That "okay lang" friend

35 1 0
                                    




Nakakainis yung kaibigan mong okay lang daw pero hindi naman talaga.


I have this friend na kinaiinisan talaga namin ng isa ko pang barkada ang attitude. Mahilig siyang mag self-pity, may pagkabossy, may pagkamayabang. Gusto niya yata sa kanya lang atensyon namin na magbabarkada eh hindi naman pwede 'yon. Minsan lang na di mo gawin yung pinapagawa niya sasabihin niya, "I feel so unimportant."


Marami na siyang ginawa na talagang kaiinisan mo. Tulad nalang ng sarili niyang barkada ay sasabihan niya na ang dudumi maglaro. Ayaw patalo. Wala naman kaming dinaya. Willing pa nga kami na sila papanalunin dahil sa mga sinasabi niya at sa mga tantrums na pinapakita niya. Gusto lang namin ipakita na hindi kami nandaya. Tapos bigla siyang lalapit at sasabihin samin, "Uy, friends pa rin tayo ah?" Pagbalik naman niya sa kagrupo niya, magsasabi sabi na naman.


Kanina hindi ko alam kung papaano nabuksan ang topic ng pagkairita namin sa kanya. Nakaramdam yata at umiwas sa amin ng close friend ko sa barkada. Nung afternoon, kinausap niya ang isa pa naming barkada at sinabing ayos lang daw sa kanya na magkausap kami. Hihintayin lang daw niya lumamig ang ulo ko at kakausapin niya na ako.


Pero expected, nag tweet na naman na sinisiraan daw siya at ang fake fake o whatsoever pa na itweet niya. Ang gulo ah! Sabi ni Okay lang na magkausap kami tapos sa tweet naman ang dami niyang sinasabi?


Therefore I conclude that I really can't talk to him about this matter forever. May forever! Hahaha


Bahala siya sa buhay niya. Hirap intindihin.

My Mind Is A Maze, What to do, Bes?Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu