Epilogue

88.7K 2.5K 1.5K
                                    

Epilogue.

Iisa lang ang buhay na pinahiram sa atin ng Diyos. Pero dahil kay Shawn, parang naging instant dalawa ang buhay ko. At dahil naman kay Xking, naging tatlo ang buhay ko.

Matatawag ba na swerte ako? Dahil ilang beses na akong muntik ng mamatay pero may mga taong nagsa-sakripisyo para sa akin.

"Jilliane, tara na." Yaya sa akin ni Seth. "Tumataas na ang araw."

Huminga ako ng malalim saka tinanaw muli ang nagaganap na libing sa di-kalayuan sa pwesto namin ni Seth. Sinamahan niya ako. Mahirap na daw. Baka daw kasi may mangyaring panganib na naman sa akin.

Bakit nga ba parang lapitin ako ng panganib? Ano bang meron sa akin? Hindi ko ito gusto. Gusto ko ng mamuhay ng mapayapa.

Tumango ako sa kaniya saka sumakay sa kotse niya.

Nang makasakay kami ay agad niyang pina-andar ang makina ng kotse. "Are you okay?" Tanong niya.

I faked a smile. "Sana. Sana okay lang nga ako. Pagkatapos ng mga nangyari. Hindi ko na alam kung mabubuhay pa ba ako ng tahimik o may ganitong gulo na naman ba. Dalawang tao na ang nagligtas sa akin, Seth. I owe them my life."

Ngumisi siya. "Mahal ka nila, e. Talagang mas iisipin nila ang kapakanan mo kesa sa sarili nila."

Nakaka-overwhelmed. Pero hindi ko gusto ang ideya na kapalit ng kaligtasan ko, ay ang kamatayan....

"Hey. Cheer up." Nakangiti sa akin si Seth at aaminin ko, nakakahawa ang ngiti niya. I know he's suffering, too. Pero nagagawa pa din niyang ngumiti.

I smiled at him. "Tapos na kaya ang libing?" Tanong ko. Umalis kasi kami ng hindi pa tapos. Iilan lamang ang taong naroon dahil wala naman silang madaming kamag-anak.

Nagkibit-balikat siya. "Alam mo, Jilliane. Sa halip na 'yung libing ni Maximo ang inaalala mo, mabuti pang alalahanin mo si Xking. Tch. Alam mo naman 'yung gago na 'yun. May fracture pa sa binti, pero gusto na agad tumayo."

Napailing na lamang ako. Tama si Seth. Bakit ko nga iisipin pa ang libing ni Maximo samantalang wala naman itong naidulot na maganda sa amin? Nagdala pa nga siya ng kapahamakan. Xking just want to at least, recognize him. Kaya hinayaan niya akong makipag-libing as his substitute dahil hindi siya makakapunta. He sent flowers for him and I gave my prayers for his family.

Isang araw lamang ang lumipas pero parang ang dami ng nangyari.

I remember that time when I thought Xking was dead because he saved me from the bullet that comes from Maximo's gun.

"Xking!!" Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kaniya hanggang mapaluhod siya sa sahig.

Ilang putok ng baril ang narinig ko na naging dahilan ng panghihina ng tuhod ko.

"Putangina niyo, ah. Namatay na ang isa naming kaibigan. Hindi naman pu-pwedeng pati ang leader namin." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Seth na may hawak na baril.

"Galit kami d'yan sa gagong 'yan pero kaibigan pa din namin 'yan. We're brothers. We'll save each other, motherfuckers!" Sigaw naman ni Kieffer.

Doon ko napansin na natumba na lahat ng tauhan ni Maximo sa isang iglap. Ang maraming putok pala ng baril ay galing sa kanila at hindi kay Maximo.

Hawak hawak naman ni Ace si Maximo. Habang si Zaine ay inagaw ang baril nito.

Tiningnan ko si Xking na nakadantay sa kandungan ko. "Xking..."

He grins. "Isang tama lang. Putangina ang binti ko, masakit!" Sigaw niya.

"Easy-han mo Xking. Tch. Sugod ng sugod ng mag-isa, e. Hindi ka namin iniwan, gago." Sabi ni Zaine. "Isakay nyo na sila sa sasakyan. Dalhin niyo na din agad 'yan sa ospital. Baka maputulan pa 'yan ng binti." Biro nito.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 09, 2016 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

XBANG: Xking SalvadorNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