Author's Note

2.2M 55.3K 6.7K
                                    

Author's Note

The Four Bad Boys and Me, eto yung story na pinangarap ko na mangyari sakin. Kada mag susulat ako, iniisip ko na ako si Candice. Pangarap ko na magkaroon ng makulit at kalog na mother, although masayang masaya ako kung ano man yung mama ko ngayon. Pangarap ko na magkaroon ng sexy at kalog na girl friend na katulad ni Tiffany. Pangarap ko din mag karoon ng parang ate na mag tatanggol sakin kagaya ni Ate Serina, only girl kasi ako. Pangarap ko na magkaroon ng napaka protective na Kuya, katulad ni Charles. Pangarap ko na magkaroon ng makulit at napaka gwapong best friend na katulad ni Troy. Pangarap ko na mag karoon ng crush na magkakagusto din sakin, lahat ng katangian ni Marky lahat yun katangian ng crush ko. Noon pa lang pangrap ko ng magkaroon ng boyfriend na katulad ni Jeydon. Bad boy, masungit, mapang asar, gwapo at magaling sumayaw pero on the other side naman, malinis yung puso, sweet, caring tska protective. And sa mga kontrabida, eto yung mga tao na pinaka kinaiinisan ko, yung mga tao na kinakatakutan ko. Lahat yan nabuo sa isip ko, kaya ko nasulat tong story na to, and syempre inspired sa Boys over Flowers.

Gusto kong i-dedicate itong story na 'to sa baby ko na si LUHAN.

Gusto ko din magpasalamat kay God for making this story possible. Sa blessings na binigay niya sa akin at sa story na 'to. Sa family and friends for giving me the strength and insparation.

Lastly sa mga READERS! sa lahat ng Maidens, BaMers, gusto kong mag pasalamat sa lahat na sumuporta sa story na to. Sa mga palaging nag vo-vote, yung ginagawang tambayan yung comment box, sa mga nag share ng story na 'to sa mga friends nila, yung mga nag fan sakin, yung mahahaba na parang novela na nag me-message sakin at pati sa mga silent readers. From the bottom of my heart, Thank you.


--
Book 2: The Good Girl's Revenge
--

This book will now close. TO GOD BE THE GLORY

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon