September Night - Ang Pagtatapos

2.6K 50 45
                                    

"Tandaan mo ‘to Josh! Hinding-hindi ka mapupunta kay Pia! Dahil sa akin ka lang!" Sigaw ni Sophia sa kanya. Naiwan silang dalawa nung bigla nitong sigawan si Pia dahil sa pag-alis ni Josh.

Ang akala kasi ni Sophia ay isasama ni Josh si Pia.

"Hindi kita mahal Sophia! Si Pia ang mahal ko!" Pagdidiin niya kay Sophia.

Pero bigla na lang siya nitong niyakap. Hindi niya alam ang gagawin, ito ang unang beses na nagkaaminan ng nararamdaman.  "Ako na lang ang mahalin mo!" pagmamaka-awa ni Sophia. "Huwag na siya! Pareho lang naman eh! Ibibigay ko ang lahat sayo Josh! Lahat-lahat!"

Pero kumalas si Josh sa pagkakayakap nito sa kanya. "Bitiwan ko Sophia! Si Pia ang mahal ko Hindi ikaw!"

Kumunot ang noo ni Sophia at halatang nagalit siya sa sinabi ng kaibigan. 

"Kung gano’n, kung hindi ka mapupunta sa akin, hindi ka din mapupunta kay Pia!!"

Lumapit pa lalo ito sa kanya. Akma siya nitong itutulak para malaglag siyasa Parola pero mabilis siyang naka-alis sa pwesto niya kaya nagtuloy-tuloy siya...

"SOPHIA!!"

Pinilit n’yang hinabol si Sophia para hindi malaglag pero dumaplis lang ang kamay niya sa damit nito. Dahan dahan, parang sa isang pelikula, naging slow motion ang lahat.

Kitang kita niya kung paano nakabitiw si Sophia sa railings ng parola, rinig na rinig din niya ang malakas na sigaw ni Sophia para humingi ng tulong.

Nasaksihan din niya kung paano ito malaglag, gaya ni Alisa, at mawalan ng buhay nang tumama ang ulo nito sa isang napakalaking bato.

***

"Pia, namatay si Alisa hindi dahil sa aksidente na nagawa sa kanya ni Sophia. Namatay siya isang linggo matapos siyang maospital dahil sa sakit niya sa puso."

Paliwanag ni Josh kay Pia.

"Sabihin mong hindi totoo ‘yan Josh..." Umiiyak na sinabi ni Pia sa kanyang kaibigan. Hindi siya makapaniwala. "Please Josh sabihin mong nag iimbento ka lang ng kuwento! Josh!!" Hagulgol nito.

Nakahawak naman siya sa balikat ni Pia, inaalalayan dahil anumang oras ay maaari na itong matumba dahil sa nalaman.

"Pia, ‘yon ang katotohanan. Si Sophia ang nagmumulto.. Siya... Gusto niya tayong kunin at isama..."

 Kumalas si Pia sa pagkakahawak niya rito.

"Bakit Josh? Bakit ka nagsinungaling?? Bakit sinabi mo noon na umalis si Sophia at pumunta ng ibang bansa dahil natatakot siya sa nangyari kay Alisa? At dahil galit siya sa akin! Bakit mo sinabe ‘yon? Bakit ka nagsinungaling Josh!! Bakitt!!! Sagutin mo ako!" hinampas-hampas pa siya nito. 

"Gusto lang kitang protektahan Pia!" Lumapit siya rito pero lumayo lang naman ito sa kanya. "Kukunin niya tayo, Pia! Gusto niyang magsama-sama tayo! Kung hindi ikaw, malamang ako ang kukunin niya! Ayaw niyang mag-isa! Gusto niya ng may kasama!" patuloy niyang sigaw.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Pia sa kanyang narinig. Ang kaibigan niyang si Sophia ang nagmumulto? Paano?

Hindi mag sink-in sa kanya ang katotohanan. Masiyado siyang napaniwala ni Josh na umalis ng bansa ang kaibigan niyang si Sophia dahil natatakot itong managot sa aksidenteng nagawa nila kay Alisa noong nakalipas na tatlong taon. Ngayon at malalaman niyang namatay na pala ito at nagmumulto sa kanilang dalawa?

"Gusto lang kitang protektahan Pia! Kukunin niya tay, Pia! Gusto niyang magsama-sama tayo! Kung hindi ikaw, malamang ako ang kukunin niya! Ayaw niyang mag-isa! Gusto niya ng may kasama!"

September Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon