CHAPTER 4: Queenie's Princess Thalia

155 2 0
                                    

THALIA'S POV

Seventeen years have passed and here I am, acting as a personal assistant o alalay sa aking Mama Dad na si Enrique a.k.a. Queenie. Alas-kuwatro pa lang ng hapon, pero mega-prepare na kami para sa bonggang tribute for Whitney Houston.


"Mama Dad, nae-excite ako sa show mo niyo for tonight! For sure magwawala na naman ang mga Whitney fanatics!"


"Naku, sana nga my dear baby. Ako nga kaninang umaga dumaan ako sa simbahan for this tribute show. Pinag-pray ko ang kaluluwa ni Mama Whitney. Sana ay masaya na siya kung nasaan man siya ngayon.."


Nakakatuwa talaga itong si Mama Dad. Feeling niya, kilala niya personally ang mga divas na tinitingala niya. Sa ideal world, Lola ko sina Cher at Grace Jones. Tita ko naman ang mga Spice Girls at ate-atehan ko sina Britney at Christina. Sister ko naman si Marian Rivera, na talagang minahal niya nang i-remake nito ang Marimar, which was originally played by Mexican telenobela queen Thalia - kung saan hango ang namesung ko!

The process of transforming from the perfect gentleman and ideal father Enrique to the Queen of all Queens Queenie is not so easy. From the type of make-up to the quality of wigs, shaping of the body using girdle and masking tape and the highlight - pag-tuck ng kuwan, which Queenie does perfectly kahit pa medyo gifted ito. Umuumbok eh! It's not easy, but easy breezy kay Mama Dad Queenie!


Halena Grace is a part-owner of Gay & Proud Bar. Ito na rin ang tumayo bilang 'drag mother' ni Queenie, which means siya ay drag lola ko siya!



"Nandito pla ang prinsesa natin! How are you, dahling?" lumapit ito sa akin at bumeso.


"Mabuti naman po... Magco-college na rin po ako sa pasukan. Medyo ninenerbyos, pero kakayanin."

"Mabuti naman. Hindi ko pa nga pala nabibigay ang graduation at birthday gift ko sa'yo. Pasensya na at busy ang lola mo masyado. May bago kasi akong tine-train na mga drag queens para sa ioopen nating Gay & Proud Bar branch sa Malate."


"Wow, I'm so happy for you, Lola Halena Grace! Lumalago ang negosyo, ang mga bakla ay nagkakatrabaho!"


"Ganyan naman talaga dapat, iha. Expand lang ng expand para makatulong tayo sa mga kapwa nating talented individuals. Maglalagay na rin ako ng mga stand-up comedians na babae... totoong babae where they can also showcase their singing prowess!" patuloy pa ni Halena Grace. "Iha, baka gusto mo rin rumaket? Narinig ko dito kay Quen na magaling ka daw magsulat ng mga comedy lines."


"Naku, huwag na po ako. PWede siguro akong magsulat, pero hindi ako ang sasampa sa stage. Mahiyain po kasi ako eh..." mahina kong depensa.



"Iha, huwag na 'yang hiya-hiya na 'yan! Hindi uso 'yan dito! Dapat palagi tayong Gay and Proud! Gay, meaning happy. Proud is already self-explanatory!"


Sumingit si Mama Dad sa usapan namin habang naglalagay ng kolorete sa mukha. "Naku, Mama Halena, parangalan niyo nga 'yang batang yan. Tingnan mo naman ang outfit - palagi na lang black t-shirt at maong jeans ang suot! Gustong-gusto ko na ngang bilhan ng magagandang damit, pero ayaw naman suotin! Tomboy 'ata itong anak ko eh!" patuloy pa niya. "Anak, umamin ka na nga sa akin. Tibo ka ba? Okay lang naman sa akin eh just be honest..."


Napikon ako ng slight. "Mama Dad naman eh! Hindi ako tomboy, okay? I'm just boyish. That's all. Tsaka, ayaw m ba 'yun, walang liligaw sa akin?" pang-asar ko dito.



