September Night [6]

2.4K 41 12
                                    

Binuksan ni Kath ang gripo sa banyo. Pinuno niya ng tubig ang tub. Sinampay niya muna ang kanyang tuwalya at malinis na damit sa likod ng pintuan bago lumusong sa paliguan.

Siya rin lang ang tao sa bahay. Umalis kasi ulit si Pia pagkatapos niyang masabi yung tungkol sa tumawag nitong kaibigan at nasa summer class naman ang mga pinsan nito. 

Masama rin ang pakiramdam niya kaninang umaga kaya naisip niyang maligo ulit. 

Tatlo ang banyo sa bahay nila Pia. Isa sa kuwarto ng tita niya, isa yung nasa itaas at isa yung nasa ibaba. Sira ang lock nung banyo sa itaas kaya do’n siya nagtungo sa nasa ibaba. Ayaw naman niyang pumasok sa kuwarto ng Tita ng kanyang kaibigan dahil baka siya pa ang masisi kung may mawawala rito.

Agad siyang nagpakawala ng ungol nang makalusong na siya sa tubig. Medyo maligamgam kasi ang pagkakatimpla nya sa tubig.

"Aaahh.. Saraap ng tubig." Sambit niya.

Kumuha pa siya ng bimpo at kinuskos sa kanyang katawan. Tumingala pa siya sa kisame at napatingin sa gilid. May napansin siyang isang anino na hugis tao. Meron kasing kurtina na pangbanyo na nakaharang kaya hindi niya maaninag kung tao nga ba yung naroon o yung hugis lang ng mga nakasampay na tuwaya o damit.

Nawala naman ang konsentrasyon niya sa kanyang tinitignan nang may maramdaman siyang humahawak sa kanyang batok.

Agad siyang napatingin sa kanyang likuran. 

Kumakabog na rin ng mabilis ang kanyang puso. Napatingin ulit siya sa itaas nang magpatay-sindi ang ilaw.

Napailing siya, naisip niya nab aka guni-guni niya lang ‘yon at tinatakot niya lang ang kanyang sarili.

"Magba-Brown-out ba?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Maya-maya ay namatay na ng tuluyan ang ilaw at tumagal ito ng halos limang Segundo. Napasigaw pa nga siya nung tuluyan nang dumilim. Ngunit bumukas naman ulit ang ilaw nang akmang lalabas na siya sa bath tub. 

Weird, naisip niya. Pero kinakabahan na rin siya. Nakakapit na lang siya sa gilid ng tub at nanginginig ang mga kamay. 

Napatingin ulit siya sa may kurtina at napansin na parang papalapit na yung anino ng tao sa kanya. 

“Sino yan?” mahina niyang tanong. Naisip niya na ni-lock naman niya ang pinto kanina kaya imposibleng may makapasok. 

“Sino ‘yan? May tao dito!” nakatakip na rin ang bimpo sa may dibdib niya. Dumating na ba ang Tita ni Pia o ang mga pinsan niya? 

"Sino yan..." Tanong ulit niya. Baka sakaling isa sa mga pinsan ni Pia ang pumasok at hindi alam na nandito ako sa loob. "Sino yan.. may tao dito oh." Ulit niya muli pero hindi ito sumagot. Papalapit na papalapit lang sa kanya ang anino. Naaaninag niya rin na parang babae ito at nakasuot na dami na mahaba na kulay puti...

"S-Sino ba yan..." Sa pagkakataong ito, natatakot na siya. Pero hind naman siya naniniwala sa mga multo!

 Kahit na kinakabahan ay tumayo siya at akmang hahawiin ang nakaharang na kurtina. Pero bago pa man niya nagawa iyon ay biglang may nagsalita na siyang kinagulat niya kaya nalaglag ang hawak niyang bimpo sa tub.

"Kath!" kumatok-katok pa ito sa pintuan. "Pakidalian naman oh.." agad siyang napatingin pabalik sa may hahawiin na sana niyang kurtina.

Nagulat siya nang mapansing wala na ang maiitim na anino na nakatayo do'n.

***

Tuwang tuwa  si Pia nagpunta sa may dalampasigan na malapit sa Parola dahil nagbabakasakali siyang naroon si Sophia sa mga oras na ito. Hindi talaga siya makapaniwala na tumawag ito sa kanya at sinabi pa nito na ito’y natutuwa sa kanyang pagbabalik.

September Night [Completed]Where stories live. Discover now