Chapter 4

36.6K 1.4K 355
                                    

MERIELLA

Pumasok ako ng maaga ngayon. Hindi dahil sa lectures or klase ko kung hindi dahil sa tinder. Okay, aaminin ko may something talaga sa chat application na 'yon. Aaminin ko rin na nakaka-enjoy siya kung, kung maayos ang makaka-chat mo ro'n.

Tulad ni paminta.

Itatanong ko kasi kina Frances kung anong klase ng mga tao ang nakaka-chat nila ro'n. Gusto ko kasing malaman kung maraming katulad si Chard. Nandidiri ako sa kaniya, sa totoo lang. Ganoon na ba siya ka-ano sa sex? Na kahit thru chat ay gagawin niya? I wonder klung paano nila gagawin 'yun? Are they going to have sex with their phones? Napailing ako sa naiisip ko. Hindi kinakaya ng brain cells ko ang tungkol sa bagay na iyon.

Pumasok ako sa room ako pero bago ako tuluyang makapasok sa loob, nasulyapan ko pa 'yung dalawa kong classmate--babae at lalaki na naghaharutan. Aha, public display of affection. Bad 'yan.

"I-kwarto niyo na 'yan!" Sigaw no'ng isa kong classmate na nakasalubong ko sa pinto ng room namin.

Madalas akong makarinig ng ganyan. Bakit nga ba kapag may nakita tayong naglalampungan na couple o kahit hindi couple ay lagi nating sinasabihan ng, "I-kama na 'yan!" Kailangan ba talaga sa kama? Paano kung wala silang kama 'di ba? Kaka-insulto kaya 'yun.

Naupo na ako sa upuan ko. Naabutan ko si Frances na abala sa pagkalikot sa phone niya. I'm sure nagti-tinder na naman ang babaeng ito.

"Frances." Tawag ko sa kaniya.

"Uy, Ella."

"Aga mo ah. May ka-chat?" Tanong ko.

Tumango siya at ngumiti. "May bago akong ka-chat. Super gwapo, as in super!" Sabi niya na parang exaggerated pa sa pag-e-explain.

Ano ba ang real definition sa kanila ng gwapo at kailangang may "super" pa? Ano 'yan? Parang si San Goku na nag-su-super saiyan? Gwapo is enough. Kapag gwapo, e'di gwapo. OA na kapag may "super" pa.

"Patingin nga."

Ipinakita niya ang screen ng phone niya. 'Yung picture ng lalaki. Selfie ang pose.

Sumimangot ako. "Super gwapo na ba 'yan? Mas gwapo pa nga diyan si James Reid."

"Hmp. Super gwapo kaya oh! Look oh. The face..ugh! So gwapo!"

Tiningnan ko ulit ang picture. Naka-selfie. Naka-side view. Super gwapo agad?

"Picture lang 'yan, Frances. Kita mo sa personal, iba itsura niyan. Naku ka. Nagpapaniwala sa effect ng side view sa picture."

"Sus. KJ mo talaga, Ella. Anyway, balita? May nakaka-chat ka na ba sa tinder?"

Bigla akong naalala si Pepper. Masarap siya kausap though, hindi siya talaga gwapo. Pero mabuti na 'yun kesa naman kay Chard na gwapo nga, puro ka-berde-han naman ang nasa utak.

Tumango ako. "Meron."

Parang bigla ay kuminang ang mga mata ni Frances. "Whoa?! Talaga? Patingin!"

Inilabas ko ang phone ko at ipinakita sa kaniya ang tinder ko. Pinakita ko ang profile ni Pepper.

Sumimangot si Frances. "Ano ba naman 'yan, Ella! Wala ka bang taste. Ang jongit oh! 'Di ko keri ang feslak." Minsan, gumagamit talaga siya ng gay language.

"Grabe! Napaka-judgemental mo naman." Sabi ko saka inagaw ang phone ko.

Karamihan talaga sa mga panahon ngayon, judgemental. Madami nga akong nasasagap na kung anu-ano eh. 'Yung tipong may hindi lang maganda sa isang tao, kung laiitin, bongga. Para bang walang ka-lait-lait sa mga sarili nila. Tulad ni Kathryn Bernardo, sinasabi nila ayaw daw nila sa kaniya at hindi daw magaling na artista kasi 'sakang' daw. Aba, sakang lang, ayaw na agad? Nasa paa ba niya ang skills niya ng pag-acting? 'Yung mga nagsasabi pa niyon, jusmiyo, nahiya ako bigla sa mga itsura nila. Ano bang magagawa niya kung 'yun ang binti niya? Ginusto niya ba iyon? Si Nadine Lustre at Toni Gonzaga, sinasabihan na malaki ang panga, ginusto rin ba nila iyon? Mga tao talaga eh..

TINDERellaWhere stories live. Discover now