X23

45.9K 1.4K 266
                                    

Jilliane POV

Ilang araw na akong kota sa kilig dahil kay hambog. Iba na nga, e. 'Yung puso ko bumibigay na. May parte sa sarili na sinasabing huwag masyadong magpakalulong sa nararamdaman ko kay hambog, at may parte namang sinasabing go lang ng go. Kung sa akin man, wala namang masama kasi single kami pareho. Mahal niya ako at sincere naman siya, though, masungit talaga siya at bipolar, napaparamdam naman niya sa akin 'yung pagmamahal niya lalo na kapag gumagawa siya ng mga ways na nakakapagpakilig sa akin.

"Mam Jilliane, pinapatawag po kayo ni Sir Xking sa garden."

Nginitian ko ang katulong. Kagagaling ko lamang sa mall kasama si Shawn. Ano naman kayang meron, bakit ako pinapapunta ng hambog sa garden? Hindi kaya utusan niya akong magbunot ng damo? Grabe, huwag naman sana. Nakakapagod 'yun.

Sumilip muna ako sa may garden. Mahirap na, baka mamaya naked pala ang hambog at nagda-dive sa pool. Inosente pa naman ang mga mata ko.

Nakita ko ang hambog na nakatalikod. Nakapamulsa habang nakaharap sa pool. Naku! Hindi kaya magsus-suicide siya? Hala.

Tumakbo ako palapit sa hambog.

"Hambog!" Sigaw ko hanggang malapitan ko siya. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at iniharap sa akin. "Kung may problema ka, pag-usapan natin ng maayos. Hindi nadadaan ang problema sa pagtalon sa pool. Huwag. Maaaring pagsisihan mo 'yang gagawin mo. Saka gabi na. Malamig ang tubig. Giginawin ka kaya huwag ka ng tatalon. Handa akong makinig sa mga sentiments mo. Basta huwag kang tatalon."

"Woman."

Huminga ako ng malalim. Hiningal ako sa sinabi ko. "Yes, Man."

"What the fuck, man?"

"Woman kasi ang tawag mo sa akin, e. E'di ikaw si man. Psh." Pagtataray ko pero naalala kong nasa bingit siya ng kamatayan. "Pero please, please, huwag ka tatalon, hambog. Sayang ang lahi mo."

Nag-pokerface siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na seryoso at kalmado naman ang itsura niya at wala sa itsura niya na problemado siya.

"What the fuck are you saying?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Kasi ano, ano..." Alanganin akong ngumiti. "Magpapakamatay ka kasi sa pool, e."

Kumunot ang noo niya. "Who told you?"

"Kasi nakita ko, andiyan ka sa harap ng pool. Malay ko ba kung tatalon ka diyan. Malay ko din ba kung sawa ka na sa buhay mo kaya tatalon ka nalang at magpa-fly-away."

Lalo siyang nag-pokerface. "Seriously, Jilliane? Do you want me to kiss you?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

"For you to shut up. Tch. You talked a lot."

"Baka may bibig ako." Bulong ko.

"You're saying something?"

Dinilatan ko siya ng mata. "Wala, wala!" Agad na tanggi ko. "E, ano ba kasi 'yung sasabihin mo? Pinapunta mo ako dito para ano?"

Humarap siya sa akin. He cupped my face and pull me against him. Bigla akong nakaramdam ng malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Just to tell you how much I love you and I want you..."

Shit. He wants me?

"...in my life."

Okay, nag-assume na naman ako. Pero bakit? Bakittttt? Bakit nagpapakilig siya ng ganito? Nagwawala na naman ang mga kilig cells ko ever!

"Hambog..."

"That word really suits me, right? Tch. Ikaw lang ang hinayaan kong tawagin ako ng ganyan. If it's other? I might kill them."

Napalunok ako. So ano bang tinutumpok ng hambog na 'to? Pinapunta niya lang ako dito sa may pool area para pakiligin, ganern?

XBANG: Xking SalvadorWhere stories live. Discover now