Chapter 10

29.4K 1.4K 650
                                    

Chapter 10.

Literal akong napanganga. Hindi ko kasi akalaing...

Kung anong itsura niya sa picture, ganoong ganoon. Bukod sa mas kita ang ilang butlig niya sa mukha, mas maitim siya sa personal.

Pero iba ang boses niya. Ibig sabihin, sa cellphone lang maganda ang boses niya?

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Ngumiti ako. Grabe, sosyal pala 'tong si paminta. May kotse, e.

"Wala naman." Sabi ko. "Nice meeting you pala, Pepper."

Ngumiti ulit siya. "Pero..."

Kumunot ang noo ko kasi nakatingin siya sa katabi niyang upuan sa unahan.

"Pero?" Tanong ko.

"Hindi ako si Pepper."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Sa isang iglap ay biglang nanggulat ang isa pang lalaking naka-hood na nakaupo sa tabi ng driver's seat. Nakayuko pala kanina, kaya hindi ko napansin. Naka-shades din siya. Nakatingin siya sa akin at talagang parang tumigil ang ikot ng mundo ko.

"I'm Pepper. Nice meeting you, Ella." Sabi ng lalaking saksakan ng....gwapo. Oh my! Tao ba talaga 'to?!

Nagtanggal siya ng hood, kasunod ng shades niya. At doon nanlaki ulit ang mga mata ko. Mas gwapo lalo, nang tanggalin niya ang nakaharang sa mukha niya. Pamilyar ang mukha niya. Pero, ito ba talaga si Pepper? Hindi, e. Alam ko, itong nasa driver's seat ang paminta na nakaka-chat ko. Kasi iyon ang nakita kong mukha na nasa profile picture niya sa Tinder.

"Gulat ka, Ella?" Tanong ulit no'ng gwapong nilalang na nagsasabing siya si Pepper.

Sino si paminta? Sino si Pepper? Nananaginip ba ako?

"By the way, he is Anselmo. My driver. And I'm Pepper. I know, you're shocked. But let me tell you, that I just used his picture on Tinder. But the truth is, ako ang nakaka-chat mo." Paliwanag no'ng gwapong lalaking impostor ni Pepper.

Napailing ako. "Naguguluhan ako." Sambit ko. Nakakahilo, nalilito ako. Feeling ko nasa isang panaginip lamang ako. Siguro masyado kong iniisip iyong pagkikita namin ni paminta kaya e'to nag-i-ilusyon ako na iyong nakaka-chat kong hindi gwapo ay maging gwapo bigla.

"Ahhh!" Impit akong napasigaw nang maramdaman ko ang kamay niya na humawak sa kamay ko. Jusko, sa isang iglap andito na siya sa likod ng kotse, katabi ko.

"I am Pepper. Your vitamins. Vitamin me." Sabi niya. 'Yung ngiti niya nakakalusaw.

Napalunok ako. Tumingin ako doon sa sinabi niyang Anselmo ang pangalan. "Ah?"

"Tama po si Sir Pepper, mam. Anselmo po ang pangalan ko. Driver niya po ako. Siya po ang nakakausap niyo sa chat. Ginamit niya lang po ang picture ko para daw po makahanap siya ng tunay na kaibigan na tatanggapin siya sa kung anong itsura niya. Alam niyo naman mam, hindi ako gwapo. Tsaka iyang si Sir. Masyado ng ginugulo ng mga fans niya kaya inaasahan na niya na kapag gumawa siya ng Tinder, madaming makikipag-chat sa kaniya. Kasi gwapi siya, mam."

Grabe. Teka, wait a moment. Parang loading ang utak ko, ayaw mag-function at parang nagkaroon ng diperensya.

Siya? Siya si Pepper? Itong gwapong nilalang sa tabi ko, almost perfect face na may magandang ngiti? Maputi, medyo singkit ang mata, makinis ang mukha, mapulang labi, maputing ngipin, clean cut na gupit ng buhok na medyo kulay brown. 'Yung totoo? Hihimatayin ako.

"Ella, I know you're still in shocked. I'm sorry if I used my driver's picture." Sabi niya.

Kaya pala englisero, at bagay talaga sa boses niya. Kasi gwapo. Hindi ko alam ang ire-react ko. Ayaw pa ding mag-function ng utak ko at huwisyo ko.

TINDERellaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang