CHAPTER 3: Baby Thalia

117 4 1
                                    

"Buntis ako."


"Nice joke!"


"Hindi ako nagbibiro. Buntis talaga ako at ikaw ang ama." Krista said in a tearful manner.



Hindi agad nakaimik si Enrique. Buntis? Unang-una, wala siyang maalala sa nangyari sa kanila. Ang alam lang niya, nalasing siya at wala na siyang saplot pagkagising niya. Pangalawa, kaibigan lang talaga ang turing niya kay Krista because of the third reason – he's thinks that he's gay.



"Mahal mo rin naman ako, 'di ba?" tuloy ay pagtangos ni Krista.



"Mahal naman kita, Krista. I love you because you are my best friend."


"Best friend? Bakit kasi hindi mo pa aminin na crush mo rin ako? Alam ko naman na kaya mo ako laging nilalapitan ay dahil sa gusto mo akong maging girlfriend. 'Yun yung mga napapanood ko sa pelikula't telenobela. Mahal mo ako! Mas madali na nga ngayon dahil magkakababy na tayo."


Lalong sumakit ang tenga at ulo ni Enrique sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ano pa nga ba? Siguradong itatakwil sila ng kani-kanilang pamilya. At the ripe age of fifteen, magiging ganap na ama na siya.


"Teka lang, Krista. Naguguluhan pa ako. Let me think."


Napaupo na lang silang dalawa facing different directions. Dito nag-sink in sa utak ni Krista na hindi biro ang pinasok niya. The truth is, she is really in love with Enrique. Kaya nga niya ito tinabihan kaagad noong first day of classes kahit na maraming bakanteng upuan sa classroom. It was love at first sight on her end. She is a sucker for love songs and romance films kahit maituturing na napakabata pa niya. She is also curious about her body and she thought that doing 'it' with Enrique – even without his permission, is the best thing she could do. Wrong.


On the other hand, Enrique is imagining his parent's reactions when they find out. For sure ay magagalit ang mga ito, but he also feels na mapapatawad sila kaagad. Kung mga pinsan nga niyang babae ay pinatawad, siya pa kaya?


"Gusto mo bang ipagpatuloy ko pa itong pagbubuntis ko?" nanginginig na tanong ni Krista.



Hindi agad sumagot si Enrique.



"Bakit ba ang tahimik mo? Magsalita ka naman, please. Alam ko na kasalanan ko and I'm really sorry." Hindi na nito napigilan ang pagbuhos ng mga luha sa kanyang mga mata. "Huwag kang mag-alala, ipapalaglag ko 'tong bata at ipapaampon ko na lang."



"Huwag! Huwag na huwag mong gagawin 'yan. That's our baby. Don't ever do that. I'm so sorry I'm just shocked." ani Enrique sabay yakap sa magiging ina ng kanyang first baby.



~0~



Habang pinaghahandaan ni Enrique ang kanyang pagiging 'batang ama' ay nagsumikap din itong rumaket sa school. Nagpapabayad siya sa mga kaklase niya para gawin ang kanilang school projects. He is saving up for the future. Three months niya itong ginawa. Walang nagbago sa pakikitungo nina Enrique at Krista sa isa't isa, although kumakalat na ang rumors sa school na magkarelasyon nga sila.

The Drag Queen's Daughter [Wattys2015] [TNTPanalo]Where stories live. Discover now