September Night [1]

3.5K 55 20
                                    

Gabing gabi na ng dumaong ang bangka ni Mang Tony sa pampang. Mag-isa na lamang itong naglalakad pauwi sa kanilang tahanan si Mang Tony nang may narinig siyang umiiyak na babae. napatigil si Mang Tony sa paglalakad at hinahap niya ang tinig ng umiiyak na babae.

Sa di kalayuan sa may Parola, natanaw niya ang isang babaeng nakatalikod sa direksiyon niya at nakaharap sa dalampasigan. Dahan-dahan itong naglakad at nilapitan pa ang babae. Nang makalapit na siya sa babae, dahn-dahan naman itong humarap sa kaniya.

"Aaaah!! M-Multooooo!" Sigaw ni Mang Tony.

Duguan at pulang-pula ang mga mata ng babae. Ultimo'y galit na galit na nakatingin sa kanya.

Napaatras si Mang Tony at tila 'di makagalaw. Unti-unting lumalapit ang babae sa kanya .... Papalapit na ng papalapit...

Ngunit bago pa man tuluyang makalait ang babae kay Mang Tony, eh hinimatay na siya at inatake sa puso saka bumagsak.

-------

Ang lumang Parola sa Sitio Pinagpala ay kinatatakutan ng marami sa diumano'y pinagmumultuhan ng isang babaeng nakaputi at duguan. Diumano'y ang nasabing babae ay nagpakamatay at tumalon sa nasabing parola at dito siya nananatili upang bantayan ang nasabing lugar.

--------

 itutuloy ....

September Night [Completed]Where stories live. Discover now