"Hay. Heto na naman tayo! Gagawin mo na namang rebuttal sa usapan natin 'yang ligaw-ligaw na 'yan! O siya, hindi na kita kukulitin, anak. Ang gusto ko lang naman ay mas lalong lumitaw 'yang ganda mo!" Mama Dad insists pa rin.


"Awat na nga kayong mag-ama! Aalis muna ako at marami pa akong papaswelduhin. I'll see you both tonight! Magpeperform din ako ng Whitney song ko later. Mwah Mwah Byeeeee!"


Total silence paglabas ni Lola. Nag-concentrate na si Mama Dad sa kanyang pagta-transform. Me? I'm reading the new novel Badette: Adventures of a Tabloid Newbie. Umpisa pa lang, inspiring na! Mabuhay ang mga risk takers!



~0~



AFTER THE WHITNEY HOUSTON TRIBUTE SHOW


Dahil maraming fans si Mama Dad na inaabangan siya every after show, nagstay muna ito for thirty minutes para ma-accommodate ang mga selfie requests ng fans. Meron pa ngang iba na nagdala ng gifts, which I find really sweet. Ang pinaka-nag stand out sa akin that night ay ang isang binatilyong umiyak at niyakap pa ang aking Mama Dad. In his fantasy world daw ay si Queenie ang kanyang mudrakels. He finds it sweet na in real life ay may dalagang anak si Enrique. Sana raw ay open din ang parents nya dahil itinakwil siya ng mga ito ng malamang he aspires to be a drag queen.


This makes me appreciate the existence of Queenie - kahit pag minsan ay nagseselos ako lalo na kung nakatuon ang atensyon niya sa mga 'drag daughters' niya.


What is a drag daughter? Ito bale ang mga aspiring drag princesses na may drag mothers na nag-aalaga sa kanila. Mentor, ika nga. May tatlong protégé ang Mama Dad ko, but I will elaborate that part kapag sinipag ako.



Pagkatapos makihalubilo sa fans ay inabangan ko ang Mama Dad sa backstage. Hindi na bago sa paningin ko ang mga drag queens na nagta-transform na into their true looks. Kung baguhan ka sa mundong ito, siguradong mamamangha ka. May mga drag queens na very feminine ang kanilang body structures. Meron din naman na maskulado, pero maamaze ka kung gaano sila kaganda when they transform. Mas bongga pa sila sa mga superheroes, noh!



In just a matter of minutes, Queenie undresses to Enrique.



Hindi naman sa pagmamayabang, pero kung ano ang kinaganda ni Queenie ay siyang ikinagwapo ni Enrique. Ahem, halata naman siguro dahil maganda din ako, 'di ba? Like father, like daughter!



"Anak, tulungan mo naman ako sa pagbitbit nitong mga regalo" pakiusap ni Mama Dad sa akin. Biglang pumasok si Luke, na mas kilala bilang "Lovelia Poe" on stage. Yes, big fan siya ni Lovi Poe kaya ito ang inspiration niya sa kanyang drag character!



"Mama Quen, kakain ba kayo sa tapsilogan? Pwede ba akong sumabay sa inyo? Hello, Thalia!" nagbeso-beso kami.



"Sige, sama ka na sa amin Luke! Siguradong gutom na gutom ka na rin. Nga pala, ang ganda ng performance mo kanina! Congrats!" puri ko rito.



"Salamat sissy! Mama Quen, ready na ba you?"


"Sige na mga junakis. Gorabells na tayo sa tapsi! Gutom na me!" nakakatawang sagot ni Mama Dad but in fairness, walang clue na kani-kanina lang ay kinakarir niya ang performance niya ng "I'm Every Woman"! Mukha na siyang leading man! Enrique Iglesias na ang peg!

------------------

I PROMISE NA MAS FOCUSED NA KINA THALIA AND STEPHEN ANG NEXT CHAPTERS! KAPIT LANG <3


The Drag Queen's Daughter [Wattys2015] [TNTPanalo]Where stories live. Discover now