Paano raw mag move-on

30 1 0
                                    


Time and acceptance dear.

Lahat naman tayo dadating sa point na maiinlove. Hindi rin mawawala ang pagiging broken hearted.


Well ang mapapayo ko lang, bigyan mo ang sarili mo ng time. Mag isip ka ng pagkaka-abalahan. Acceptance, tanggapin mo kung hanggang saan lang ba talaga kayo.


Nung na broken hearted ako, hindi ko na binigyan ng time ang sarili ko na magstalk sa kanya. Ano ba mapapala ko sa pags-stalk? Except sa updated ka sa buhay niya, hindi naman lahat, mabrobroken hearted ka pa sa mga makikita mo dun. Prevent yourself from hurting. May mas better naman na itinakda sayo si God. Trust me.


Tanggapin mo rin kung hanggang saan lang talaga kayo. In my case, we're classmates. Hanggang dun lang 'yun. Ano man ang gawin niya, wag ka na mag assume na may motibo 'yun. Friendly lang siguro 'yung tao. Kung classmates kayo, hanggang doon lang 'yon. Wag mo bigyan ng motibo.


Sa dalawang nabanggit, hindi ka naman totally na makaka move on. Pray and pray and pray. Pwede naman sa ibang bagay at hindi lang sa love life. Pag nakita mo 'yung taong dating tao na nainlove ka, andoon pa rin yung feeling. Pero hindi na ganoon kalakas ang effect. Kasi tinanggap mo kung hanggang saan lang kayo eh.


Masarap mainlove. Masakit mabroken hearted. Pero temporary lang 'yan. Sa love, pwede 'yan maging inspiration o distraction. Choice mo naman 'yan.


:)


My Mind Is A Maze, What to do, Bes?Where stories live. Discover now