Chapter 8

27.5K 1.2K 450
                                    

Special mention to altaf22, happy 30th birthday! Enjoy your day :)

Chapter 8.

TULALA ako. Literal. Kanina ko pa kasi iniisip si paminta. Imagine, ilang araw nalang mula ngayon ay magkikita kami in person. Not that super excited, pero excited na rin.

Una, hindi talaga siya gwapo. Hindi talaga. Hindi sa pagiging laitera pero nagsasabi lang ako ng totoo. Pangalawa, hindi ko alam kung paano ko siya unang haharapin at kakausapin. At pangatlo, hindi ko maintindihan ang sarili ko. May kabog sa dibdib ko tuwing nakakausap ko siya sa chat sa Tinder. Kakaiba na hindi na yata normal?

"Hoy, Ella. An'yare sa iyo? Bakit tulala ka? Kanina pa kami nagku-kwento dito, hindi ka man lang nagre-react." Puna ni Frances sa akin.

Saglit akong lumunok saka tiningnan sila. Vacant time namin dahil may emergency daw ang professor namin.

"Makikipag-meet ako sa wednesday." Kabado kong sabi.

Nanlaki ang mga mata nila.

"Omg." Ani Nichole.

"Shizzzz!" Ani Tiffany.

"Oh my golly! Ella, is that true? Kanino ka naman makikipagmeet?" Tanong ni Frances.

Huminga ako ng malalim. "Kay Pepper."

"Who's Pepper?" Halos sabay-sabay nilang tanong.

Napalunok ako. Ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Ngayon usapan ay si paminta.

"Nakilala ko sa Tinder." Simpleng sagot ko.

"Gosh! So eye ball na ang peg ni Ella! Akala ko ba super precious ng time mo? Tapos ngayon, makikipag-meet ka? Finally, magkaka-lovelife na yata si Ella!" OA na sabi ni Frances.

"Let's celebrate!" Sabi naman ni Nichole.

Pinaningkitan ko sila ng mata. "Iyong totoo? Bakit? Makikipag-meet lang naman ako para doon sa project natin. Kailangan ko siyang i-interview."

"Gosh! Ella, kahit na. Meet pa din iyon. Dalawa lang kayo, so date!"

"Patingin kami ng itsura!"

"Oo nga, Ella. How does he look? Mala-Channing Tatum ba 'yan? Chris Evans? What?"

Lalong naningkit ang mata ko. Hindi na ako nagtaka na nag-e-expect silang gwapo ang ka-Tinder ko.

"Err.. Mabait siya at masarap ka-chat. Iyon lang masasabi ko." Sabi ko.

"Matangos ba ilong?" Tanong ni Tiffany.

"Mabait siya." Simpleng sagot ko.

"Mestizo ba 'yan?" Tanong naman ni Nichole.

Napabuga ako ng hangin. "Mabait nga."

"Super makalaglag panty ang kagwapuhan?" Tanong naman ni Frances.

Tumikhim ako. "Mabait nga kasi. Ku-kulit niyo."

Nagtawanan sila. Na-gets na yata ang ibig kong sabihin.

"So...panget?"

"Oo nga, gaano kapanget?"

"Pumatol ka? Maraming gwapo sa Tinder ah!"

I rolled my eyes at them. Mga mukhang gwapo. Looks doesn't matter. Anuman ang itsura ng isang tao, kung kasundo mo man siya, ayos na.

"Ewan ko sa inyo. Hi-hilig niyo sa gwapo. 'Di naman 'yun nakakain."

"Like duh! Nakakain kaya 'yon, Ella. Inosente ka lang!" Tumatawang sabi ni Nichole.

Nagtawanan sina Frances at Tiffany. May pahampas-hampas pa. Mga baliw talaga.

TINDERellaWhere stories live. Discover now