CHAPTER 2: Enrique and Krista

173 3 0
                                    


Bumalik si Enrique sa library the next week upang hanapin si Sir Allen. Ikinalungkot nito ang balitang nag-resign na ito sa eskwelahan. Tinanong niya ang mga librarians na naroon, pero walang makapagbigay ng tamang impormasyon tungkol sa kanya. Ni ayaw nilang ibigay sa kanya ang telephone number o address nito.



"Sorry Enrique, ha? Malihim kasi si Sir Allen kaya hindi naming alam ang mga whereabouts niya." Sagot ng isa sa mga librarians na kinulit niya.



Hay... nawala pa ang kaisa-isang taong tunay na makakasagot sa mga katanungan niya tungkol sa buhay.


~0~

Enrique spent his elementary years trying to be more manly. He excelled in his academics and also played basketball. Wala talaga siyang maituturing na lalaking best friend, pero halos lahat ng babaeng kaklase niya ay may crush sa kanya. Nagtapos ito ng elementary na nasa fourth place kaya proud na proud sa kanya ang pamilya.



High school. Marami ang nagsasabi na ang high school ang pinaka-makulay na parte ng school life. Madalas ay dito nahahanap ng mga bagets ang kanilang mga 'firsts'. In Enrique's case, dito niya nakilala si Krista – ang kanyang first and only girlfriend.


"Hi Pogi. May katabi ka ba?"


"Wala."



"Pwedeng patabi?"



"Sige lang..."



"Nga pala, ako si Krista. Anong pangalan mo?"



"Ako si Enrique."



Ano ang first impression ni Enrique kay Krista? Nagandahan siya rito lalo na't napakahaba at napakaganda ng kanyang buhok. It reminded him of Pocahontas. Gusto rin kasi sana niyang magkaroon ng ganoong klase ng buhok. Shiny, black hair na pang-commercial model ang peg!


Naging close friends agad sina Enrique at Krista. Pareho silang nag-audition for the school dance troupe at natanggap din sila kaagad. Sa katunayan nga, sila kaagad ang pinagpares para sa isang salsa dance presentation. Tuwang-tuwa ang dance teacher nila sa kanilang chemistry.


"Nakakatuwa talaga kayong dalawa! Napakabata niyo pa, pero nakikinita ko na may future talaga kayo sa larangan ng pagsayaw. You two will invade the world of dance!" puri pa nito.

"Maraming salamat po, Ma'am! Pangarap kop o talagang maging dancer dahil gusto ko rin pumunta ng Japan tulad ng nanay ko." ani Krista.



"Ikaw Enrique, ano ang pangarap mo sa buhay?" tanong ni ma'am sa akin.


"Gusto ko lang pong magperform. Parang tulad ni Michael Jackson!"


Deep inside, Janet Jackson talaga ang gustong sabihin ni Enrique. Pinipilit niyang labanan ang tunay na ninanais dahil alam niyang mapapahamak lamang siya.


Madalas silang magsama ni Krista. Umabot na sa puntong sabay sila palaging umuuwi at lagi na silang inaasar ng mga teachers at classmates nila.

The Drag Queen's Daughter [Wattys2015] [TNTPanalo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon