X15

57.5K 1.7K 269
                                    

JILLIANE POV

Kararating lang namin ni Xking dito sa hide-out nila. May transaction kami ni Shawn mamaya. Ang sabi pa naman niya, susunduin niya ako mamaya. Pero wala na eh, maaga kaming pumunta rito ng hambog.

"Yo, Jilliane!" Bati ni Seth. May hawak siyang post cards na na parang tinitingnan niya isa-isa.

Sina Kieffer at Zaine naman ay abala sa paglalaro ng Xbox. Car racing.

Nasaan kaya si Shawn? Baka nasa mall? Bumibili ng eye liner? Joke lang. Malay mo umo-order lang siya sa online stores. Haha!

Umupo si Xking sa sofa. Ako nama'y nanatiling nakatayo. Ewan ko ba. Parang hinahanap ng mga mata ko si Shawn.

Maya-maya'y biglang kumalabog ang pinto sa isang room.

"Putangina, Ocampo! Where's my boxers?!"

Natulala ako kay Shawn na lumabas sa kwarto. He's topless at kitang kita ko ang katawan niyang ma-abs. May tattoo pa sa may pusod niya. Oh my ulam! Tapos may towel lang sa ibabang bahagi ng katawan niya. Wet look pa.

Napatitig din siya sa'kin at nakita kong nanlaki ang mata niya. Mabilis siyang pumasok ulit sa kwarto.

"Hahahaha! Tangna, ang epic ni David!" Tawang-tawa si Seth. "Sandali nga at gusto pa yata ni Shawn na suutan ko siya boxer. Wahahaha!" Tumayo si Seth saka pumasok do'n sa kwartong pinaglabasan ni Shawn kanina.

Gusto kong matawa pero shocked pa din ako sa itsura ni Shawn kanina. First time ko siyang makitang gano'n. Bakit ang hot niya?

"Tch. You looked like an idiot, woman. Umupo ka nga." Sigaw ng hambog.

Sina Kieffer at Zaine parang may sariling mundo at hindi namamansin. Busy eh.

Napalunok ako saka pilit na iwinaglit ang nasa isip kong itsura ni Shawn. Ang gwapo pala niya kapag wet look. Jusmiyo! Kaso panira ng moment ang hambog.

Inirapan ko siya saka naupo sa sofa. Biglang tumunog ang phone ng hambog kaya tumayo siya at lumabas saglit. Sino naman kayang tumawag do'n at kailangan pang sa labas sagutin? Psh. Hindi kaya may tinatago siyang babae?

"Wahahahah! Ang kulugo, 'di makalabas! Nangangamatis ang mukha! Ikaw kasi, Jilliane eh!" Tumatawang sabi ni Seth saka tumabi sa'kin sa sofa.

Tiningnan ko siya nang nakakunot ang noo. "Ano?"

"Wala! Slow mo talaga. Hahaha!" Natatawa pa ring sabi niya hanggang sa kumalabog ang pinto ng kwarto kaya napatingin kami ni Seth.

Lumabas si Shawn na parang..namumula ang mukha? What happened to him?

"Hi, Shawn!" Bati ko.

He looked at me at napansin kong uneasy siya. First time ko siyang makita na ganito. Kadalasan lagi lang siyang cool at ang siga ng dating.

"Why are you here? I told you, I'll fetch you." Sabi niya. Parang hinahanap pa yata niya ang confidence niya sa sarili.

"Ppffftt. Puta! Hirap magpigil ng tawa." Biglang singit ni Seth.

"Tangna, Ocampo tumahimik ka d'yan. Baka mai-baon ko ang mukha mo sa lupa." Galit na sabi ni Shawn saka tumabi sa'kin. Sa kabilang side ko. Si Seth kasi sa kabila.

"Wahahaha! Sorry na, David. Sarap tumawa eh. Pffft."

Pasaway si Seth. Hindi ba siya natatakot sa tingin ni Shawn sa kaniya. Para tuloy akong tangang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Masarap ding mai-baon sa lupa. Tch."

"Oo na!" Tumawa na naman si Seth. Akmang susuntukin na siya ni Shawn nang bigla siyang nanakbo papasok sa kwartong nilabasan ni Shawn kanina.

XBANG: Xking SalvadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon