CHAPTER 1: Queen in the Making - Meet Enrique

505 12 3
                                    

"That's my Mama Dad!"


Standing ovation palagi sa Gay & Proud Bar sa tuwing nagpeperform ng  finale song si Queenie, my dad. May iba pa ngang foreigners na dumadayo pa ng Manila para lang mapanood siya. All thanks to YouTube, naging viral ang ilan sa mga impersonations na ginagawa ng aking Mama Dad. Lalong bumongga ang curiosity ng mga tao sa kanya nang ma-feature siya sa isang sikat na reality drag queen show sa USA. Ang isa kasi sa mga contestants doon ay naging vocal sa pagsabi na si Queenie daw ang unang drag queen na nag-inspire sa kanya noong siya'y 'dalaginding' pa. International exposure for the win!



Whitney Houston tribute night tonight kaya jampacked na naman ang Gay & Proud Bar. Halos lahat ng sikat na female pop icons ay inaalalayan ng bar ng special show for the fans. Dahil talented ang aking Mama Dad, never itong nawala sa mga big shows like this one.


Sigurado ako na marami ang naguguluhan sa set-up naming mag-ama. Yes, my dad is a drag queen and no, I'm not adopted. Biological daughter po ako ng aking Mama Dad named Enrique Sandoval.


Just like any other curious or in denial gay teens, my dad also passed the 'experimental' stage. Aniya, lumaki siya sa environment na halos wala siyang nakakasalimuha na bading. He has an older sister named Sol and a younger brother named Kevin. Kahit pa binibilhan sila nina Lolo at Lola ng baril-barilan at robots as toys, he is secretly wanting to play with his Ate Sol's toys.



"Kuya, let's play baril-barilan! Ako 'yung bad guy tapos ikaw yung good! Bang Bang Bang!" paanyaya ni Little Kevin sa Kuya Enrique niya.



"Next time na lang tayo mag-play, Kevin. Pagod ako from school eh..." 



Wala nang magawa si bunso. Little did he know na sa kuwarto ni Ate Sol pala didiretso si Kevin para makipaglaro ng bahay-bahayan at para rin masilayan ang Lisa Frank collection nito na dala ng kanilang mommy from the states.


"Ate Sol, laro tayo ng bahay-bahayan sa doll house mo!" masayang alok ni Little Enrique sa Ate Sol niya.


"Sige! Ikaw ang maglaro nitong male doll, pero ikaw din 'yung magluluto, maglalaba at mag-aalaga sa mga bata kasi working mom 'yung female doll. Siya ang bumubuhay sa family." Iksliplika ng panganay.


Tumango lang si Little Enrique. Nagpaalam na rin ito sa nakatatandang kapatid kung maaari nitong pakielaman ang kanyang Lisa Frank Collection at pati ang mga Polly Pockets.


"Alam mo, hindi dapat itong mga stationary, colors pens at stickers ang hinahawakan mo. You should be collecting NBA card and books. Hindi rin dapat polly pocket at dolls ang pine-play mo. Dapat kay Kevin makipaglaro palagi ng Lego at mga robot!" ani Ate Sol.



Hindi na lang ito umimik. He secretly hates it whenever his parents buy him toy guns and action figures. Pwede bang ipa-trade sa Barbie? Maliban sa ayaw niya ng mga violent shows na pinipilit na ipanood sa kanila, mas gusto pa nito na manood ng MTV para abangan ang mga music videos nina Janet Jackson at Madonna.


"Ate Sol, may secret akong sasabihin sayo."


The Drag Queen's Daughter [Wattys2015] [TNTPanalo]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt