Chapter 11: Mystery Guy

3.4M 71.3K 15.8K
                                    



Sino kaya 'yong babaeng hinalikan niya? Mas matanda sa 'min 'yon. Hindi ko maisip na sugar mommy niya 'yon kasi napakayaman nina Troy.

May-ari sila ng pinakasosyal na clubs sa bansa at sa US. Girlfriend niya kaya 'yon? Sabagay, maganda naman 'yong babae, sexy pa.

Pagkarating ko sa bahay, nagkasalubong kami ni Kuya.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Birthday ni Stacey ngayon, invited kaming apat."

"Okay, ingat ka." Friends pala sila, I wondered kung alam niyang inaway ako ni Stacey.

"Bilisan mo, kanina ka pa hinihintay ni Mama! Saan ka ba pumunta?"

"Ah." Napakamot ulo na lang ako. "Wala, sige na."

Natagalan ako dahil kay Troy, e.

"Mama!"

"Saan ka pumunta?"

"Mama, nakita ko si Troy na may kahalikang babaeng mas matanda sa kanya."

Nanlaki 'yong mga mata ni Mama sa sinabi ko. "Candice, age doesn't matter. Malay mo, mahal talaga niya 'yon. Don't be judgmental."

Hindi kasi kilala ni Mama si Troy, e. Womanizer kaya 'yon tapos may May-December love affair pala? Naalala ko tuloy si Tiffany, ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya?

"Okay, Mama, sorry po."

Umakyat na lang ako sa kwarto ko para matulog. Naisip kong bukas naman, pupunta 'yon si Troy sa bahay kaya tatanungin ko na lang.

***

"Candice!" Nagising ako sa sigaw ni Mama.
"Bakit, Mama?" Nakita ko si Mama, parang naiiyak.

"Anong nangyari? Nabugbog ba si Kuya?"

"'Yong papa mo, Candice."

Tumalikod agad ako nang marinig kong about lang pala kay Papa.

"Candice, nasa ospital 'yong papa mo!"

"Nasaan 'yong asawa niya?"

"Candice! Kailan ka pa naging ganyan? He's still your father!"

"Hindi na, Ma. Ano bang nangyari? Namatay na ba siya?"

In no time, nakahawak na ako sa pisngi ko. Yeah, I knew, I deserved that slap.

"Hindi kita ganyan pinalaki." Umiyak na siya. "Aalis na tayo. Pupunta tayong ospital. Wala roon si Mary kaya ako 'yong tinawagan."

"Kayo na lang po, Mama."

"Candice naman!"

"Ma! Ayoko nga po. Please lang, umalis kayo kung aalis kayo. Kaya ko na po ang sarili ko."

"Hindi kita pwedeng iwan dito, wala si Charles."

"Okay lang ako. Safe naman sa bahay, e. Sige na po, puntahan n'yo na siya."

Niyakap ako ni Mama. Mali bang galit ako sa papa ko? Niloko niya si Mama at sa best friend pa ng mama ko. Kahit makita ko lang sila ng kabit niya, hindi ko kaya. At tatlong taon na rin naman siyang walang pakialam sa 'kin. Matagal ko na siyang kinalimutan.

"Tumawag ka kapag kailangan mo ako, ha? Candice, alam kong mahal mo ang papa mo. Huwag kang magpadala sa galit."

"Sige na po, Mama, ako na po ang bahala."

"Okay, I love you, Candice."

"I love you too, Ma."

Niyakap ulit ako ni Mama bago umalis. Ayokong makita si Papa, gano'n ako katigas. Gano'n na ako katigas, simula nang iwan niya kami. Kahit na nag-alala ako sa kanya, mas nangibabaw pa rin sa 'kin 'yong galit. Hanggang sa mga oras na 'yon, masakit pa rin 'yong ginawa niya.

Natulog na lang ulit ako sa kama ko. Ilang oras pa lang akong nakakatulog, narinig kong tumahol si Cholo.

"Cholo, bakit?"

Napatayo ako sa kama noong may narinig ako sa baba. Sino kaya 'yon?

"Kuya? Mama?"

Hindi pa ako nakakababa ng hagdan, may nakita na agad akong lalaki, nakatakip 'yong mukha niya. Magnanakaw kaya siya? Bumilis 'yong tibok ng puso ko. Nanginig na 'yong tuhod ko at parang maiiyak na ako. May magnanakaw sa bahay namin at ako lang 'yong tao roon tapos may hawak pa siyang kutsilyo.
Bumalik ako sa kwarto ko.

Tinawagan ko pareho sina Mama at Kuya pero walang sumagot.

Anong gagawin ko? Silang dalawa lang maliban kay Papa 'yong malapit sa bahay. Katapusan ko na ba? Paano kapag pumunta 'yon dito tapos makita ako? Tapos patayin ako?

Unknown calling...

"Hello?" Bakit hindi siya sumasagot? "Hello! Please, sagutin mo." Naramdaman ko na 'yong luha sa mukha ko. "Tulungan mo ako, kung sino ka man. Please, may magnanakaw sa bahay ko at ako lang 'yong tao rito. Parang awa mo na. Nandito ako sa bahay ni Candy Gonzales, sa may Central Park Village."

Binaba niya 'yong tawag. Sino kaya 'yon? Anong gagawin ko? Nag-pray na lang ako, 'yon na lang naman ang magagawa ko, e.

Maya-maya, may kumatok.

"Sinong nandiyan?"

Hindi ako sumagot. Nakakatakot 'yong boses niya.
"Huwag ka nang magtago riyan! Kapag nakapasok ako riyan, lagot ka sa 'kin!"

"Umalis ka na! Tumawag na ako ng pulis!"

Tumawa siya. "Pagdating nila, patay ka na!"

Patay? Papatayin niya ako?

Ang lakas ng kabog sa pinto, parang masisira na. Anong gagawin ko? Mamamatay na ba ako? Pero hindi pa ako nagkaka-boyfriend! Mama! Kuya! Help me!

Biglang namatay 'yong ilaw at saktong bumukas 'yong pinto. Hindi ko makita 'yong mukha niya kahit tinanggal na niya 'yong takip sa mukha niya.

"Ang tapang mo, ah! Lagot ka sa 'kin!"

Binato ko siya ng unan. "Lumayo ka sa 'kin!"

"Maglalaro pa tayo."

Sana isa lang itong bangungot. Pinikit ko 'yong mga mata ko. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko?
Biglang may malakas na kalabog.

Binuksan ko 'yong mga mata ko kahit wala pa rin akong makita dahil madilim. Hinayaan kong mag-adjust sa dilim 'yong mga mata ko.

Nakita ko na lang 'yong magnanakaw na nakabulagta. Tapos 'yong lalaking hindi ko makita 'yong mukha, hinubad 'yong damit niya tapos itinali 'yong lalaki sa may kama. Tumalikod agad siya noong nakita niyang nakatingin ako sa kanya. May tattoo siya sa likod. Dragon.

Sino siya? Siya ba 'yong lalaking tumawag sa 'kin?
Umalis siya pero hinabol ko siya.

"Sandali!"

Kahit gaano ako kabilis, nakaalis na siya.
Sino 'yon? Ang tanging nakita ko na lang ay ang necklace na naiwan niya.

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon