abot ng kamay sa 'kin? Nakakalito naman. Kaninong kamay ba 'yong aabutin ko?

Kinuha ko na lang 'yong kamay ni Marky.

Pagkaangat sa 'kin ni Marky, ngumiti sa 'kin si Jeydon pero halatang may lungkot sa mukha niya. Pagkatapos no'n, tumalikod siya sa 'min ni Marky. Hindi ko alam kung bakit pero hinabol ko siya, kaso nadapa na naman ako. Bumalik si Jeydon para tulungan ako kaso lumiwanag kaya hindi ko nakita 'yong mukha niya. Napapikit ako dahil nasilaw ako. Pagdilat ko, nakita ko 'yong mukha ni... Doraemon!

"Waaaah!"

Panaginip lang pala.

"Ang weird naman no'n!"

Napakamot na lang ako ng ulo ko. Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko tapos nakita ko si Kuya Charles. Nakataas 'yong kilay niya sa 'kin. Hala! Kanina pa kaya siya diyan? Ano namang ginagawa niya rito?

"May bisita ka. Tumayo ka na," tapos umalis na siya. Galit pa rin pala siya sa 'kin. Nakakainis naman! Miss ko na siya, e.

Tiningnan ko 'yong orasan. Waaaah! Tanghali na pala. Napasarap 'yong tulog ko. Sino naman kaya 'yong bisita ko? Si Troy kaya? Siya lang naman ang laging bumibisita sa 'kin, e. Huwag mong sabihing sa si Jeydon 'yon, ha? Utang na loob.

Naghilamos muna ako bago ako bumaba.

Sinalubong naman ako agad ni Tiffany. Akala ko naman kung sino. Buti, hindi buwisita 'yong dumalaw sa 'kin.

"Hi, Candice!" Ang cute talaga niya tsaka ang laki ng ano niya. Nakakainggit. Hehe.

"Hi, Tiffany! Anong ginagawa mo rito?"

"Birthday ko kasi ngayon, e." Hinawakan niya ako sa may braso ko tapos ang laki ng ngiti niya. Nakakahiya naman, hindi ko alam na birthday niya. Wala pa naman akong nahandang regalo.

"Happy Birthday! Sorry, ah. Wala man lang akong regalo sa 'yo."

"Okay lang! Actually..." Hinila niya ako sa may sulok. As if naman may makakarinig sa 'min, e, apat lang kami sa bahay. Hindi naman mahilig si Mama sa maraming katulong.

"Ano ba 'yon?"

"Alam mo, Candice, hindi na ako naghanda kahit na gusto nina Mommy na magka-party ako. Kasi naman, isa lang naman ang gusto ko sa birthday ko, e." Tumingin siya sa 'kin. Sa ngiti pa lang niya, alam ko na kung ano 'yong gusto niya, e. Kaya pala pumunta siya sa 'min.

"Alam ko na kung ano, o baka sino?"

"Bakit alam mo?" Nag-pout siya tapos nagpa-cute sa 'kin.

"Gusto mong maka-date si Troy sa birthday mo. Tama?"

"Ha? Hindi 'yon! Gusto kitang makasama! Gusto kong makasama 'yong best friend ko, e." Ay! Shunga. 'Yon pala. Hehe, sorry naman.

"Ah, hehe... okay."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon