Chapter 14

24.9K 1.1K 194
                                    

Chapter 14

KANINA pa ako bumebwelo sa pagsabi kina Frances ang tungkol kay paminta. Ang hirap naman kasing kanyanin ang nararamdaman ko. Lalo na't first time ko 'to. Ano bang alam ko sa usapang pag-ibig?

"Frances.."

Tumingin siya sa akin. Vacant time namin at busy kami kanina sa paggagawa ng seatwork na iniwan ng professor namin.

"Ano 'yon?" Tanong niya.

Napalunok ako. Nakakakaba naman pala ang ganito. Magku-kwento lang naman ako, e. Wala naman sigurong masama?

"Uhm, may gusto sana akong i-kwento." Nahihiyang sabi ko. Ngayon lang ako nahiya ng ganito kay Frances.

Mas dinikit niya ang upuan niya sa akin. "Ano 'yon? Secret ba 'yan? Ako lang makakaalam?" Tanong agad niya.

Napangiti ako. Ganyan talaga ang kadalasang sagot ng kaibigan mo kapag sinabi mong may sasabihin ka, e.

Tumikhim ako. "Medyo confidential. Sa 'yo ko palang sasabihin." Seryoso kong sabi.

Namilog ang mata niya. "Oh my. So it's my pleasure na ako ang kaunahang makakaalam? Ano 'yan. Na-excite ako bigla!"

Huminga ako ng malalim. Ito na talaga ang tamang pagkakataon na sabihin sa kaniya ang tungkol kay paminta.

"M-May nanliligaw sa akin...."

"Waaaa!" Tumili siya at may pagtayo pa. Agad ko siyng hinila paupo.

"Sabi ko sa 'yo ko lang muna sasabihin pero kung mag-react ka, mukhang ibo-broadcast mo pa sa lahat, e!" Reklamo ko.

Nag-peace sign siya. "Sorry na. So ano nga, may manliligaw ka na? Gosh! This is not new pero sino 'yan?!"

"Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Kapag nakikita ko siya o nakakausap, ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Tapos may time pa na lagi siyang naisip ko. Kapag tumatawag siya o nagtetext, kinakabahan ako lagi pero mabilis niya akong napapangiti. Ang lakas lakas ng epekto niya sa akin pero hindi ko talaga maintindihan kung ano itong nararamdaman ko para sa kaniya. First time kong maramdaman 'to, kaya hindi ko talaga alam. Kaya gusto kong tanungin ka, ano ba 'to? Ano ba 'tong nararamdaman ko?" Nakatungong sabi ko. Nahihiya kasi ako.

Nag-angat ako ng tingin. Literal na nakanganga si Frances sa akin. Natulala pa ang bruha.

"Uy.."

"A-Ah, ano! Ella, hindi kinakaya ng brain cells ko ang mga sinabi mo. Tinatanong mo ako kung ano 'yan? Sigurado ka diyan? E, gaga inlove ka na! Shemay. Inlove ka na, Ella. Kailangan nating i-celebrate 'to!"

Nanlaki ang mga mata ko. Inlove ako? Ibig sabihin ay inlove talaga ako kay paminta? Parang 'di ako makapaniwala.

"Uy, ano! Ella, inlove ka na talaga! I cannot believe this! Kaya pala lagi ka ng busy, e! May pumoporma na sa 'yo! Who's the lucky guy?"

Napalunok ako. Inlove nga talaga ako kay paminta.

"Kung inlove ako sa kaniya, anong dapat kong ginagawa?" Tanong ko na parang wala ako sa sarili.

"Of course, sasagutin mo dapat siya! Say yes to him! Nanliligaw siya 'di ba? At kung tingin mo naman ay sincere siya sa 'yo at gusto ka talaga niya, maging kayo na! Waaaaa! Hindi ka na single."

"Hinaan mo nga ang boses mo." Sabi ko. Sasagutin ko si paminta? Paano? Bakit ang sakit sa ulo nito?

"Hehe, sorry naman. Natuwa lang. Pero Ella, sino ngang manliligaw mo? Taga dito ba sa school? Ano? Taga kanto? Magtitinda ng kwek kwek diyan sa labas o 'yong janitor?"

TINDERellaWhere stories live. Discover now