X31

42.7K 1.5K 307
                                    

JILLIANE

TATLONG araw lamang ay natapos ni Peter ang trabaho niya. Pinabibilib niya talaga ako sa pagiging magaling at professional niya.

Hindi ko alam kung paano ang ginawang trabaho ni Peter para makilala ang caller. Hindi ko din alam kung anong ginawa niya para mas mapadali ang paghahanap sa taong iyon.

Hindi pa man ako nakaka-move-on sa issue sa pamilya, ang tungkol kay Xking, ang revenge nila sa isa't isa, heto, may panibago akong nalaman na hindi ko inaasahan. Hindi ko inakalang sa dami ng taong maaaring maging caller kay Papa, ay siya pa.

And he's doing some dirty business. Halos maliyo ako sa panibagong impormasyong nalaman ko.

Galit ako kay Xking. Masama ang loob ko sa kaniya. Sobrang sama na kinamumuhian ko siya. Pero sa bagay na naging issue sa pagitan nila ng pamilya ko, I want to set aside my anger. I want to set aside the pain in my heart. Dahil gusto kong matapos na ang issue nila. Ako kasi ang nagamit. Ako 'yung nasaktan dahil sa galit nila sa isa't isa. Gayong sa bagong impormasyong nalaman ko, wala dapat silang ikagalit sa isa't isa. There is one person behind all of this. And I'm here to help.

It's just so ironic. Wala kasing kaalam-alam si Xking na nagpalaki siya ng ahas sa sarili niyang mansyon.

Minsan talaga, kung sino pa 'yung akala natin na kakampi natin, sila pa pala ang kaaway natin. Stabbing our back. Plastik.

I just...can't believe it. Though, I don't know the reason why'd he do that, it's still wrong. Ang pag-awayin ang dalawang kampo para sa kapakanan niya? That was... selfish. Isa pa, nakilala ko siya at nakaharap pero hindi mo aakalaing may maitim pala siyang balak---kasing itim ng budhi niya. He has two faces. Akala mo kung sinong mabait at loyal sa amo niya, but no. He's an evil.

Ang iniisip ko lamang ngayon ay paano ko sasabihin kay Xking. Wala pa din naman kasi akong ideya kung kaya ko ba siyang harapin ngayon. Hindi pa nababawasan ang galit na namuo dito sa dibdib ko. Ang pagmamahal ko sa kaniya na naging galit. Pero alam kong ako ang makakatulong sa kanila--with Peter.

Parehong kampo, gustong makakuha ng revenge. Set-up lang ang lahat. At ang mastermind?

That man, Maximo.

Ginawa ni Peter ang lahat upang ma-trace kung sinong may-ari ng mga numero. Hindi ko alam kung ano pang ginawa niya para ma-trace niya iyon. Nakatulong rin sa kaniya na ang mga location ng tawag ay sa mansyon ni Xking. Isa pa, nakausap din ni Peter ang imbestigador ni Xking na nagkataong kaibigan niya dahil nasa iisang field sila. He talked to him. Lahat ng pinagawa at pinahanap ni Xking sa kaniya hanggang sa pagma-manipula ni Maximo dito ng nga sasabihin kay Xking. Yes, the private investigator of Xking was manipulated by Maximo.

Ito ang may hawak ng issue sa Villafuerte. Lahat pala ng nalaman ng private investigator na iyon ay hindi niya nasasabi kay Xking dahil si Maximo, siya ang nagtuturo ng dapat sabihin. Binayaran siya ni Maximo ng malaking halaga just to shut up his mouth about the informations that he gathered about Villafurte's. My family.

At ang dahilan kung bakit nagbibigay ng impormasyon si Maximo kay Papa? Upang magalit si Papa at maghiganti rin kay Xking. And vice versa.

Ano ang gagawin ko ngayon? Gusto kong pumunta sa mansyon ni Xking at sampalin si Maximo. Siya ang puno't dulo ng lahat. Kaya nagkaroon ng away sa pagitan ni Xking at ng pamilya ko, kaya ginamit nila ako sa revenge thingy nila at kaya ako nasaktan ng sobra. Damn him, nasaan ang konsensya niya?

Ang tanda tanda niya na pero nagagawa pa niyang manloko. Para saan? Para kanino? Anong mararamdaman ni Xking kapag nalaman niyang ang isa sa taong pinagkakatiwalaan niya ay ginagago siya ng patalikod? I know it would hurt him.

XBANG: Xking SalvadorWhere stories live. Discover now